Chapter 8

24.6K 368 58
                                    

Chapter 8

 

-Likes You, Too-

 

Maya-maya ay nagmerienda muna kami. Lahat kami ay pumwesto sa sala habang nanonood ng TV. Ipinaghanda rin kami ng mga katulong nila ng makakakain. Lahat sila ay nagtatawanan samantalang ako ay awkward lang na ngumingiti sa mga ginagawa nila.

Kung dati ay baka nagmaldita na ako sa kanila pero ngayon para akong introvert na ayaw makihalubilo. Siguro dahil nagi-guilty ako sa ginawa ko kay Stan? Or may iba pa akong dahilan. Siguro may bagay akong naisip na nagpagulo ng isip ko.

Nakaupo ako sa pinakadulo ng sofa at katabi ko sa kaliwa ko si Patrice at tahimik ko lang pinaglalaruan ang inumin ko sa baso habang sila ay nag-iingay. Palihim kong tinignan si Ace na nakaupo sa sofa malapit sakin. Damn I hate his effect on me.

Ibinalik ko ang tingin sa baso ko dahil baka mahalata na niya na kanina ko pa siya tinitignan.

“Ninja moves...” napa-angat ang tingin ko sa nagsalita. Nang tinignan ko si Mikko na nakaupo sa kabilang dulo ng upuan katabi ni Inno, kitang-kita ko ang malaking ngisi niya habang nakatingin sa kisame.

“What?! Anong connect nun sa pinag-uusapan natin dude?” Kunot noong tanong ni Stan sa harap niya. Ipinag-kibit balikat lang ito ni Mikko.

Nanlaki ang mata ko nang bumaling siya sa akin habang mas lumalaki ang ngisi. Mabuti na lang at walang nakakita sa ginawa ni Mikko dahil muling bumalik sila sa pagkukwentuhan. I know the reason behind his grin. Shit. Malamang ay nakita niya ang pagsulyap ko ng palihim kay Ace. Panigurado lalo na naman niya akong kukulitin tungkol kay Ace.

Kinalabit ko si Patrice sa tabi ko kaya naman napalingon siya sa akin, “oh bakit?”

“CR lang ako. Sa’n ba CR dito?”

May tinurong direksyon si Patrice. “Diretsyuhin mo yun papuntang kitchen then may hallway sa left papuntang banyo,” bumaling siya kay Mikko at tinawag ang atensyon nito, “hey Mikko. Samahan mo nga si Amber papuntang CR. It’s your house naman e.”

“Ay ‘wag na! Kaya ko na siguro mag-isa. Di na kailangan si Mikko.” Dali-dali akong naglakad palayo nang hawakan ni Mikko ang pulso ko para pigilan ako.

“Iinom din ako ng tubig sa kitchen.” Inalis niya ang pagkakahawak sa braso ko at inilagay ang magkabilang kamay niya sa bulsa niya. “Sasamahan na kita sa CR.”

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Nang maproseso niya kung ano ang sinabi niya ay agad niyang binawi ang sinabi niya.

“I mean papuntang CR. Sus! Asa kang samahan kita sa loob ng CR.” Nauna na siya sa paglakad pero sinamaan ko pa rin siya ng tingin kahit di nya ako nakikita. Ramdam ko na naman ang mga tingin ni Stan kaya dali-dali na akong sumunod kay Mikko.

Agad ko naman nakita yung hallway sa left. Didiretso na sana ako nang hinarang ni Mikko ang daan. Sinamaan ko siya ng tingin.

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Where stories live. Discover now