"Tara dito ka muna maupo" tawag ko kay Darius nilapag ko yung bag ko sa sofa at siya naman ay umupo

"Tara na Aisha start na tayo" tawag sa'kin ni Jude

"Dyan ka lang mag sstart na kami" sabi ko

Kinuha ko na yung gitara at umupo na sa upuan. Inayos ko yung mic

Si Kuya Ali ay kinuha yung electric guitar niya si Hendrix din. Si Jude naman ang drummer. Tutugtog kami para sa party na gaganapin next week, party for students graduating. Nagsimula na kami tumunog.

Ito na ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali
Kase wala ng bukas
Sulitin natin ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi

Kanta ni Hendrix. Damang dama niya yung kanta. Line ko na at pumikit habang dinadama yung tugtog.

Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat

Binuksan ko ang mga mata ko at tinitigan ko si Darius habang kumakanta. Hindi ko alam pero parang may iba akong nararamdaman. Hindi ko na lang iyon pinansin at sinabayan kong kumanta si Hendrix.

Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw

Nang matapos kami ay bumaba na ako sa upuan at tumabi kay Darius. He give me a bottled water.

"Thanks" ininom ko yun

"Ang ganda ng boses mo, you played well" napatigil ako sa pag-inom.

"You're beautiful" dagdag niya pa na lalo kung ikinagulat.

"Huh?" nagtatakang sabi ko. Nagulat din siya sa sinabi niya.

"I mean you're beautiful while playing the guitar" he stuttered a bit

"Parang gustong gusto mo 'yong ginagawa mo" dagdag niya

"Ah galing ko ba? Panis ka sa'kin no?" I mocked

"Yeah magaling ka" sabi niya habang nakatitig sakin

"Ano tara alis na tayo tapos na kami e" yaya ko sa kanya

"Okay let's go" kinuha niya yung bag niya at tumayo na.

"Kuya Ali, Hendrix, Jude alis na kami see you tomorrow" paalam ko.

"Ge ingat!" sabi ni Kuya Ali

"Oy ingatan mo baby girl namin" sabi ni Jude

Tinawanan ko na lang sila. Tinapik ko sa balikat si Darius.

"Tara na" sabi ko.

Pumunta na kami sa parking lot. Nang makita 'yong kotse niya ay sumakay na kami.

"You really good in playing guitar ah 'di ako makaget over sorry" he complimented me again

"Di naman nadadala lang" sabi ko. Sabagay gustong gusto ko kapag tumutugtog ako.

"Gusto mo bang kumain mo na bago kita ihatid sa inyo?" tanong niya

"Bakit libre mo ba? Pag hindi 'wag na lang" biro ko

"Yeah it's my treat pambawi in advance" he chuckled

"Joke lang pero sige" I said to him.

"Where do you want to eat?" he asked.

Nangiti ako tagal ko nang hindi nakakain ng isaw, parang nagcracrave ako.

"Alam ko na kung saan" ngumiti ako sa kanya.

Tinuro ko sa kanya kung saan kami lagi bumibili ng isaw nila Lia at Zack. Paborito namin 'to.

"Are you sure dito talaga?" sabi niya. Yung mukha niya nakakatawa parang di maipinta.

"Oo, nga promise masarap 'to" sabi ko "Hindi ka pa ba nakakain nito?" tanong ko

"Nah hindi pa" sagot niya "Ngayon matitikman mo na" sabi ko

"Kuya 10 ngang isaw" sabi ko sa nagtitinda

"Tig lima tayo" I wiggled my eye brows to him

Hinintay namin na maluto 'yon. Magbabayad na sana na ako nang maunahan niya ako.

"Ako na sabi ko libre kita deba" sabi niya sabay abot ng bayad kay kuya.

Kinuha niya 'yon at binigay sa'kin 'yong limang stick.

"Ano ready ka na ba tikman?" nakangiti kong sabi

"For you kakainin 'ko" mukhang napipilitan.

"Para mas masarap kung isasawsaw natin sa suka" sabi ko

Nilagay yung akin sa sawsawan ng suka. Ginaya niya naman ako. Kinuha ko yung isa tas sinubo.

"Hmm ang sarap talaga" habang ngumunguya "Dali try mo na"

Kumuha siya ng isa at nag aalangan kung isusubo niya o hindi. Inantay ko kung ano magiging itsura niya. Sinubo na niya at ngumuya. Tumango tango siya.

"Masarap nga" sabi niya at kumuha pa ng isa.

"Sabi sayo e" tumawa ako at kumuha pa ng isa

Tawa ako ng tawa sa kanya kasi nag order pa siya ulit ang sarap daw ang malala nagtake out. Mukhang mapapadalas na kain nito sigurado.

"Sarap 'no tamo napabili ka pa ulit" natatawang sabi ko

"Minsan kasi mag explore ka. Try something different" sabi ko naglakad lakad muna kami.

Nakakita ako ng palamig bumili ako ng dalawa inabot sa kanya.

"Yeah sa tingin ko nga. Sasamahan mo ba ako to experince differents things?" sabi niya tsaka tinanggap yung bigay kong palamig.

"You really different from the other girls siguro kung iba niyaya ko sa restaurant nila gugustuhing kumain pero ikaw hindi" sabay inom.

"Hindi mo ba alam na ang saya saya makihalubilo sa mga taong nasa labas katulad nito" sabi ko uminom ako ng palamig

"Yung hindi puro business partners kasama mo, nakakapagod kaya mag-english at makipagplastikan 'no" dagdag ko pa.

"Yeah" habang nakatingin sakin

"'Di ba ang saya kapag nalalayo ka sa totoo mong buhay naeexperience mo lahat ng gusto mo hindi limited mga kilos mo" sabi ko.

My parents let me experience everything. Hinahayaan lang nila ako na magexplore ng ibang bagay. Sabi nga nila you will learn from your experience.

"Tara na uwi na tayo" aya ko sa kanya. Tumango naman siya

Tinuro ko  sa kanya kung saan yung daan papuntang condo.

"Salamat sa libreng isaw at sakay" sabi ko sa kanya

"Thanks din sa bagong experience at sa word of wisdom mo" nakangiting sabi niya

"Wala 'yon basta masaya. Sige akyat na ako" I waved my hands

"Pwede bang makuha number mo para itetext na lang kita sa saturday" sabi niya.

Inabot ko naman sa kanya phone ko.

"Okay, see you again in saturday Aisha" he smiled and drive away.

It's nice to let him experience something new.

-yanna klair

SAIL WITH ME (On-going)Where stories live. Discover now