"Hindi ka talaga nawawalan ng admirers" tumatawang sabi nung lalaking mas matangkad kay Darius

"Mga kupal hindi" sabi ni Darius.

Kinuha nito 'yong bag niya.

"Sige una na ako" paalam niya sa kasamahan niya

"Tara aya niya sa'kin" sumunod naman ako sa kanya

Habang naglalakad inabot ko sa kanya yung paper bag

"Thank you ulit" sabi ko

"Welcome, ano oras next class mo?" tanong niya

"Mamaya pang 1" sabi ko

Dumaan kami sa hallway at nagbulungan yung mga babae.

"Totoo nga yung kumaklat na balita sis" bulong nung isa

"Sabi sayo may girlfriend na siya kita mo ba kung pano niya binusted si Andrea" sabi pa nung isang babae

"Oo grabe nga e" bulungan nila

"Don't mind them" sabi ni Darius at hinawakan yung kamay ko.

Para akong nakuryente nung hinawakan niya kamay ko.

'Anak ba 'to ng meralco bakit nakuryente ako?'

Hindi ko na lang yun pinansin at nagpatangay na lang kay Darius.

"Kung nagkataon nga naman" si Andrea at yung mga unggoy niya.

Napatingin siya sa kamay namin ni Darius kaya bumitaw ako.

"Kaya na ba yung igaganti mo sa'kin darius?" nanggigil na sabi ni Andrea

"Pagkatapos ng ginawa ko para sayo" madamdamin niyang sabi.

'Ang drama mo 'te damang dama ah'

"I didn't ask you to do that, you do it by yourself" sabi ni Darius sa kanya.

Napatingin sa'kin si Andrea.

"Ikaw namang babae ka mang aagaw ka!" sabay sabunot niya sa'kin

"Ano ba bitawan mo buhok ko!" sigaw ko sa kanya sinubukan kong tanggalin kamay niya sa buhok ko.

"Bitawan mo na sabi wala ka bang buhok!" sigaw ko

Inaawat na siya ni Darius pero yung mga unggoy niya tumatawa lang sa gilid.

"Andrea stop it" sinusubuka niyang ilayo si Andrea pero ang tibay niya ayaw pa rin bumitaw.

"I said stop it!" parang kulog na sigaw ni Darius

'Sakit ng anit ko dun ah'

Hinawakan ko ulo ko. Mukhang magkakabukol pa ata ako nito malas talaga.

"Lalo mo lang pinakita sa'kin na tama yung desisyon huwag nang ituloy kung ano man ang meron satin" madilim na mukhang sabi ni Darius.

Nakakatakot siyang magalit namumula buong mukha niya.

"I'm sorry nasasaktan lang naman ako kasi---" naputol yung sinasabi ni Andrea

"I don't fucking care kung ano man yang paliwanag mo" hinila na ako ni Darius palayo.

Pinaupo ako ni Darius sa isang bench doon.

"Are you okay?" tanong niya sa'kin

"Oo, ayos lang ako medyo masakit lang anit ko" sabi ko habang hawak ulo ko

"Sorry ako ang dahilan kung bakit nangyari sa'yo yan" sabi niya

"Ikaw naman talaga e kung hindi mo ko pinakilala as a fake girlfriend edi sana tahimik buhay ko" sabi ko sa kanya.

Tumawa lang siya.

"Talagang natawa ka pa ah" tinaasan ko siya ng kilay

"Ang cute mo maasar" kinurot niya pisnge ko.

Nagulat ako sa sinabi niya pero nakabawi ako kaagad.

"Edi wow" sabi ko sabay hawi sa kamay niya

"Hayaan mo babawi ako sayo" sabi niya at nakataas pa kanang kamay

"Sus bahala ka" sabi ko habang inaayos 'yong buhok ko.

'Lecheng sabunot yun muntik na dalhin pati utak ko'

"Gusto mo lagyan natin ng yelo" sabi ni Darius

"Huwag na okay lang ako" sabi ko

"Are you sure?" tanong niya

"Oo nga" tumayo ako

"Saan ka pupunta?" tanong niya

"Tara sa cafeteria mukhang gutom ka na e" sabi ko

"Di pa ako gutom" tanggi niya. I heard his tummy growling

"Di pala gutom ah" tumatawa kong sabi

"Pabebe ka pa tara na" hinila ko siya patayo

"Okay okay ito na" tumayo siya at nagpahila sa'kin papuntang cafeteria.

'Hindi pala gutom ah'

-yanna klair

SAIL WITH ME (On-going)Where stories live. Discover now