"Didiretsahin na kita hindi kayo bagay ni Darius" sabi niya

"E sinong bagay kayo?" sarkatisko kong tanong

"Yeah kaya kung ako sayo layuan mo na siya kasi sakin siya" maarte niyang sabi habang tiningnan yung kuko niya

"Panong naging sayo wala ngang pangalan mo?" sabi ko "Tigil-tigilan mo na kahibangan nababaliw ka na" sabi ko

"What did you say?" akmang sasampalin niya ako ng dumating si daddy at tito Clifford

"Andrea tara na anak uwi na tayo" tawag sa kanya ni Tito Clifford

Tumayo si Andrea at lumapit sa'kin

"Makakabawi rin ako sayo" bulong niya sabay beso

"Bye Aisha next time ulit" plastikada niyang sabi

Umalis na siya kasama daddy niya.

"Mukhang nag enjoy kayo ah" sabi ni Daddy

"As if namang mag-eenjoy ako" sabi ko "Sige dad akyat muna ako sa taas" sabay kiss sa pisnge niya.

Gustong gusto laging umuwi dito dahil andito lahat ng libro ko pagpumasok ka sa kwarto ko aakalain mong library 'to.

Ang theme ng kwarto ko ay black, gray and white. Yung headboard ng kama ko ay bookshelf napunong puno ng libro. Kumuha ako ng isang libro ay nagbasa inabot ako 4 ng hapon sa pagbabasa. Naisipan kong magswimming na lang tutal may pool naman kami sa baba e. Sinuot ko lang 'yong one piece ko. Dito lang ako nagsusuot ng swim wear na ganito pero pag sa beach kami ay nakarush guard ako.

Lumusong na ako sa tubig. Habang lumalangoy ay nag isip ako kung anong pwede gawin bukas. Magjojogging na lang ako.

Nagrelax lang ako dun hanggang sa tinawag ako ni mommy magdidinner na daw. Umahon na ako.

Umakyat ako sa kwarto ko para maligo at magpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng loose shirt at pajama na may banana print. Bumaba na ako at kumain na kami ng dinner.

I'm only child of Ainastacia and Shaun Ezekiel Collins. Sabi nila sakin miracle child daw ako, akala kasi nila dati 'di na sila magkakaanak pero ito ako naghahasik ng lagim. They value me a lot and a value them too. Kaya kapag may gusto ako 'di nila ako pinipigilan.

"Aisha anak" tawag sa'kin ni daddy

"Yes po dad" sagot ko habang ngumunguya

"Wala ka pa rin bang boyfriend anak?" tanong ni daddy

Nabilaukan ako kaya binigyan ako ni mommy ng tubig.

"Wala po daddy hehe" sagot ko

"Sa tingin mo ba daddy may magkakagusto sa'kin e mas siga pa ako sa kanila HAHAHA" sabi ko sa kanya

"Anak I think you should have a make over" suggest ni mommy "Gusto mo ba maghire ako ng fashion designer at make up artist para sayo anak?" sabi ni mommy

"Mommy 'wag na po" sabi ko

"Anak anong silbi ng ganda mo kung tinatago mo lang tingnan mo wala ka tuloy boyfriend" sabi ni habang hinahaplos buhok ko

"Graduating ka na anak at next year you will be the one who will handle our business" sabi ni daddy

"Kailangan ba talaga ng boyfriend nun?" I pout

"Hindi naman sa ganon naghahanda ka lang malay mo pag busy ka na sa kompanya wala ka nang mahanap na lalaking magmamahal sayo" sabi ni daddy

"Daddy ang love hindi hinahanap yan okay? Dumadating ng kusa 'yan antay lang" I wiggled my eyebrows at sumubo ng kanin

"Kung sabagay lumalaki ka na nga anak" he chuckled

"Pero mag-aayos ka na ba anak?" tanong ni mommy

"Hindi pa rin mommy" tumawa ako ng malakas tumawa rin sila.

Nang matapos kami kumain ay nagpaalam ako sa kanila na aakyat na ako sa kawarto ko.

"Goodnight mommy daddy" I kiss them in the cheeks

"Goodnight din anak sweetdreams" sabi nila

Umakyat na ako sa taas nagtoothbrush ako at nagskin care na din kahit 'di ako nag-aayos inaalagaan ko naman mukha ko 'no.

Pagkatapos ko magskin care ay humiga na ako at nagbrowse na lang ako sa twitter. Nakatulog ako sa pagbabrowse ng mga tweets nagising ako sa alarm ko. Tumayo ako at pumuntang banyo para maligo. I decided yesterday na magjojogging ako.

I just wear a tank top and leggings then rubber shoes. Kinuha ko 'yong phone ko at airpods ko.

Nagsimula na ako magjogging. Marami rin akong nakikitang nagjojogging ngayon dito. Tumakbo lang ako hanggang sa clubhouse. Ang daming na ring batang naglalaro doon. Umupo ako sa bench para magpahinga ng may tumabi sa'kin at nag-abot ng tubig.

Tiningnan ko kung sino yung nag-abot ng tubig.

"What are you doing here?" I asked

Parang tigyawat bigla bigla na lang din sumusulpot.

-yanna klair

SAIL WITH ME (On-going)Место, где живут истории. Откройте их для себя