29 장

128 8 3
                                    

29 장

"Ara, naghihintay na si Jimin sa ibaba" nakasampung ulit na ata ako tumingin sa salamin pero hindi ako makapaniwala na ako ang nakikita kong babae sa harap ng salamin. Hindi ako mahilig maglagay ng make up sa mukha dahil nagagalit si Umma, pero dahil may pupuntahan akong I sang malaking party ay nagpalagay ako kay Joohun Unnie ng make-up.

"Yah!" Napatingin ako kay Unnie ng marinig ko ang boses nya. "Aalis ka ba o hindi?" Agad akong tumayo at kinuha ang isang pink na paper bag na nakalagay sa ibabaw ng kama ko. Nagpasalamat ako kay Unnie at lumabas na ng aking kwarto.

Pagkabukas ko ng aking pinto ay pareho kaming nagulat ni Jimin dahil sa pagkagulat. Nasa tapat na siya ng pinto ng kwarto ko at nakatakaas ang kamay, mukhang kakatok na sya. Magsasalita sana ako ng biglang may tumulak kay Jimin dahilan para mapa usog siya sa gilid. "Pakiramdam ko may nasagi ata akong maliit na bagay" agad kong sinamaan ng tingin si Daehyuk Oppa dahil sa sinabi nya. Hanggang ngayon ay inaasar nya pa rin si Jimin, mabuti at hindi siya pinapatulan nito.

Naunang bumaba si Daehyuk opp dahil hinila ni Joohun Unnie ang kanyang tenga. Humarap ulit sa akin si Jimin at ngumiti. Nakaramdam ako ng pagka ilang at bumilis ang tibok ng puso ko. Halos magkasama naman kami araw araw sa eskwelahan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay ang puso ko na hindi magwala kapag nakikita sya.

"Kaja" yaya nya at kami naman ang bumabang dalawa. Nagpaalam kami kay Umma at Unnie na aalis na kami. *let's go"

Naglakad lang kami ni Jimin papunta sa lugar na iyon, sa lugar kung saan gaganapin ang birthday party ni Sarang. Iniisip ko pa rin kung bakit nila ako inimbitahan sa party na iyon, hindi naman ako close sa pamilya nila at hindi ko rin naman sila masyado kilala. Naka ilang beses na rin akong tumangi kay Jimin pero hindi sya pumayag na hindi ako sumama. Siguro ay ayaw nyang maiwang mag-isa kasama si Jinri.

Sa tapat ng isang malaking bahay tumigil si Jimin at namangha ako sa ganda nito. Nauna syang pumasok sa nakabukas na gate kaya sumunod na lang ako. Isang malawak na bakuran ang sumalubong sa amin. Napuno ito ng ibang ayos at palamuti na may kulay Silver at Pink.

"Jimin-ah" hindi ko na kailangan pang lumingin para malaman kung sino ang nagmamay - ari ng boses na iyon. Si Jinri.
Nakasuot siya ng isang maganda damit na kulay pink at kitang kita ang ganda ng kanyang katawan. Naglagay din siya ng make up na mas lalong nagpa-angat sa kanyang ganda. Malaki ang kanyang ngiti ng makita nya si Jimin pero nawala iyon ng makita nya ako sa tabi nito. "May ipapakita ako sayo" hinila ni Jinri si Jimin papunta sa isang bahagi ng hardin at sa dami ng tao ay hindi ko agad sila naabutan.

Wala akong kakilala sa lugar na ito bukod kay Jimin tapos umalis pa sya. Umupo ako sa isa sa mga upuan at nagmasid sa paligid, may isag sikat na grupo ang nakanta sa unahan habang ang iba naman ay abala sa pakikipag usap.

"Hindi ba bata pa iyon?" Naramdaman ko na may nakatingin sa akin at napansin ko ang dalawang matanda na babae na naguusap ng pabulong habang nakatingin sa akin. Hindi ko gusto ang tingin nila kaya umiwas ako ng tingin. "Baka totoo nga na may anak siya sa labas" rinig ko pa rin ang usapan nila at nagtawag pa sila ng ibang makaka usap. Muli kong hinanap si Jimin pero hindi ko pa rin sya makita. Tumayo ako at naglakad palayo sa mga nag uusap nang may humawak sa kamay ko.

May isang batang naka-suot ng maskara na Bunny at magandang gown na kulay Pink at Silver ang nasa harapan ko. Dahan dahan nyang inalis ang kanyang maskara at nakita ko si Sarang. Nagulo ang kanyang buhok dahil sa pagtanggal nya ng kanyang maskara. Umupo ako para magkasingtangkad kami at inayos ang kanyang buhok.

"Happy Birthday Sarang" bati ko kay Sarang at ngumiti siya ng malaki. Hinawakan nya muli ang kamay ko at may tinuturo sya na puntahan namin. Masaya syang tumakbo papunta sa isang mesa na maraming pagkain. Tinuro nya ang lagayan ng chocolate na nasa ibabaw "Unnie, na hante jwo" kumuha ako ng isa at ibinigay sa kanya. Agad namang tumakbo si Sarang pagktapos kong ibigay sa kanya yung chocolate. Napansin kong mahaba ang kanyang damit at pwede siyang madapa kaya sinundan ko sya. *Unnie, give me that*

Mabilis syang tumakbo papalapit sa aking lalaki na syang nagpatigil sa akin. Kinarga sya nito at may hinalikanbsa pisngi habang ako nakatingin lang sa kanila.

"Appa, wag mo kaming iwan ni Umma. Magpapakabait po ako Appa"

Napakaluwang ng lugar kung saan ako nakatayo pero pakiramdam ako ay hindi ako makahinga. Unti unting namumuo ang mga luha sa mata ko habang patuloy na pinagmamasdan si Sarang at ang lalaki na iyon. Napatingin sa akin si Sarang at ngumiti "Unnie, uri appa ya" napatingin din sa akin ang lalaking tinawag nya na Appa at halatang nagulat siya ng makita ako. *Unnie, my father*

Ibinaba niya si Sarang "Ara" hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ng marinig ko mula sa kanyang bibig ang pangalan ko. Naguunahan na ang mga luha ko at pasikip ng pasikip ang dibdib ko. Patuloy sa isip ko ang isang lalaking pinipigilan kong umalis ng bahay namin noon. Lahat na ng alam kong paaran ginawa ko para hindi nya kami iwan pero inalis nya ang kamay ko na nakahawak sa kamay nya at mabilis na naglakad palayo sa akin.

Nakitang kong naglakad siya papalapit sa akin kaya tumalikod ako at aalis na sa lugar na iyon ng marandaman kong may humawak sa braso ko. Tandang tanda ko pa ang kamay na iyon, ang kamay na nag-alis ng sa pagkakahawak ko sa taong ayaw kong mawala sa buhay ko. Halos lahat ng tao ay nakatingin sa amin. Hindi ko gusto ang ganito, inalis ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko at agad na tumakbo papalayo ng makasalubong ko si Jimin na halatang nag aalala sa akin.

Maka ilang beses syang nagsalita pero hindi ko sya naintidihan. Bumaba ang tingin ko sa kamay nya, kamay na nakahawak sa kamay ni Jinri.

Muli akong tumakbo palayo, hindi ko alam kung saan ako makakarating pero hindi ko na kaya. Pakiramdam ako ay nabasag ng dalawang beses ang puso ko sa gabing iyon. Ilang beses na akong muntik madapa dahil lumalabo na ang aking paningin dahil sa mga luha. Naririnig ko ang boses ni Jimin na humahabol sa akin, hindi ko gustong tumigil sa pagtakbo.

"Ara!" Humarang si Jimin sa dinadaan ko kaya napaupo na lang ako at umiyak.

"Algo iss-eoss ni?" Tanong ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot. Hinawakan nya ang kamay ko at pilit akong pinipatayo. Pabalya kong inalis ang mga kamay nya at tumayo mag isa "Tinatanong kita! Alam mo ba?" Sigaw ko sa kanya. Dahan-dahan syang tumango at hindi ko na alam ang dapat kong gawin o maramdaman. Naiinis, natatakot at ngayon pakiramdam ko nagtraydor sa akin ang kaisa isang taong pinagkakatiwalaan ko. *Did you know?*

"Wae?!" *Why?*

"Gusto kong sabihin sayo pero pinakiusapan ako ng tatay ni Jinri na huwag" tatay ni Jinri? Si Jinri lang ang may karapatan sa tao iyon? Napatawa ako ng mapait sa sagot ni Jimin.

"Pinakiusapan? Sinabi ko sayo lahat Jimin!Ginawa ko lahat ng makakaya ko para sayo! Pareho lang kayo ng lalaking yon, wala kayong sariling desisyon"



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Main DancerWhere stories live. Discover now