Kabanata 24

749 35 9
                                    

Kabanata 24:
Desisyon

Ate Criselda's craving gotten worse, may mga iba siyang prutas na pinapahanap na bihira lamang mahanap sa paligid o kahit sa palengke. Isang beses ay naghanap ito ng manggang dilaw kahit na hindi naman ito napapanahon, nang hindi ko magawang hanapin iyon ay naging emosyonal ito. So that was the struggle of having a pregnant colleagues around you huh?

 Hindi pa nagagawang sabihin ni Ate ang totoo sa kanya ay para bang madalang na lang kung bumisita si Anselmo sa tahanan. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kinuwestiyon ni Anselmo ang rebelasyon ni Ate, they haven't done that thing yet kaya't sino ba namang lalaki ang hindi kukuwestiyunin ang ganoong bagay?

Abala ako sa pagsisiga ng kahoy dito sa labas ng bahay. Gusto naman kasi ni Ate ng inihaw na bangus para sa tanghalian, hindi ako sanay sa mga ganitong bagay ngunit para sa pamilya ay magagawa ko talaga, I've been with them for almost a year so our bond built up, you can't choose your family but you can always make one, it isn't about the blood that made you related but the love and joy you share with one another.

Hinipan ko ang baga na nagababadyang umapoy dahilan para tuluyan itong lumiyab.

"Yes!" Kinuyom ko ang kamay dahil sa galak.

Nang makita ko ang bahid ng uling sa aking kamay ay nagtungo ako sa sapa upang linisan ito. Nasa kalagitnaan ako nang paglilinis ng kamay nang mapansin ko ang repleksyon ng aking mukha. Napahagikhik ako dahil sa duming nakita sa aking mukha, ang dungis ko! 

Isang sigaw ang bumaolabog sa aking pagmumuni muni.

"Ano?!" nangagalaiti ang tono ng boses ni Ina mula sa loob ng bahay. Nagmadali akong pumasok at nadatnan kong nakaluhod si Ate. Tila nagmamakaawa siya dahil magkalapat ang dalawa nitong kamay.

"Alam mo kung bakit nangyari sa'kin ito? Pinabayaan niyo ang pamilya natin! Hinayaan niyong bumagsak at marumihan ang pangalan natin, kung hindi kayo pabayang magulang ay hindi sana mangayayari ang lahat ng it-"

Hindi natapos ni Ate ang kanyang pinupunto dahil isang malakas na lagapak ng palad ang dumampi sa kanyang pisngi, hinawakan ni ate ang kanyang pisngi. Nanlalaki ang mata ko habang tumatakbo patungo kay Ate at sinubukang depensahan siya.

"Ina, tama na po!" sigaw ko habang yakap-yakap si Ate. I saw a clearer view of angry Donya Isabel, I didn't knew he could get angry like that. Nakaramdam ako ng takot.

"Amara?!" Ina's looks darted on me. "Alam mo ba ang tungkol dito?" Kumunot ang noo ko.

Taas baba ang dibdib ni Ina dahil sa paghahabol ng hininga. Nakakuyom ang mga kamay nito at paulit-ulit na sumisinghap.

"Ang alin po?"

"Na ginahasa ang kapatid mo? Alam mo ba?!" bahagyang nanlaki ang mga mata ko ngunit wala akong nagawa kung hindi ang umiling.

"At alam mo rin kung sino ang gumawa nito?!" naramdaman ko ang panginginig ng kamay ni Ate Criselda na ngayon ay nakahawak sa aking braso. Ngayon lang uli pumasok sa isip ko ang katanungang iyon. Nang huli naming pag-uusap ni Ate ay hindi niya binanggit kung sino o paano nangyari ang lahat.

"Sino?!" parang kidlat na dumagundong ang boses niya sa buong bahay.

"Si Padre Vicente!"

Nalaglag ang panga namin ni Ina sa kanyang ibinunyag. Nanginginig ang kamay ni Inang tinakpan ang nakaawang na bibig. Ang luha mula sa aking mga mata ay bumuhos, ganon rin kay Ate Criselda.

Padre Vicente? Iyong pari mula sa pagdiriwang na naganap noong nagpanggap ako bilang katulong. Isang malinaw na larawan niya ang pumasok sa aking isipan, ngayon hindi ko na kinukuwestiyon kung sino ang gumawa ng karumaldumal na krimen nang gabing iyon, si Padre Vicente ang gumawa non sa babae! Ang mga ugat sa aking leeg ay umigting sa galit.

Waves Of TimeWhere stories live. Discover now