Kabanata 23

725 41 4
                                    

Kabanata 23:
Buntis

Nang makuha ko ang tyansa ay muli akong pumasok sa loob. Luckily, I saw Anselmo from afar talking to an old man while drinking. Yumuko ako upang mapadali ang pagtungo sa kanya, ngunit hindi pa ako nakakalapit ay may muling humila na naman sa'kin, expecting that it was him again, so I started shouting. Tinakpan niya ang aking bibig kaya't mas lalo akong nagwala, hanggang sa maitago niya ako sa isang sulok kung saan nakuha ko ang tiyansa upang kagatin ang kamay niya.

"Aray!" sigaw nito ngunit tila bulong lang, pinandilatan niya ako ng mata. Ganoon rin ako ngunit dahil iyon sa gulat at saya.

"Susan!" I said, joyfully at agad siyang pinaulanan ng yakap. 

"sshh!" she hushed, inilapat niya ang hintuturo sa kanyang labi.

"Paano ka napunta rito?" sabay naming tanong sa isa't  isa. 

"At saka anong nangyari sa buhok mo? Napakaganda mo, Amaraaaa" mangha nitong sabi habang hinahagod ang aking buhok.

"Teka, mahina ang kalaban, first of all,namiss kita! Gusto kong magsorry kasi hindi ko nagawang balikan ka man lang, ang ibig kong sabihin, patawad hindi ko na nagawang bumalik dahil natatakot ako" huminahon ang tono ng aking boses sa huling kong sinabi "alam mo na ba ang nangyari sa pamilya namin? natin? Baka mamaya pagbabarilin ako sa oras na magpakita ako sa pamilya ni Irineo eh, ikaw hindi ka ba nila sinaktan?"

Tumango siya. "hindi nila ako sinasaktan dahil sa darating na Disyembre ay magpapakasal na kami ni Ybañez isa pa, hindi ko naman dinadala ang inyong pangalan at hindi sila ganoong tao" 

"pasensya na ulit, nakagat pa tuloy kita, akala ko kasi si Irineo eh, kanina kasi nagkita kami, nakakainis nga kasi kahit nagpalit na ako ng hitsura ay nakilala pa din ako, noong isang araw pa kami nagkita kaya't ang akala ko ay ang matatandaan niyang hitsura ko ay 'yong nakaraan" ngumuso ako at humalukipkip.

"bakit mo siya iniiwasan? Alam mo bang sa loob ng pitong buwang pagkawala mo ay wala siyang ginawa kung hindi ang mag-aral at hanapin ka, araw-araw niya akong tinatanong kung may balita ba ako ukol sa iyo" natigil ako dahil sa sinabi ni Susan.

Sandali akong napaisip dahilan para hindi ko magustuhan ang ideyang pumasok sa utak ko.

"Syempre, hahanapin niya ako, tinutugis ng pamilya niya ang pamilya ko, ibig sabihin tinutugis rin nila ako, di'ba?" that makes sense.

"Pero sabi mo nga ay noong isang araw pa kayo nagkita hindi ba? Kung alam niyang buhay ka o naririto ka ay dapat pinatugis ka niya noong isang araw pa, isa pa isang gabing nagtungo si Don Mariano sa kanyang tahanan sa Bolinao at ipinahanap ka nito sa kanyang mga tauhan ay ipinatigil iyon ni ginoong Irineo dahil aniya ay wala ka namang dapat pagbayaran sa kung ano ang kasalanan ng iyong ama"

Kumawala ako ng malalim na hininga. Nagpatuloy siya sa kanyang sinasabi.

"Amara, huwag mong itago ang sinisigaw ng puso mo, ang halamang malalim ang pagkabaon ay ang may pinakamatibay na pundasyon, kung pinapanatili mo 'yan sa iyong puso ay mas lalo yang titibay, kung nais mo talagang mawala na ang namamagitan sa inyo, harapin mo siya, iniwan mo siyang nakabitin kaya't ngayo'y nananatili siyang nakahawak sa kung anuman ang pinangako mo"

That. makes. more. sense. Hindi ko magawang magsalita at humalukipkip na lamang. Piangtatagis ko ang mga kuko sa daliri at pinipilit na gumana ang isipan. Marahan akong pumikit at hinilamos ang mukha gamit ang palad.

Waves Of TimeWhere stories live. Discover now