Kabanata 37

605 41 26
                                    

Kabanata 37:
Takas

Isang linggong makalipas simula nang magluksa kami sa pagkamatay ng aming mga kaibigan. Hindi namin alam kung paano namin maipapaalam sa naiwan nilang pamilya ang nangyari, kahit kami ay hindi pa rin natatanggap.

Sobrang bilis ng mga pangyayari ang akala ko ay katapusan ko na, pero mas higit pa ata sa katapusan ang nangyari sa aming lahat. Si Erlinda na inosente at wala pang muwang sa mundo, si Cristina na hangad lang ang katahimikan ng lahat at si Madame Veronica na mapagmahal na Ina, sa amin at kahit sa hindi niya biyolohikong na anak.

Si Victoria ay tuluyang sumuko sa mga awtoridad at isiniwalat ang katotohanan, dahil sa ginawa niya ay naiwang mag-isa at nagluluksa si Gobernador Juan. Si Susan na kasabwat ay nananatili sa paglilitis at kasalukuyang nakakulong. Kahit na gaano man kalalim ang naging pagsasama namin ay hindi ko siya magawang mapatawad.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ni Irineo at inaalagaan siya. Gumaling na ang mga sugat ni Irineo, gayon rin ang akin. Bumalik na ang dating lakas namin kaya napagdesisyunan ko ng umalis na sa mansyong ito.

Ang mga damit ko ay nakaampake na at aantayin ko na lang na tuluyang gumaling si Irineo, may sugat pa rin kasi siya sa tagiliran at ulo.

"Rowena, kailangan niyo ba talagang gawin ito?" Tanong niya kay Rowena na nasa likuran ko.

"Oo Señor, kailangan na ng dahas para matapos na ang lahat ng ito." Ngumiti siya, gayon rin ako.

"Irineo, gusto kong magpakalayo-layo ka, sa oras na bumalik kami rito, hindi ka pwedeng masaktan." I commanded. Bumagsak lang ang balikat niya.

"Ito ang natatanging paraan, para sa kalayaan, para sa lahat ng buhay na binawi nila, sa lahat ng pighati na kanilang dinulot." Dagdag ko.

Hindi na umalma si Irineo at umiling na lang.

"Mauna na ako, Amara, Señor, may kukuhain lamang ako sa kwarto," paalam ni Rowena bago lumabas ng kwarto.

"Sandali Rowena, bisitahin mo muna si Susan sa piitan, hindi kasi magandang putahe ang binibigay ng mga gwardya sibil, bigyan mo siya ng disenteng pagkain kahit papano." Hesitante pa siya bago tumango at umalis na.

Isinara ko ang pinto at nagsimulang magligpit ng mga bagay-bagay, inilapag ko ang mga gamot ni Irineo sa mesa na nasa gilid ng kanyang kama at kumuha ng baso ng tubig.

Kumuha ako ng ilang pang-itaas niya upang mapalitan niya ang basang damit na suot niya. Habang naghahalungkay sa kanyang cabinet ay may pumukaw ng atensyon ko.

Pamilyar na metal na parang lalagyan ng mga sinulid o kung ano. Namangha ako nang mapagtanto kung ano iyon.

Nilapag ko ang damit na napili sa may bandang paanan niya at saka ako umupo sa tabi niya habang manghang-manghang binubuksan ang box.

"Ano 'yang kinuha mo?" Dinungaw niya ang hawak ko.

"Nasayo pa rin pala ito?" Ngumiti ako nang mabuksan na ang box at tumambad ang maaliimuom na amoy nito.

"Nakuha ko 'yan noong nagkasunog sa bahay ninyo, pumunta ako sa kwarto mo sa akalang nandoon ka at nadatnan kong nakakalat yan sa ilalim ng kama mo," paliwanag niya.

Inisa-isa ko ang mga sulat at doon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat.

Pareho ng handwriting ang sumulat sa mga letters na hawak ni Amara noon at ang mga sulat na hawak naman ni Irineo.

Mahal na mahal niya talaga si Amara. At ang ideyang napamahal siya lalo sa katauhan ko ay nakapagtataka.

"Mahal na mahal mo talaga siya.." Pinagmamasdan ko ang mga sulat na may matatamis na salita mula kay Irineo.

Waves Of TimeWhere stories live. Discover now