Chapter 32

6.9K 74 11
                                    

Chapter 32


-Reason-


Pagpasok ko ng campus ay naagaw agad ang atensyon ko ng kumpulan ng tao sa isang side ng campus. Agad kong narealize na grupo ito ng mga fans ng SQ. Lahat sila ay nakabusangot at ang iba mangiyak-ngiyak na. Nilapitan ko ang kaklase kong parte ng grupong iyon.


"Uy Agatha, ano meron? Bakit parang ang lulungkot niyong lahat?" Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Naluluha na rin ang mga mata niya.


Suminghot-singhot pa siya. "U-Umalis na kasi si Mikko sa SQ. Bali-Balita na baka mag-disband na daw sila." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Amber, 'di ba malapit ka naman sa SQ? P-Pwede mo ba sabihin kung ano ang nangyari?" Naramdaman kong unti-unti nang natutuon ang atensyon sa aming dalawa ni Agatha.


Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay na hawak pa rin ang mga kamay ko - parang nagmamakaawa. Maging ako ay hindi alam ang mga nangyayari. Parang kahapon lang ay buo pa sila. Hindi kaya dahil iyon sa sinabi ko kay Mikko? Hindi naman siguro. Hindi niya naman siguro siya magpapa-apekto nang ganoon.


Tinignan kong muli sa Agatha na naghihintay ng sagot. "P-Pasensya ka na Agatha. Wala din akong alam. Hindi rin nabanggit sa akin ni Ace."


Agad siyang napabitiw sa akin at naiyak na siya nang tuluyan. Agad naman siyang dinaluhan ng ibang tao at ako nabato lang sa kinatatayuan ko. Alam ko naman magd'disband talaga ang SQ, pero hindi sa ganitong paraan. Hindi ganito. Hindi ganito.


Sa mga sumunod na araw ay hindi ko na nakita si Mikko. Maging sa subject kung saan ay kaklase ko siya ay hindi rin siya nagpakita. Ang sabi-sabi ay ni-drop niya na raw ito. I don't know how it works pero basta ang alam ko ay hindi ko na siya magiging kaklase sa kahit na anong subject.


"So... ano nangyari? Magd'disband na talaga kayo?" Tanong ko para kina Ace, Stan at Inno. Nandito kami sa practice room nila.


Yumuko lang si Inno. Si Stan naman ay nag-iwas ng tingin habang yakap-yakap ang isang gitara. Si Ace ay naupo sa gilid ko.


Tumingin siya sa mga mata ko. "I don't know. Maybe, technically, yes." bumuntong hininga siya. "Mikko decided to quit. Hindi siya nagbigay ng malinaw na dahilan. Basta ang sabi niya lang ay gusto niya na muna itigil ang koneksyon niya sa SQ... sa aming lahat." Nagulat ako sa huling sinabi niya. Nakita ko rin ang unti-unting pag-angat ng tingin ni Stan sa akin ngunit agad niya din iyon iniwas.


Alam kong may nahihinuha na sila ni Inno sa kung ano talaga ang nangyari. Nagsimula lang naman ang lahat simula nang itakas ako ni Mikko. Mula noon ay naging makahulugan na ang mga tingin sa akin ni Stan at Inno. Nag'guilty ako. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ito lahat. How can I destroy this band without me knowing? How I can destroy this band just by liking Ace and not reciprocating Mikko's love? Oops, hindi naman pala considered na love iyon. Mikko's probably just infatuated. He can't be in love with me.


I am so stressed out in the past two weeks. Acads, SQ, and okay, also Mikko. I keep on dwelling whether I am the reason why he left the band and isolated himself, or not. So I decided to unwind at mag-jog sa isang park malapit sa amin.

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora