Chapter 13

23.6K 367 132
                                    

Chapter 13

 

-Golf-

 

Lumipas ang ilan pang mga linggo at nagtuloy-tuloy na talaga ang pagiging magkakaibigan namin. Well, except siyempre dun sa isang napaka-arte at sinabing “Aren’t friends” daw kami. Pero hindi naman talaga ako masyadong nakiki-jam sa kanila dahil busy kami sa kanya-kanya naming schedule - assignments, projects, research and whatnot. Isama pa diyan yung mga activities sa school. At ilang linggo na lang ay finals na.

At nang nakahanap ako, finally, ng free time ay sinunggaban ko na at pumunta ako ng Starbucks para makapag-relax mag-isa.  Madalas ko kasing nababasa na maganda tumambay sa coffee shop to read a book. So I tried it out myself.

Binabasa ko ang isang libro ni Rainbow Rowell tungkol sa isang distressed na  babae at koreanong lalake. Kinikilig talaga ako habang binabasa ko iyon nang may maupo sa table sa harap ko. Kung magkasama kami sa iisang table, siguro ay magkaharapan kami but the thing is, hiwalay yung table namin. But he isn’t that far from me.

Hindi ko siya makita dahil nagbabasa siya ng dyaryo pero nakikita kong may suot siyang snapback pero patalikod ang pagkalagay niya nun. Hindi ko alam pero naiintriga ako sa lalaking yun. Pakiramdam ko ay kilala ko siya.

Binalik ko ang atensyon ko sa librong binabasa ko. Pero naaninag ko na inilapag nung lalake sa lamesa ang dyaryo niya. hindi ko alam pero gusto ko siyang tignan pero pinigilan ko ang sarili ko at nanatiling nakayuko habang nagbabasa. Pero hindi ko na naiintindihan ang binabasa ko.

Lumilipad ang isip ko sa lalakeng nasa harap ko sa kabilang table.

Pasimple ko ulit tinignan yung lalake at nagulat ako kung sino iyon. He sipped from his drink at tumingala nang konti at bumuga ng hangin na para bang napaso siya sa iniinom niya. That. Familiar. Adam’s. Apple. OMG.

“Mikko?!” is all I can say. God. He’s so hot. I mean, hindi ko na siya masyadong ina-admire this past few weeks dahil sa inis ko sa kanya but now... seeing him wearing a sleeveless jersey and a snapback na pabaliktad ang pagkalagay, gosh I can’t help but drool over him.  Again.

Why is this tanned guy so freaking hot? Wait. Nakajersey siya. Nagbasketball kaya siya? Hindi ko inaasahan na nagbabasketball din siya. He’s a guy, afterall.

“Drooling over me Euterpe?” he smirked. What the hell? Tinawag niya ba ako sa apelyido ko?

“Not even a bit. Dream on. May Ace na ako.” Inirapan ko siya at dinampot muli ang libro ko at nagkunwaring nagbabasa pero hindi ko na alam ang ginagawa ko dahil pinaghalong pagkahumaling kay Mikko at pagkahiya ang nararamdaman ko ngayon. Tinatakip ko na nga ang libro sa mukha para hindi niya makita ang ekspresyon ko ngayon.

Pero sa gulat ko, may humablot ng libro ko, “Wala kang maiintindihan kung pabaligtad ka magbasa ng libro,” at saka ito binalik muli sa kamay ko. Sa tamang posisyon.

What the fuck?!

Ngumisi siyang muli bago tumango sakin at naglakad paalis. Pero saglit kong nakalimutan ang pagkahiya ko dahil mas lalo kong napansin ang buong katawan ni Mikko. Mukhang galing nga siya sa pagbasketball. Pero hindi talaga mawala sa atensyon ko ang snapback niya. Bukod dun ay nakatali pa ang buhok niya.

The Boy Band's Muse [C32 Updated]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن