Chapter 25

19K 287 212
                                    

Chapter 25

 

-Kill the Sparks-

 

Nasa dulong table sa Starbucks. Magkaharap kami ni Mikko ngunit nananatili ang mga mata ko sa aking kape habang pinaglalaruan ang cup nito. Narinig ko ang pagbuga niya ng hininga at paglalaro ng kanyang mga daliri sa lamesa.

“Kung ano man ang pag-uusapan natin, be sure to make it fast.” Panimula ko. Seryoso ang tono ko nang nagulat na lang ako nang sinipa niya ang paa ko sa ilalim ng lamesa kaya naman napatingin ako sa kanya habang magkasalubong ang kilay.

Ngumisi lang siya. Iyong makapanindig-balahibong mapang-asar na ngisi. “That’s good, honey. Keep your eyes on me like that – even if your eyebrows are furrowed as if you hate what you see.”

“Tss. O ano na? Ano ba kasi sasabihin mo?”

Ipinatong niya ang kanyang dalawang siko sa lamesa at pinagsalikop ang mga kamay bago ipinatong ang baba dito at tumingin diretsyo sa mga mata ko. I thought I might melt any moment. His stares are giving me goosebumps.

“Why do you like Ace? Anong meron sa kanya?” He tilted his head, waiting for an answer.

“Bakit? Tingin mo ba na pareho kami ng rason ni Eusheen sa pagkakagusto kay Ace? Ba’t ba hindi na lang si Eusheen ang tanungin mo?” Ani ko at umiwas ng tingin.

“Kung si Eusheen ang gusto kong tanungin, edi siya ang pupuntahan ko.” He pressed his lips into a thin line. “ But I’m asking for your reasons. Not hers.”

“This is nonesense. Aalis na lang ako.” Kinuha ko ang sling bag ko at tumayo na sa aking upuan. Nakailang hakbang na ako nang magsalita si Mikko.

“Go back in your sit.” May diin ang bawat pagbigkas niya ng mga salita. Tinignan niya ako nang mariin. “Do you want me to drag you back in that chair?”

Napansin ko may mangilan-ngilan ang nagtitinginan sa amin. Kaya bago pa kami makakuha ng astensyon ay sinunod ko na lang siya.

“I loved his voice. It fascinates me so much. Nakakatuwa rin ang maamo niyang mukha. And his personality thrills me so much. I just loved everything about him. O ayan, okay na. Siguro pwede na ako umalis.”

Hindi niya pinansin ang huli kong sinabi. “I paid attention to the tense you used. Loved.” ngumisi siya. “I think my assumptions are correct.”

“What assumptions?” I asked.

“You don’t like Ace anymore. Huh. Mind confirming it, honey?” Napainom ako ng mainit na kape dahil sa kabang hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Wala akong pakialam kahit pa napaso ang dila ko.

“Alam mo, this is really nonesense. Ano bang pakialam mo? Why...” Hindi ko makapa ang tamang mga salitang dapat gamitin. “...Why do you seem concerned?”

“I like you.” Buong tapang at walang pag-aalinlangan niyang sagot. Bumilis ang tibok ng puso ko. I’m nervous, excited and thrilled – all at the same time. Parang sasabog ako sa saya nang marinig ko iyon mula sa kanya. But it’s too good to be true. It seems surreal.

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Where stories live. Discover now