Naalarma ako sa sinabi ni Helen dahil mukhang hindi na naman iyon nagustuhan ni Eugenio.

Maybe she's someone forbidden or she busted him? Mukhang ayaw talaga ni Eugenio ipagsabi.

"Hindi ako pupunta, wala si Kuya Jenarez sa isang linggo pa ang uwi niya, walang tao rito sa bahay," malamig niyang sabi bago tuluyang umalis ng silid-aklatan.

Nakatinginan kami ng mga kanyang kapatid. Halata ang kabiguan at pagkadismaya sa mga ekspresyon nila.

Kinabukasan ay pinaghandaan na namin ang pagpunta sa plasa.

We were really excited and we don't even have a proper sleep, pabalik-balik sa kwarto sila Helen at Lucio para maglahad ng mga kinapapanabikan nila.

I wore a red and pink camisa't saya with panuelito wrapped on my head. Gayon rin si Helen pero purong puti ang suot niya, si Lucio naman ay simpleng pang-ibabaw na long sleeve at knee length pants.

They resembled the beauty of their father and I guess their mother also, lalo na itong si Lucio na mukhang babae pero sa tingin ko ay magiging kasing maskulado niya rin ang kuya niya pagdating ng araw.

Inaayos ko ang buhok ni Helen habang pinapanood niya ang kanyang repleksyon sa malapad na salamin.

"Ate! Ang ganda-ganda mo!" puri niya na ikinangisi ko.

"Mas maganda ka nga. Naku! Siguro kapag umabot ka ng labing anim na gulang ay magkandarapa na sa'yo ang mga binata ah, dapat dadaan muna sila sa'kin bago ka maligawan!" babala ko. Ngumisi rin si Helen.

"Sana nga po ay kasing bait at kasing ganda niyo rin ang mapapangasawa ni Kuya pagdating ng araw."

Humarap siya sa'kin habang pinagmamasdan ang mga mata ko.

"Oo naman, maraming magaganda at mababait akong kakilala, gusto mo ipresenta ko pa ang kuya mo sa kanila." Nagsimula na naman kami maghagalpakan.

Inihatid kami ng isang magarang karwahe na pagmamay-ari ni Doktor Jenarez, ilang sandali pa ay nakarating na kami sa plasa na puno ng nagkakasiyahan na tao.

Ang iba ay kagagaling lang sa simbahan kaya't halos hindi sila mahulugang krayom nang magkalat sa loob ng plasa. Ang mga nagtitinda naman ng mga pagkain o kung ano-ano ay di magkamayaw ang tuwa dahil sa dinadagsa ang mga paninda.

Umupo kami sa gilid habang pinapanood ang ilan na nagsasayawan na. Kakaunti pa lang at mukhang mag-asawa na ang mga ito.

Habang masaya naming pinapanood ang mga tao ay tahimik naming nilalantakan ang nabiling puto bungbong na nabili sa gilid kanina.

"Umm.. binibini, maari ka po bang maisayaw?" Nanlaki ang mata ko sa boses na narinig mula sa likuran ko—kung nasaan si Helen.

Nilalahad ng binatilyo ang kamay niya kay Helen at mukhang gulat na gulat siya sa inasta nito.

Nagkatinginan kami ni Lucio at pabulong na nagtilian. Si Helen naman ay nagpabalik-balik ang tingin sa binatilyo, namumula na parang kamatis ang pisngi, ilang sandali lang ay tinanggap niya naman ang alok ng binata.

Nagtawanan kami ni Lucio nang tuluyan silang makahalo sa mga nagsasayawan sa gitna.

Tahimik at banayad ang musika, pangmagkakasintahan o kaya naman ay sa mga nagliligawan. Sa paligid namin ni Lucio na kung kanina ay maraming tao, ngayon ay lumuwang na.

Medyo natatagalan na si Helen kaya't hindi ko mapigilang mag-alala. Dumungaw-dungaw ako sa mga tao at hindi ko na sila naaaninaw.

"Lucio, susunduin ko lang ang ate mo ha." Tumango siya habang abala pa rin sa pagkain.

Waves Of TimeWhere stories live. Discover now