Chapter 22

19.9K 262 140
                                    

Chapter 22

 

-The Vow-

 

The next day ay maaga akong nagising kaya naman inustuan ako ni kuya na magdilig ng mga halaman dahil napapagalitan daw siya ni mommy dahil hindi niya man lang inaalagan ang mga halaman niya.

“Dapat si Trista ang gumagawa nito e. Kainis. Sarap ng buhay ng bunso.” Bulong ko sa sarili ko habang isa-isang dinidiligan ang mga halaman at bulakalak. Nang matapos na ako magdilig ay napag-pasiyahan kong magpahinga sa swing sa bakuran namin.

I was enjoying the touch of the wind nang may mag-doorbell kaya naman agad akong dumiretsyo sa gate para pagbuksan kung sino man ang bisita namin.

Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso. Naghalo ang kaba at kilig. Bigla ring nanlamig ang kamay ko. Ganun yata talaga kalakas ang epekto niya sa akin.

“S-Si Kuya Mir ba?” Tanong ko at halos mautal-utal pa. Gustuhin ko man magtaray sa kanya ay hindi ko magawa dahil hindi bagay. Mukha talaga akong dugyot dahil bagong gising lang ako. Mabuti na lang at nakapagtooth-brush na ako kahit pa’no.

He smiled. It was like a sincere smile. Nangingibabaw ang kagwapuhan niya. Nakajersey siya at mukhang galing sa pagbabasketball. Nakatali pa nga ang kanyang buhok kaya litaw na litaw ang features ng mukha niya.

“No. Just dropped by to say good morning to you. Good thing you’re the one who opened the gate for me.” Madali niyang minasahe ang kanyang noo na para bang nahihiya sa sinabi niya.

Anong ginagawa mo Mikko? Why are you acting so sweet all of a sudden? You have your girl, right? You have Eusheen, remember?

“Yung lang. Bye.” Tatawagin ko pa sana siya ngunit naglakad na siya palayo. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo ay sinigawan ko siya.

“Stop flirting me!” Sinigurado kong maririnig niya ang sinabi ko. Wala akong pakialam kung may makarinig man na iba. O kahit ni Kuya Mir. Wala akong pakialam. Naiinis lang talaga ako sa kinikilos ni Mikko.

Agad siyang humarap sa akin. At pinakita niya na naman sa akin ang nakakakilabot niyang ngisi. “Flirting you? You think I’m flirting you?” dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa akin. Gustuhin ko man umatras ay hindi ko magawa dahil tila nag-ugat ang mga paa ko sa lupa. “I’m just acting as a good friend. That’s all, Amber.”

“So you call that being friendly?! Sabi mo sa’kin kagabi pumunta ka sa bahay para lang makita ako ta’s ngayon pumunta ka ulit dito para lang mag-good morning. And you still call that ‘being friendly’, huh?” I added air quotations to emphasize ‘being friendly’. Naiinis talaga ako dahil umagang-umaga ay ginugulo niya ang utak ko.

“Chill there, lady.” Bigla niyang hinawi ang takas na buhok ko at inipit ito sa aking tenga. Tumindig ang balahibo sa batok dahil sa ginawa niya. “Ikaw lang ang nag-iisip niyan. I told you, I’m being friendly. That’s all.”

“Pero hindi ganyan ang pagiging friendly! E bakit ganyan ka ngumisi? Bakit parang parati ka na lang may gustong ipahiwatig? Mikko please, stop! Just stop.” Nanatili lang siyang nakikinig sa mga sinisigaw ko. “O sige, sabihin na nating nagiging friendly ka nga... then stop being friendly. Go back to being the old Mikko. Yung creepy na Mikko. Yung moody. Yung wala pakialam. Please lang.” Dinuro-duro ko pa siya sa dibdib kaya bahagya siyang napa-atras.

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Where stories live. Discover now