Chapter 12

23.6K 388 377
                                    

Chapter 12

 

-Aren’t Friends –

 

Nalowbatt ang phone ko kaya ini-charge ko muna ito at naligo bago matulog sana. Matapos kong gawin ang mga kailangang gawin ay agad kong naalala na kani-kanina lang ay katext ko si Ace my loves kaya dali-dali kong tinignan kung may message ang phone ko.

Medyo maraming iniwan si Ace na message sa akin. Yung iba spam messages at yung iba naman ay tinatanong ako kung inii-snob ko na naman ba siya.

Ace:

So wala ka talaga balak magreply sakin? Look. Can you stop the coldness. Let’s be friends.

Ace:

Hey.

Ace:

Can we be friends? Hey.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na gusto niya kami maging magkaibigan kami. Siguro ay dahil gusto ko ay higit pa dun. Pero sige. Dadahan-dahanin muna natin.

Ace:

Okay. We are friends. :P

Hindi ko inaasahang mas mabilis pa siyang marereply kaysa sa inaakala ko. Halos wala pang isang minuto ay nagreply agad siya.

Ace:

Wait r u serious?

It seems like he wants to be part of my life. Magt-type na sana ako ng reply nang biglang may tumawag. My heart almost skipped a beat nang nakita ko sa caller ID ang pangalan niya. Kinalma ko muna ang sarili ko at huminga ng malalim para hindi halata na sabik ako sa tawag niya.

Pagkasagot ko ay agad siyang nagsalita. “Hey. I can’t believe you finally said it. Friends na talaga tayo ah. Wala nang bawian yan.”

“Haha. Does it matter? Para kang baliw. E bakit ka ba tumawag?” Nakahiga na ako sa kama at niyayakap ng mahigpit ang unan ko para pigilan ang kilig ko.

“Tumawag ako kasi friends na tayo. Friends can call each other, right?” At that point ay kinakagat ko na ang hem ng unan ko to prevent myself from squealing so loud. Nakakahumaling ang boses niya. Napaka-kalmado lang.

“Hey. You still there?”

“Ah yeah. Haha sorry may iniisip lang ako.”

Tumawa siya nang konti, “Hindi ako makapaniwala na ganito na tayo bigla. Nag-uusap sa telepono and acting as friends. Ni hindi ko na nga natatandaan kung ano nga ba ang pinag-aawayan natin noon.  Maybe we look like stupid kids.”

Sabay kaming tumawa. Damn. Kahit ang tawa niya ay napaka-cute. I want to hug him right now.

“You busy tom? Uh, lunch tayo?” Tanong niya.

Oh my gosh. Oh my gosh. Is he asking me out on a date? Inuntog ko ng marahan ang ulo ko sa head board para matauhan ako. Lunch daw, Amber. Hindi date.

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Where stories live. Discover now