Chapter 31

8.5K 184 86
                                    

Chapter 31

 

-Unfair-

Tuloy-tuloy sa pagtunog at pagvibrate ang cellphone ko sa side table. Balot ba ang buong katawan ko ng kumot dahil kakagaling ko lang sa tulog at kung di dahil sa ingay ng cellphone ko ay 'di ako magigising. Nilabas ko ang isa kong kamay at kinapa ang cellphone ko. 

Sunod-sunod ang mga voice message sa Viber ko mula kay Ace. Lima lahat ang voice messages niya.

"Wake up! Wake up!"

"Wake up! Wake up!"

"Good morning"

"This is your handsome alarm clock speaking."

"Gumising ka na Amber Euterpe hahaha"

" ;) "

Awtomatikong nagising ang kaluluwa sa voice messages ni Ace. It's been a week simula nang naging kami ni Ace. At kapag maaga siyang nagigising ay ginagawa niya ito. Agad akong nag voice-message sa kanya at binati rin siya ng "good morning". 

"Stop it with that husky voice. Please." Narinig ko ang halakhak niya at ang tunog ng mga kubyertos niya sa kanyang pinggan. He's defininetly eating breakfast already. "'Wag mong kalimutan na susundin kita mamayang ala-sais ah. May gig kami at dapat manood ka."

Ngumisi ako. "Of course I'll be there. As your girlfriend and your muse." 

Nakakapit ako sa braso ni Ace nang pumasok kami sa bar kung saan sila magp-perform ngayon. May ilang mga kakilala ang sumalubong sa amin at binati kami. Maya-maya ay may tumawag sa amin. Luminga-linga kami at nakita namin si Inno na nakataas ang braso at kumakaway sa amin. Katabi niya sa Patrice at Mikko. Si Stan naman ay may kausap na dalawang babae na hindi ko kilala.

Inalis ni Ace ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Dali-dali niyang inabot ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin saka ako dinala papunta sa table kung nasaan sina Inno. Nang makarating kami ay mapang-asar ang tingin ni Patrice sa akin.

"Ooh. Holding hands. What? Bragging that you're a couple now?" Pang-aasar ni Patrice sabay kindat pa. Nakipagfist bump muna si Ace kina Inno, Mikko at Stan bago kami naupo.

Nabalot kami ng katahimikan. Buti na lang at nagsalita muli si Patrice at nag-open ng topic. Pero sa gitna ng usapan ay ramdam ko ang pagiging walang imik ni Mikko at tahimik lang na nagmamasid sa amin o kaya ay sa akin. Nagulat na lang ako nang biglang inabot ni Ace ang kamay kong nakapatong sa lamesa at pinaglaruan ang palad ko. Nginitian ko lang siya at pasimpleng ibinalik ang tingin ko kay Mikko ngunit iniwas niya ang kanyang tingin at tumayo para umorder ng drinks. 

Pagbalik niya ay may dala na siyang isang bote ng hard liquor. Agad naman niyang nakuha ang atensyon ng lahat sa table namin. "Huy bro, baka nakakalimutan mo magp-perform pa tayo. Mamaya ka na uminom." Pagsita ni Inno sa kanya at akmang aabutin sana ang bote ngunit iniwas ito ni Mikko sa kanya.

Huminga ng malalim si Mikko bago nagsalita. "Dalawang shots lang." Lumingon siya sa akin sa saglit at ibinalik lang din ito muli kay Inno. "I just need strength to go on." 

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Where stories live. Discover now