Chapter 10

23.8K 308 105
                                    

Chapter 10

 

-Friends-

 

Biyernes na at hindi ko pa rin masyadong pinapansin si Stan kaya naman nilalamon na ako ng konsensya ko. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang mga dapat sabihin ko. Mula kagabi ay siya pa rin ang iniisip ko dahil masyado akong nababagabag.

Napansin kong bumukas ang pintuan ng canteen kaya biglang napalingon ako doon. Nakita kong pumasok si Stan. Hindi niya kasama ang mga ka-banda dahil kasama niya ngayon ang iba niya pang barkada bukod sa SQ. Biglang nangati ang paa ko para lapitan siya.

Nakapila na sila ngayon sa may counter at hindi na ako nagdalawang isip pa na lapitan siya. napalingon siya sa akin nang maramdaman niya ang presensya ko.

“Stan? Pwede ba kita makausap?” Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya habang sinasabi ko iyon.

Nilingon niya muna ang mga kaibigan sa unahan niya na maingay na nag-uusap at tila ba walang pakialam sa paligid nila bago binalik ni Stan ang tingin niya sa akin.

“Uh, s-sige,” kinalabit niya ang lalaki sa unahan niya, “tol, may kakausapin lang ako saglit. Order niyo na lang akong pagkain.”

Hinila ni Stan ang pulso ko at naglakad na palabas ng canteen. Tumigil kami sa likod ng isang matabang puno malapit sa canteen.

Hawak niya pa rin ang pulso ko. “Stan, yung kamay ko...”

Nang maalala niya iyon ay bigla niyang binitawan ang pulso ko na para bang napaso. Napahawak na lang siya sa batok niya at ngumisi sa akin na parang bang nahihiya. Itinuon niya ang tingin niya sa mga damo.

“Ano ba pag-uusapan natin?” nakasandal na ngayon si Stan sa puno at hindi pa rin tumitingin sa akin.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, “sorry.” Napakagat ako sa labi ko at yumuko. Naramdaman ko ang biglang pag-angat niya ng tingin sa akin ngunit ako ay nanatiling nakayuko.

“Amber,” yun lang lumabas sa bibig niya. Tumingin sa mga mata niya.

“Sorry sa ugali ko, Stan. Alam ko you’re very familiar with my stubborn actions pero ngayon kasi nagui-guilty na ako. At...” I tried to feign a smile, “At.... sorry kasi gusto ko maging friends na lang tayo.”

Napayuko ako pero hinawakan niya ang baba ko at inilebel ang mukha niya sa mukha ko.

“Yun lang ba? Sus. Ba’t ka naman nagsosorry? E okay nga na gusto mo na akong maging kaibigan eh. Di ba?”

“Pero hanggang dun na lang kasi yun, Stan. Friendship lang. Sabi mo ay gusto mo ako pero nirereject na kita ngayon pa lang dahil ang gusto ko ay maging magkaibigan lang tayo.” Hindi ko inaasahan na nakangiti pa rin siya sa akin sa kabila ng mga sinabi ko.

“That’s fine. Okay lang kung kaibigan na lang ako. Kahit medyo masakit ay okay lang. Medyo narealize ko na rin nakaka-irita na nga rin siguro ako minsan e.” Inextend niya ang kamay niya sa akin. “Friends?”

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Where stories live. Discover now