Chapter 14

21.6K 240 54
                                    

Chapter 14

 

-Confusion-

 

After the finals, kanya-kanya kaming buhay. Ako ay nakihang out sa mga kaibigan & blockmates ko. Paminsan-minsan naman ay nakikipagkita ako kay Ace o kaya Stan. Siyempre “kaibigan” ko na sila kaya dapat hindi na ako naiilang sa kanila. Wala masyadong kaganapan at ganun lang.

Habang nakahiga ako sa kama ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito. May message mula kay Stan. And yeah, we’re already texting each other. We’re friends nga, remember? Saka nang unti-unti kaming naging magkaibigan ni Stan ay narealize niyang wala pala talaga siyang feelings para sa akin. Sabi niya, he was just fanboying afterall. Walang romantic feelings.

Stan:

I saw your tweet. Gusto mo mag-golf? Punta ako mamaya sa Country Club :)

Stan:

Nah. Yoko nga. Baka sabihin mo gold-digger ako. Wag na nakakahiya. Gastos mo pa.

Pero patuloy ang pamimilit sa akin ni Stan. Simula kasi nung nasubukan kong mag-golf dahil kay Mikko, parang nahumaling na ako rito. Nakakahiya naman kung sumama ulit ako kay Mikko. Mabuti na lang at member din si Stan sa parehong Country Club ni Mikko kung saan pwede mag-golf.

Pero yun ang problema. Baka makita ko si Mikko. At ayaw ko talaga makita siya ngayon. Bakit? Yun ay hindi ko rin alam.

Matapos ang pangungulit sa akin ni Stan ay napapayag niya rin ako. Dali-dali akong nag-asikaso at sinundo niya ako gamit ang sasakyan niya. Mabuti na lang at hindi na kami awkward sa isa’t-isa. Sa isang iglap ay halos naging best friend ko na rin si Stan. At natutuwa talaga ako na kumportable na ako kasama siya.

“Oh my gosh. Puro rich kid ang nandito e. Uwi na lang kaya ako?,” sabi ko kay Stan nang marealize ko na halos mga elitista ang nasa lugar na ‘to.

Inakbayan niya ako at ngumisi saka kinurot ang ilong ko. “You’re gorgeous. Yun na lang tandaan mo, okay?”

Marahan kong sinabunutan ang kulot niyang buhok. He winced at me.

“’Wag mo kong landiin ulit ah. Hindi na tayo talo. Wag ka na umasa.” I said, trying to sound stern. But when Stan maked faces, I can’t help but let out a burst of laughter.

Afterawhile, nakarating na rin kami sa golf course. Agad may nag-assist sa amin at nagsimula na kami. Siyempre, mas magaling si Stan sa akin. Paminsan-minsan ay nagyayabangan kami kahit na alam kong mas lamang naman talaga si Stan sa akin. Nang mapagod ako ay nagpahinga muna ako sa isang bench doon. Si Stan ay patuloy lang sa pag-golf.

One of the reasons kung bakit nahumaling rin ako sa pag-golf ay ang mismong golf course. Napaka-green ng paligid and very relaxing. Pinikit ko ang mata ko inenjoy ang peaceful moment. Ngunit pagdilat ko, saktog  napatingin ako sa dalawang tao sa may kalayuan.

Isang babae at isang lalake. And I must say na pamilyar sila kahit hindi ko talaga sila makita nang malinaw.

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Where stories live. Discover now