Inalalayan ko siyang makaupo sa upuan sa harap ng isang malapad na mesa, sumunod naman ako.

"Hindi mo naman kailangang mag-aral ng kastila pa, dahil sa oras na maging abogada o doktora ka na, malaya na ang Pilipinas, malaya na tayo, Helen."

Yumuko lang si Helen at umiling. They're still hopeless about it. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian.

"Nais mo bang magtungo sa baybayin ng Manila, Ate?" tanong niya na bumasag sa malungkot na paligid.

"Maganda ba doon?"

"Oo naman!"

"Magmerienda muna kayo, Helen, Ate Amara." singit ni Eugenio na kararating lang. May dala dalang tinapay at gatas si Eugenio at agad na nilapag sa mesa.

Agad naming nilantakan iyon.

"Sa ngayon, ako na lang muna ang magtuturo sa iyo Ate, 'di ba't hindi ka pa bihasa sa salitang Espanyol?" Tumango ako bilang sagot.

Although hindi ko naman na kailangan siguro magagamit ko rin ito in future uses, o kaya naman kapag nakikihalubilo sa mga maharlika.

Si Lucio ay parang may nahanap na kung ano nang makita kami na naririto sa kanilang silid aklatan.

"Kumakain pala kayo, hindi kayo nagaaya." Umismid si Lucio pero nagpapatuloy pa rin sa pag-upo at saka sumubo ng tinapay.

"Uuwi nga pala kami ng Pampanga sa susunod na buwan, kung hindi mo mamarapatin ay isasama ka namin, Ate," anunsyo ni Eugenio.

Bahagya akong napaisip sa kung ano ang mga maaari kong gawin sa oras na maiwan ako rito mag-isa o kaya naman ay mga araw na may posibilidad na magkita kami ni Irineo.

"Pag-iisipan ko muna.." Tumango siya.

"Pero teka, bakit nga pala kayo uuwi doon? Hindi ba sabi niyo nabili na ang lupain niyo?"

Kumuha ako ng ilang tinapay at pinalamanan ito, inilahad ko sa mga bata. Sumimsim muna si Eugenio ng gatas bago sumagot.

"Makikipag-usap ako sa mga nakabili ng lupain namin, unti-unti ko ring bibilhin iyon, nang makatayo kami ng sarili naming mansyon."

Umawang ang bibig ng mga kapatid niya at ako naman ay napangiti sa mangha.

"Kuya! Magkakaroon na tayo ng mansyon?" Maligayang untag ni Lucio habang lumalapit sa kuya niya.

"Sana ay nakakakita na ako sa oras na magkaroon tayo ng mansyon, nais kong doon magtungo ang mga manliligaw ko pag dumating ang araw." si Helen.

Kinurot ko naman si Helen sa tagiliran kaya't napangiwi siya. His brother seems bothered about it.

"Ngunit may mga prayoridad pa rin ako, ipagagamot kita sa ibang bansa sa oras na mag-aral ako roon, Helen." Ngumiti si Helen sa sinabi ng kuya.

Pinagmasdan ko silang mabuti. It is normal to grow up and look mature, and as our age increseases the day passing by would be gloomy. It is a part of poverty, but I'm bothered of the way Eugenio acts, I'm not used to it, he became mysterious and a bit sneaky.

"Kuya! Kwento mo naman sa amin, iyong babaeng tinutukoy ni Ate Amara!" Nanlaki ang mata ko.

Matalim na tinignan ni Eugenio si Lucio ngunit nananatiling nanunuya at nang-aasar ang kapatid.

"Hindi ka naman ganyan kuya 'e!" Umismid si Lucio.

"Ah alam ko na!" singit ni Helen.

"Magtutungo kami sa plasa bukas nina Lucio at Ate Amara, mayroong sayawan doon at nais naming malaman kung sino ang binibining naiibigan mo sa pamamagitan ng pagsayaw, kung sino ang pinakauna mong isayaw ay siya ang tinutukoy namin!"

Waves Of TimeWhere stories live. Discover now