Chapter 15

22K 294 76
                                    

Chapter 15

 

-Cold Hands-

Nakikipaglaro ako ng scrabble kay kuya Mir at Trista nang may tumawag sa akin. Seems deja vu, though.

“Sagutin ko lang. Will be back later!,” I winked at them. “’Wag niyo ko dayain ah!”

Ganito madalas magsimula ang araw ko ngayong sem break. Either may magtetext o tatawag sa akin. Medyo iwas kasi talaga ako ngayong lumabas ng bahay.

“Hey!,” bati ng lalaki sa kabilang linya.

“Hey din. Bakit ka napatawag?” kahit anong pilit kong kiligin dahil tumawag siya ay parang di ko magawa. Kaya lalo akong nagdududa sa feelings ko kay Ace. Ugh. What a great way to start my day nga naman. “Bilisan mo, okay? I’m having a fun time with my siblings.”

“Teka wala pa nga akong sinasabi nire-reject mo agad ako,” he sighed teasingly, “e kasi mamaya may gimik kami. At gusto nandun ka. Please get out of your cave. Kahit ngayong araw lang please? Please please please. Sige na oh” natawa agad ako sa tono ng boses ni Ace. Para siyang bata lalo dun sa ‘please’ part. Halos makita ko na sa isip ko ang pag-pout ni Ace.

Sabi niya ay balak daw nila mag-perform sa kalsada mamayang hapon. Hindi naman ako kakanta kaya hindi ko alam kung bakit pa ako kailangan dun. At bukod diyan, ayaw ko talaga umalis ng bahay. Simula nang sumama ako kay Stan nung isang linggo ay masyado akong preoccupied at ayaw lumabas ng bahay. Pero kahit anong pilit kong pagtanggi ay hindi umuubra kay Ace.

Umaga pa lang naman kaya may oras pa ako magpahinga. Sabi ni Ace ay susunduin daw nila ako mga bandang alas tres pa ng hapon. Sinulit ko muna ang mga oras ko kasama ang mga kapatid ko. At nang mag-ala una na ay nag-asikaso na agad ako. Halos isang oras ako sa banyo.

At kahit damit na lang ay hindi pa rin ako makapili. Halos hinalungkat ko na ang buong cabinet ko makahanap lang ng magandang susuotin. Hindi ko alam kung bakit ako tarantang-taranta sa dapat kong itsura mamaya.

In the end, isang oversized white plain shirt tucked in a black high-waist pants na lang ang sinuot ko with black wedge boots. Nag-apply na rin ako ng light make-up with red lipstick.

“Okay ba suot ko?,” tanong ko kina Ace at Stan paglabas ng gate nang naabutan ko silang kanina pa naghihintay sa labas.

“Sa tagal mong magbihis siyempre sasabihin ko na lang oo.” Sinimangutan ko si Stan. My gosh. I’m suddenly insecure with what I’m wearing or what I look like. Seriously, what is really happening with me?

“Be serious nga! Do I look creepy? Baka naman ang OA ng red lipstick. Ano tanggalin ko na ba? Tingin mo ba di na-“ he cut me off. Pinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko at diretsong tumingin sa mga mata ko.

“Okay. Honestly, you look a bit creepy but still pretty.” He glanced at Ace na nakatayo sa tabi niya then grinned saka binalik ang tingin sa akin. “Besides, maganda ka sa paningin ni Ace kahit anong mangyari.”

I can see from my peripheral vision ang pamumula ng tenga ni Ace. I don’t know if he was embarassed. Dapat ay kinikilig ako pero wala talaga. I think there’s something wrong with me.

Nakarinig ako ng ilang mura ni Ace kay Stan pero di ko na lang sila pinansin at akmang papasok na sa passenger seat nang hininto ako ni Stan. “Not there, lady. Dun ka sa likod. Tabi kayo ni Ace.” Then he winked at me at pumasok na sa driver’s seat.

Buong biyahe ay halos si Stan at Ace lang ang nag-uusap. Ako naman ay parang tangang lumilipad ang isip sa kung saan-saan.

Kumakalabog ang puso ko at kinakabahan talaga ako. Paulit-ulit kong pinapaalala sa sarlili ko na wala akong dapat kakabahan.

“Uh, n-nasa’n nga pala sina Mikko at Inno? Ba’t di niyo sila kasama?,” I said trying to sound casual.

“Magkasama sila. Sila na yung maghahakot ng instruments.” Sabi ni Ace sabay ngiti ng pagkagwapo-gwapo ngunit parang wala nang epekto sa akin.

“Oh,” ang tangi kong nasabi.

“You okay Amber? Parang kanina ka pa di mapakali ah.” Ani Stan habang tinitignan ako mula sa rearview mirror.

Pinilit kong magmukhang normal. “I’m fine. Duh! Ba’t naman ako matataranta? Saka manonood lang naman ako sa inyo e.”

“Blah blah blah. You’re really creeping me out today. Ang weird mo. Hahahahahaha.” Nakisabay na rin si Ace sa pagtawa ni Stan. Hindi ko alam bakit tawang-tawa sila samantalang ako ay seryoso dito.

At nang makarating na kami sa lugar, halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kalabog nito. Ayokong bumaba ng sasakyan. Ayokong makita siya.

Ayokong makita si Mikko.

Siya ang dahilan kung bakit para akong abnormal nitong mga nakaraang araw. At naguguluhan ako kung ba’t ako ganito.

Iniwan muna ako nina Ace at Stan sa sasakyan dahil sinabi ko sa kanilang ayaw ko pa bumaba. Pero nagulat ako nang bumukas ito bigla. Hindi ko inaasahan na sa lahat ng taong pwedeng magbukas nito ay si Mikko pa talaga.

Nakapatong ang isa niyang braso sa pintuan at ang isang kamay naman ay nasa bulas habang nakatingin sa akin. “I believe you came here to watch us perform and not to stay here alone in the car praying or doing whatever rituals.”

Inirapan ko siya at iniwas ang tingin sa kanya. “M-Mamaya na ako lalabas.” Damn! I’m even stuttering. I’m abnormal. I knew it.

“Dali na lumabas ka na. Pakipot ka masyado. Here...” kahit labag sa kalooban ko ay nilingon ko siya. Di ko inaasahan na makitang nakalahad ang isang kamay niya sa akin na para bang isang alalay na naghihintay bumaba mula sa karwahe ang prinsesa.

He’s being a gentleman today. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang kamay niya o hindi. Pero bago pa man ako makapagdesisyon ay hinila na niya agad ang kamay ko.

Kinabahan agad ako na baka mahalata niya ang malamig kong kamay dahil sa kaba.  

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Where stories live. Discover now