"Wait bayad ko sa order ko" sabay abot kay Darius ng pera

"It's okay, my treat" sabi ni Darius

"Pa-good shot pare ah HAHAHAHAH ayos 'yan" sabi ni Kevin. Hindi siya pinansin ni Darius.

Tumayo na si Darius para umorder. I left with Kevin and Leo.

"So Aisha paano mo nakilala si Darius? Just curious tho" tanong ni Leo

"Ginawa niya akong fake girlfriend ng biglaan para lang layuan siya nung mga kumukulit sa kanya" sabi ko

"Woah narinig mo yun pare" sabi ni Leo kay Kevin

"Hoy wala na 'yon biglaan lang talaga" sabi ko sa kanila

"Oh kalma defensive masyado" sabi ni Leo

"Bagay kayo" pang-aasar ni Kevin

Bagay!? No way siya kaya nagdala ng malas sa'kin jusmiyo.

"Anong ba--" naputol yung sasabihin ko ng dumating na si Darius kasama yung order.

Nagsimula na kaming kumain 'di ko na lang pinansin yung pang aasar. Totoo namang wala na yun kinalimutan ko na 'yon kahit nagdulot pa sa'kin ng kabwisetan sa buhay yun. Naudlot yung pagtulog ko dapat sa rooftop nun kaasar pa rin tuwing naalala ko.

Pagtapos namin kumain ay bumalik na kami sa village.

"Saan bahay mo Aisha hatid ka na namin" sabi ni Kevin. Si Darius nanahimik lang sa tabi ko.

"Just turn right and stop in the brown gate" I said.

Tinigil ni Leo yung kotse sa tapat ng bahay namin.

"Thanks for the right and for the breakfast Darius" sabi ko "Leo...Kevin una na ako bye" kumaway ako sa kanila bago pumasok sa loob.

"Hi mom dad good morning" I kissed them in the cheeks

"Good morning din anak" sabi ni Mommy

"Akyat na po ako sa taas mommy" paalam ko.

Umakyat ako sa taas at dumiretso ako ng bathroom para maligo. Nagsuot lang ako simple shirt na pinaresan ko ng jagger pants and sneakers.

Mamaya ay aalis na ako. Sasabay ulit ako kay Zack paalis.

Maya maya lang ay narinig ko na ang boses ni Zack sa baba.

"Good morning Tita Aileen at Tito Shawn" bati ni Zack kila Mommy.

"Good morning din iho aalis na ba kayo? Dito na lang kayo mananghalian" sabi ni Mommy.

Pumayag naman si Zack.

"Good morning Aisha sha shaaaaa!" he greet me with a irritating voice.

"Ang ingay mo" sabi ko sa kanya

"Hindi mo na ba ako love ha? Babe naman 'wag ganto?" umaarte siyang parang nasasaktan

"Tigil tigilan mo nga ako" tinulak ko siya

Tinawanan lang nila mommy si Zack.

'Patawa lang?'

Pagtapos ng lunch ay umalis na kami. Nagpaalam na ako kila Mommy at Daddy.

Dumaan kami sa bahay nila Lia para kamustahin sila tita at tito dun. Sinabi ko na rin kung bakit 'di nakauwi si Lia this weekend.

Nang makarating na kami sa condo ay nagpaalam na ako kay Zack.

"Thanks for the ride, Zack" sabi ko

"You're always welcome babyloves" sabi niya sa'kin at nagflying kiss pa nga si baliw.

I just roll my eyes to him. Pagdating ko sa condo ay nanonood si Lia. Mukhang nood puro nood.

"Hoy Lia Monteverde puro ka nood" sabi ko. Lumapit ako sa kanya at humalik ako sa pisnge niya.

"Nakakaenjoy kaya nood ka din dali tabihan mo ko dito" sabi niya

"Sige papalit lang ako ng damit" sabi ko

Pumasok na ako sa kwarto at nagpalit lang ng loose shirt at comfy short. Lumabas na ako ng kwarto at tumabi na sa kanya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko habang kumukuha ng pop corn

"Yeah tapos na" sabi niya nang hindi tumitingin sakin

"Pinalaundry ko na mga damit mo at damit ni Darius" sabi ni Lia

"Yown 'di na ako maglalaba salamat Lia dabest ka talaga" sabi ko sa kanya

I spent the whole day watching movies. Tumayo ako para magluto ng ulam namin para sa hapunan. Nagluto ako ng beef steak.

"Lia kain na tara" tawag ko sa kanya

She turn off the TV at umupo na. Siya na ang nagligpit ng pinagkainan namin at siya na rin naghugas. Pagkatapos ay bumalik na ulit kami sa panonood tumigil lang kami ng 12 midnight na may pasok pa kami bukas. Pumasok na kami sa kanya kanyang kwarto and bids our goodnight to each other.

Have goodnight sleep everyone!

-yanna klair

SAIL WITH ME (On-going)Where stories live. Discover now