Chapter 4

27.7K 359 88
                                    

Chapter 4

 

-Konti Pa-

 

It was Stan.

Bumaba siya ng motor at alalang-alala na tumingin sakin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at diretsong tumingin sa mga mata ko. “Anong ginagawa mo dito, Amber?”

Gusto ko sanang makipagtalo sa kanya at itaboy siya pero nagkaroon yata ako ng mental breakdown at walang ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko.

Kinuha niya ang raincoat mula sa sa motor niya at isinuot sa akin.

“Hatid na kita, ha? Dumidilim na kasi tapos umaambon na. Baka biglang bumuhos ang ulan.” I unconsciously nodded. Nilagyan niya ng helmet ang ulo.

Nauna siyang umangkas sa motor at pinasunod niya ako. Sinabi ko sa kanya ang daan papunta sa bahay namin. Nakakapit lang ako sa laylayan ng uniform niya habang pinapaandar niya ang motor. Hindi siya gaya nung mga kilala kong barumbado magpaandar ng motor. Tama lang ang bilis ng pagpapaandar niya ng motor – di masyadong mabagal at di rin masyadong mabilis.

Maya-maya ay nakarating na kami sa tapat ng gate ng bahay namin at hindi naman umuulan sa lugar namin. Bumaba na ako sa motor niya at inalis na ang helmet sa ulo ko at iniabot ito sa kanya.

“Salamat.” Nahihiya kong sabi sa kanya at pilit iniiwas ang tingin sa kanya.

Narinig kong bumuntong hininga siya. “Pano ko malalaman na sincere ko kung di mo nga ako tinitignan?”

Unti-unti ko siyang nilingon. Nakasandal siya sa motor niya habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya at nakangisi sa akin.

“Wag ka na mahiya sakin. Sus! Ako lang naman ‘to e,” hinawakan niya ang pisngi ko “Di mo kailangang mahiya sa boyfriend mo.”

Bigla ko siyang piningot sa tenga kaya napabitaw siya sa pisngi ko. “Parati mong sinusulit ang mga pagkakataon mo e no?! Tsansing ka parati!”

“Okay! Okay! Chill! Joke lang naman e.” Aniya at medyo natatawa pa.

“O sige na. Papasok na ‘ko. Ingat ka na lang.” Papasok na sana ako sa gate nang hinila niya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya habang naka-kunot noo. “Bakit na naman?!”

Napahawak siya sa batok niya at ngumiti ng alanganin saka tinuro ang suot ko. “Yung ano kasi eh... yung raincoat ko. Nakalimutan mo alisin.”

Napalingon naman ako sa raincoat na suot ko. Inalis ko agad iyon at inabot sa kanya. “O ayan. Haha. Sorry nawala sa isip ko. Sige. Alis ka na.” Papasok na dapat ako ulit sa gate nang pigilan niya na naman ako.

Napapikit ako nang hawakan niya bigla ang ulo ko.

“Hindi naman nabasa ang ulo mo ‘di ba?” Kinapa ko na rin ang buhok ko.

“Hindi naman. Bakit?”

“Good. At least hindi ka magkakasipon. Naku! Malulungkot ako pag umabsent ka kung sakali e.” Tapos ay ngumiti na naman siya sakin. Hindi naman siya nagpapacute pero sadyang gumo-gwapo siya t’wing nginingitian niya ako. Nginitian ko na rin siya tutal he did me a favor tonight.

“Baka may pahabol ka pa, sabihin mo na.” Umiling siya at umangkas na sa motor niya. Binigyan niya ulit ako ng isang matamis na ngiti bago tuluyang pinaandar ito paalis.

I smiled watching him go. Minsan talaga kahit gano kapeste ang isang tao, may oras na mapapangiti ka niya dahil sa isang simpleng bagay. I know Stan’s not serious with me. Bukas siguro ay back to normal na kami.

Kinabukasan, mabuti ay pumasok yung prof dun sa subject kung sa’n classmate ko si Ace. Pero nakakaasar! Umupo siya one seat apart sakin. Tapos wala pang nangahas na umupo sa gitna namin kaya hindi ko na talaga alam ang gagawin ko the whole time.

Kumakalabog ang dibdib ko dahil sa presensya niya. Gustong-gusto ko siya lingunin pero hindi ko magawa dahil baka mahalata niya. Masasayang ang taray-tarayan effect ko pag nagkataon.

“Get one-fourth sheet of paper.” Sa kinahaba-habaan ng pagdidiscuss nung prof, yan din pala ang mangyayari.

Siniko ko si Jianah. “Jia, may papel ka?” Bigla niyang ginawa ang makasysayan niyang poker face.

“Mukha ba akong masipag magdala ng papel?!” Inirapan ko na lang siya at biglang napalingon kay Ace. May papel siya. Pero nahihiya naman akong humingi!

Huminga akong malalim bago nagsalita. “Hey, bigyan mo akong papel.” Ang tono ng pananalita ko ay more of a command than a favor. Nakakahiya. Ang kapal ng mukha ko mang-utos.

He looked at me with amazement dahil siguro ang kapal ng mukha ko. Napailing na lang siya sa inasal ko at napangisi. But he still gave me a paper anyway. Kahit pa napaka-walanghiya ko that moment.

Mabilis na nagsimula yung prof sa test kaya di na ako nakapag-thank you. Bukod dun, undecided naman ako kung magth-thank you pa ba ako. After magtest ay umalis na yung prof. Inayos ko naman na yung gamit ko.

Hindi ako makapagdecide kung magth-thank you pa ba ako. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nililigpit na niya ang mga gamit niya.

“Amber una na ko ha? Ihing-ihi na ako eh.” Sabi sakin ni Jianah at tumakbo na palabas.

Sinaklay na ni Ace ang backpack at palabas na nang tinawag ko siya.

“Ace!” lumingon siya sa akin. Hindi ko alam kung pano ako magth-thank you sa kanya. “T.Y. sa papel.” Tapos ay tinalikuran ko siya. Napakagat ako sa labi ko dahil napaka-hipokrita ng pag-thank you ko sa kanya.

Naramdaman kong lumapit siya sa akin. Amoy na amoy ko ang pabango niya mula sa likod ko. Humarap ako sa kanya. Napakalaki ng ngisi niya sa akin. Naiinis ako dahil ang gwapo-gwapo niya t’wing ngumi-ngisi. Pano siya gumo-gwapo sa Jose Rizal hairstyle niya?

“Ang pag-thank you mo sakin, ‘T.Y.’ lang? You’re kidding me, right?” nakatingin lang ako sa sahig habang nagsasalita siya.

“Big deal ba talaga sayo ang isang one-fourth sheet of paper? Tss.” Iniripan ko siya. Mala-late na ako sa next subject ko kaya bahala ka na dyan.” Wala nang tao sa classroom. Palabas na sana ako sa room nang napatigil ako dahil sa huli niyang sinabi.

“Anong ba ang dapat kong gawin just to please you? You act like SQ’s hater when in fact, you don’t care at all...” He grinned wider.

“Konti pa, Amber. Ikaw na yata ang magiging muse ko.”

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon