"Tapos tinanong ko si Lia kung sino pero 'di niya sinabi kaya ito kinukulit ko si Aisha" pagkukwento ni mommy

Napahawak na lang ako sa noo. Tumingin silang dalawa sa'kin.

"So, sino nga anak?" sabay pa nilang tanong.

Napailing na lang ako, ang kukulit talaga.

"Go on anak sabihin mo na" sabi pa ni Daddy

Sumang ayon naman si Mommy. I sighed wala naman akong matatago sa dalawang 'to.

"Si Darius Shan po" sabi ko

"Oh my ghad hon" gulat na sabi ni mommy "Siya yung anak ni Terrius Shan at Dani Shan" sabi ni Mommy

"Yeah yeah alam ko" sabi ni daddy

"Kilala niyo siya?" nagtataka kong tanong.

Hindi naman imposible na hindi nila makilala kung hindi ito sikat sa business world.

"Oo, naman anak kilala din sila sa business world at business partner din sila ng daddy mo" sabi ni Mommy

"Minsan na kayong nagkita ni Darius noong bata pa kayo sa isang event natin na ginanap sa cruise ship noon, bata niyo pa noon kaya siguro hindi niyo na matandaan" pagkukwento ni mommy

"So anak kayo ba?" pangungulit ni Daddy sinundot sundot pa bewang ko.

Nakiliti ako sa ginawa ni Daddy kaya napatawa ako.

"Hindi po kami daddy" habang sinusubukang tanggalin yung kamay niya sa tagiliran ko.

"Close ko daddy niya anak pwede kita ilakad" he wiggled his brows.

"Hay naku daddy" tumawa na lang ako at tinuloy yung ginagawa ko.

"Just kidding anak pero kung maging kayo man aba kasal na agad anak ah" sabi pa ni Daddy

Sinamangutan ko siya.

"Daddy naman" sabi ko

"Titigil na" he kissed my forehead.

Ang saya lang kasi lagi kaming ganto hindi nila pinapadama sakin na nag iisa lang ako. Kahit na marami silang trabaho at may school naman ako, we find a way to have time for family.

Natapos na kami magluto tumulong rin samin si Daddy sa paghahanda. Habang kumakain biglang nag-aya si Mommy.

"Mall tayo mamaya let's buy make up, jewelry and shoes for your party" sabi ni Mommy

"Oo, nga anak sama ako bonding na rin tayo" sabi ni Daddy.

Tumango ako at nagpatuloy kumain.

Nang matapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto para magbihis ulit. Galing 'di ba kakapalit ko lang bibihis na naman, ayos din.

I'm wearing a pink crop top hoodie at high waisted jeans, pinaresan ko to ng pink keds. Pagtapos nun kinuha ko na yung phone ko at bumaba na.

"Aisha tara na" sabi ni mommy bihis na rin silang dalawa.

Sumakay na kami ng sasakyan si Kuya George ang magdadrive siya lang ang nag-iisang driver nila mommy.

Nang makarating kaming mall ay dumirerso agad kami sa mga luxury store.

"Hon sa tingin maganda 'to sa paa ni Aisha" tanong ni mommy habang hawak ang heels na color white.

"Sa tingin ko itong black maganda din" sabay hawak ni daddy sa heels na yun.

Halos pareho lang sila ng design mas marami nga lang strap yung color white na heels. Sila pa ang namomoroblema kaysa sa'kin.

"Bilhin na lang natin pareho" sabi ni Mommy

"Mommy 'di ko kailangan ng dalawang heels ano susuotin ko yan pareho?" tanong ko sa kanya.

Hindi ko naman talaga kailangan e ano yun sa kanan yung black tas white sa kaliwa. Napailing na lang ako.

Tinawanan ako ni Mommy at Daddy.

"Minsan lang naman anak puro kaya rubber shoes sapatos mo" sabi ni daddy

"But daddy it costs thousand sapatos lang yan tas dalawa pa bibilhin" sabi ko

"Ano ka ba minsan nga lang e pumayag ka na sige na anak" pagpupumilit ni mommy.

I sighed sign that I give up.

"Okay na nga sige na" sabi ko. Pumalakpak si mommy. Nilapitan siya ng sales lady.

"Can we get size 8 of it please, thank you" sabi ni Mommy dumating yung sales lady hawak yung dalawang sapatos.

Tinanggal ko yung sapatos ko para isukat yun. Nung sinubukan kong tumayo at maglakad gumewang ako ng parang lasing. Tinawanan ako nila mommy. Nakabawi naman ako at nalakad ko naman ng maayos. Tinanggal ko na iyon at binalik sa box.

"Kukunin niyo na po ba maam?" tanong nung sales lady

"Yes" pumunta na kami sa counter at inabot na ni Momny credit card niya.

Binigay na sa amin yung dalawang paper bag.

"Let's go sa mga jewelry naman tayo" sabi ni Mommy. Si Daddy ang may hawak nung paper bag.

Pumasok na kami sa jewelry shop ang daming alahas.

'Malamang Aisha jewelry shop nga e'

"Choose what you want necklace and ring Aisha" Dad said.

My eyes caught a beautiful ring its just simple, may mga maliliit na bato na nakapalibot sa buong singsing.

"I want this daddy" turo ko doon sa nagustuhan kong singsing.

Si Daddy na nakipag-usap sa lalaki doon ako naman ay naghanap ng necklace.

"Aisha come here" tawag sakin ni mommy. Lumapit ako sa kanya.

"Look at this necklace ang ganda bagay sa dress mo" turo ni mommy sa isang necklace na may cresent moon pendant.

"Ang ganda" sabi ko habang nakatingin doon

"I told you its beautiful ano yan na lang?" tanong ni mommy. Tumango lang ako.

Binayaran na nila mommy iyon. Sunod naman namin pinuntahan ay ang mga make up store at dahil wala akong alam ay nagtingin tingin na lang ako si mommy na lang ang namili ng bibilhin niya. May make up artist naman pero gusto ni Mommy na siya magpoprovide ng gamit. Para magamit ko na rin daw, baka trip ko na raw magpaganda.

"Daddy" tawag ko

"Yes anak?" humarap sakin si daddy

"I love you" nakangiti kong sabi sa kanya

"Aww naglalambing ang baby ko" he hugged me and kissed my forehead.

"Thank you for everything daddy" tumingala ako sa kanya at yumakap pa ng mahigpit

"I love you too anak syempre nag iisa ka lang ibibigay ni daddy lahat sayo" sabi niya pa

Biglang sumingit si Mommy.

"Bakit kayo lang nagyayakapan sama ako" sabi ni Mommy. Tumawa ako at niyakap din siya.

Naggala pa kami kung ano ano pa ang binili ni Mommy. Binilan niya ng pasalubong yung mga kasambahay. Si Kuya George naman ay binilan din naman. Nanood din kami ng sine, pagtapos nun ay umuwi na kami. Nakakapagod man pero masaya.

I sleep with a smile in my face. Ang daming nangyari ngayong araw.

-yanna klair

SAIL WITH ME (On-going)Where stories live. Discover now