Kabanata 32

654 49 26
                                    

Kabanata 32:

Alam ko

Bahagya ko siyang tinulak at kumawala sa yakap niya. Umupo ako at umiling. Dahan-dahan rin siyang umupo binibigyan ako ng nanunuyang ngiti.

Nakanguso siya habang dinudungaw ako at hinuhuli ang mga mata ko. Umirap ako at nilingon siya.

Please, I hope you'd notice my coldness. I am cold, Irineo! Can't you feel it?

Bahagya niyang inanggulo ang katawan niya nang may kinukuha siyang kung ano sa kanyang likuran.

Nadatnan ko ang isang tungkos ng kulay faded red na bulaklak, pa-vase ang hugis nito. Inilahad niya ito sa akin, agad ko itong nilanghap na nagpangiti sa akin.

"Ah sandali! Paumahin binibini.."

"Huh?" Kumunot ang noo ko.

"Hindi 'yan para sayo" tumikhim ako at panandaliang ininda ang pagkadismaya. Kung gano'n..

"Ako ang para sa'yo" umangat uli ang tingin ko sa kanya nang namimilog ang mga mata.

Nang magkasalubong ang mga mata namin ay agad akong umiling. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi, parang kamatis na sa pula ang aking mukha!

Pero mali, mali ito. Mas lalo akong mahihirapang iwan ka kung ganito. Saan mo naman kasi natutunan iyan!?

Namilog ang mga mata ko nang umandar bigla ang bangka. Binalingan ko si Irineo na nagsasagwan na pala.

Pinuno ko na lang ang mata sa ganda ng tanawin. Pinaglalaruan ko ang tubig.

"Saan ka nagtungo?"

Tinignan ko siya, nakakunot ang noo at naniningkit ang mata.

"Kinailangan kong dalawin ang pamilya ko, pumanaw na si Ama.." yumuko ako, nagsisikip uli ang dibdib, " at si Ina."

Napalitan ng gulat ang ekspresyon niya. Umawang ang kanyang bibig at hindi makapaniwala sa dineklara ko. Mukhang may gusto siyang sabihin pero pinili niya na lang manahimik.

Nagmadali siyang magsagwan hanggang sa makalipat kami ng kabilang pampang. May kalayuan na sa Casa Alonzo.

"Paumanhin sa itinanong ko," aniya.

Tumango lang ako at ngumiti. Natatakot akong ikwento sa kanya ang lahat at baka makita niya ang mahina kong pagkatao, ayaw kong umiyak uli sa harap niya.

Dinala niya ako sa isang malaking simbahan. Pamilyar ito na para bang napuntahan ko na noon. May mga salamin sa dingding na tanging ang araw lang ang nagbibigay liwanag.

Nasa labas lang kami nito dahil sa nasa kalagitnaan ang misa at bastos kung pumasok nang nahuli. Ngunit may ilan pa ring mga mukhang mayayamang pumapasok na gumagawa pa ng malalakas na ingay.

I hissed out of irritation.

Masasabi kong mga dayuhan sila dahil sa mga kulay ng buhok nito na gaya ng kay Irineo. They're wearing a classic filipiniana. That screamed extravagance.

"Bakit tayo naririto?" tanong ko.

"May inaantay ako," sagot niya. Tumango lang ako at kahit na gusto kong tanunginn kung sino ay tumikhim na lang ako.

Inaabala ko na lang ang sarili sa pagsisipa ng mga ilang bato na nasa gilid ng pintuan. Nang maiwasan ang pagdikit kay Irineo at hindi siya makausap.

Maya-maya pa ay nagsilabasan na ang mga tao kasabay ng pagkalembang ng kampana, hudyat na tapos na ang misa.

"Oh narito na pala si Padre Vicente.."

Waves Of TimeOn viuen les histories. Descobreix ara