Chapter 24

19.7K 289 171
                                    

Chapter 24

 

-Fickle Mind-

 

Tuwing makakasalubong ko si Ace ay hindi ko siya pinapansin. I don’t know. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ba talaga ako naiinis sa kanya. Ang alam ko lang ay basta ayoko muna siyang kausapin.

“Am, anong nangyari sa inyo kahapon ni Ace?” tanong ni Ziggy. Nagkasalubong kami sa hallway and we found out na pareho kaming papuntang canteen.

“Ewan ko dun. Nakaka-asar nga e. Hindi ko pa nga boyfriend ang OA na mag-react.” I winced.

Tumaas ang kilay niya at tumango-tumango na para bang nagkukuwari na naintindihan niya ang mga sinabi ko. Nakapila na kami ni Ziggy nang may marinig ako sa di kalayuan babae. Medyo maingay siya kaya napatingin ako.

“Hi kuya. Pwede po ba magpa-picture? Uhm, it’s just a dare.” Sabi nung babaeng chinita. In my point of view, meron siyang average looks. Not so pretty but not so ugly either. At hindi rin siya ganun kaporma but she looks pleasing enough.

Medyo nag-alangan si Ace at humawak pa sa batok niya – which he does kapag nahihiya siya.

“Uh, yeah sure. Kaso medyo haggard ako. kakagaling ko lang sa PE class.” Sinabi ng babae na okay lang at agad na kinuha ang iPhone niya. Papanoorin ko pa sana silang dalawa nang kiblitin ako ni Ziggy dahil malapit na kami sa cashier.

Habang sinasabi ni Ziggy ang order niya sa cashier ay naririnig ko pa rin ang usapan nina Ace at nung chinita.

“By the way pala, my friends are asking kung may gig daw ba kayo. They missed watching your gigs.” I tried to glance once more at them. The girl doesn’t look like she’s trying to flirt Ace. Parang casual nga lang ang pagkausap ng chinitang babae kay Ace e.

“Ano po sa inyo ma’am?” tanong sa akin ng cashier kaya inilihis ko na ang tingin ko sa kanila. Sinabi ko ang order ko. Nang makuha ko na ang order ko ay agad kami naghanap ni Ziggy ng mauupuan. In my peripheral vision ay nakita kong napalingon si Ace sa akin nang makita niyang mapadaan ako ngunit hindi ko siya nilingon.

Sakto naman na dumating rin sina Caryl, Jaia, Jaime at Armani. Hindi nila kami napansin kaya tuloy-tuloy lang silang naghanap ng table. Sinitsitan ni Ziggy ang apat kaya napalingon sila sa amin. Nakipag bro hug pa si Ziggy kina Jaime at Armani. Samantalang kaming girls ay nag-simple hi lang.

Kinalabit ako ni Caryl. “Si Ace pala yun oh.” Aniya sabay turo sa direksyon ni Ace. Nakapila siya ngayon.

“Yeah, I know. Nakita ko na kanina.” I said. Naupo muna kami bago siya sumagot.

“Alam mo girl naawa ako kay Ace. Ang depressed niya tignan kanina sa PE subject namin! Na-depress siguro dahil hindi mo pinapansin.” Pati si Jaia ay nakikinig na rin sa usapan namin samantalang ang boys naman ay may iba ding pinag-uusapan. Must be about sports or something else.

Inayos ni Jaia ang salamin niya bago nagsalita. “Oo nga. Kahapon ang sweet-sweet niyo tas bigla na lang kayo nag-away. And hanggang ngayon hindi kayo nagpapansinan.”

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora