Chapter 21

20.8K 292 129
                                    

Chapter 21

 

-Don’t Confuse Me-

Dalawang linggo na halos na hindi kami nakapag-usap ni Ace. Naging busy ang banda nila sa pagp-practice para sa guesting nila sa Trends in Pinas at ako naman ay naging busy sa pag-aaral dahil ang dami naming reportings, quizzes, oral exams at iba pa. Maging sina Patrice at ang magkapatid na sina Jianah at Kymie ay hindi ko na rin masyadong nakakausap kaya naman ang madalas ko na lang kasama ay sina Joax, CJat Jaia at iba pang barkada ni Stan.

Nag-aaral ako sa library nang nag-vibrate ang cellphone ko dahil may notification.

Jaia Alapag tagged you in a comment’

Agad ko naman tinignan iyon.

The DSU Stolen Shots

 

Hi dudes! Does anybody know this couple? Sorry I don’t know them e. Pero they’re so cute in this candid shot, right?

-Admin V

{ picture }

989 likes 79 comments

Mia Santos: Sila ata yung couple sa canteen a few weeks back.

Jaia Alapag: Naks naman talaga! Ang sweet nyo talaga kinikilig ako hahahaha Shone Ace Roa Amber Euterpe

Frenchie Yu: *sparks*

Jaia Alapag: Correction pala: they’re not yet a couple :)

Shone Ace Roa: Not yet pero malapit na hahaha. Just kidding. Nice photo but I think you’re intruding too much, whoever took this photo. Privacy dude. 

View previous comments...’

Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa picture na nakita. Stolen shot iyon habang nakaupo kaming dalawa ni Ace sa ilalim ng puno sa paranymphus at nagtatawanan. Nangyari ito last week lang at wala man lang kaming kaalam-alam na may kumuha na pala ng litrato sa amin.

Nakaramdam tuloy ako ng matinding hiya. Baka isipin ng mga tao ay masyado na kaming PDA. Pero hindi ko naman kasalanan na masyadong tinututukan ng mga tao ang panliligaw ni Ace sa akin. And most people think that we look good together.

Kahit sa The DSU Files ay maraming nagsesend ng posts about sa amin. Nag-aalala tuloy ako na baka maraming magalit sa akin kung sakaling hindi ko sagutin si Ace. Aminin na natin, wala pang kasiguraduhan ang panliligaw niya sa akin. I still like Mikko, though, which makes things harder for me.

Kinagabihan ay tumawag si Ace sa akin.

“Hey Amber,” masiglang bati nito, “nakita mo ba yung picture sa DSU Stolen Shots? Ang cute natin. Bagay talaga tayo ‘no?”

I winced. “Da hell? Hindi ka man lang ba nabo-bother? Ang daming epal. E pa’no pala ‘pag binasted kita? Ano na lang mangyayari sakin niyan.”

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Where stories live. Discover now