Chapter 30

9.8K 205 88
                                    

Chapter 30

-Pizza-

Pagbukas ko ng ref ay bumungad agad sa akin ang natirang ulam na niluto ni Ace kahapon. Agad bumilis ang tibok ng puso ko habang inaalala ang mga nangyari kahapon. Ibang klaseng saya ang nararamdaman ko ngayon. Si Ace kaya ang dahilan nito? I don't know. Basta ang alam ko ay sobrang saya ko tuwing kasama ko si Ace.

I even thought maybe I'm starting to like him again. 

"Aba, mukhang ang saya-saya ng gising mo ah." Mungkahi ni Kuya Mir at ipinatong pa ang isang kamay sa sandalan ng upuan ako saka ako binigyan ng nagtatakang tingin. "Baka naman dahil yan sa manliligaw mo na pumunta dito kahapon?"

Tumingala ako sa kanya para masa makita ang kanyang mukha. "Uy hindi kaya!" Tanggi ko. Pero alam ko sa sarili ko na si Ace talaga ang iniisip ko ngayon. Mabuti na lang ay tinantanan din ako agad ni kuya. Sinigurado ko naman na mabilis akong nag-asikaso sa pagpasok sa school. Ewan ko ba, pero gusto ko na pumasok sa school para makita si Ace. 

Pinapaikot-ikot ko na lang sa mga daliri ko ang ballpen habang nagbabasa ng libro dahil hindi pa dumadating ang professor namin. Wala pang tumatabi sa mga katabi kong upuan kaya naman wala din akong makausap. 

Maya-maya ay naramdaman kong may nagpatong ng bag sa katabi kong upuan ngunit hindi ko iyon tinignan. But I can feel the guy is staring at me. At hindi niya talaga inaalis ang tingin niya sa akin. Kaya naman pasimple akong nagnakaw ng tingin sa kung sino iyon.

"I want to sit here." Sumisigaw ng pang-aasar ang ngisi ni Mikko.

"Ah ganun ba?" Minadali kong kunin ang libro at ang sling bag ko saka tumayo. "Edi aalis na lang ako at maghahanap ng ibang upuan." Kalmado kong sabi at dali-daling umalis sa harap niya. Agad akong nakahanap ng bakanteng upuan sa isang row na lahat ng upuan ay wala pang mga tao.

Padabog akong umupo roon sabay taas ng kilay kay Mikko. Walang buhay niya akong tinignan. Alam kong naiinis siya. But it's our kind of unwritten rule. Hindi kami magpapansinan sa school - unless it's really necessary. Naputol lang ang titigan namin ni Mikko nang may grupo ng kalalakihan ng akmang uupo sa tabi ko.

"Walang uupo sa tabi ni Amber." Sigaw ni Mikko na nagpatahimik ka sa mga tao sa loob ng room. "Ako ang tatabi sa kanya." Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad nang mabagal papunta sa row ko. Hinarap niya ang mga lalaking dapat na uupo sa tabi ko.

"Mga pare, pwede naman ako umupo dito 'di ba?" Aniya at hinawakan pa sa balikat ang isa sa mga lalake.

Natatawang umiling ang lalakeng kaharap ni Mikko. "Tss. Mga da moves. Sige na. Ikaw na diyan." Tinapik niya ang braso ni Mikko saka naglakad papunta sa ibang row. Ganun din ang ginawa ng dalawa pang lalake. 

Matalim ang mga tingin ko kay Mikko nang humarap na siya sa akin. Patapon niyang nilagay ang backpack niya sa katabi kong upuan. "You can't escape me, Amber." 

Umiwas siya ng tingin at nagbuga ng hininga. "Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit iniiwasan mo ako. Pinapansin mo naman ako minsan, pero madalas ayaw na ayaw mo akong pansinin." 

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Where stories live. Discover now