5 장

2.5K 155 61
                                    

5 장

"Bilisan mo ngang maglakad" sigaw sa akin ni Jimin habang naglalakad kami papunta sa Dance Studio na pagpapractisan namin.

Ngayon ang pangalawang araw na inaaral ko yung steps na itinuturo nya sa akin para sa Dance Competition na sasalihan nila. Kahit hindi ako marunong sumayaw ay hindi na nya ako pinalitan dahil ayaw nya sa kamay ng babaeng nagpapawis. Bilang kapalit ay pinipilit ko ang sarili kong kabisaduhin lahat ng itinuturo nya sa akin.

"Saglit lang naman" maktol ko dahil ang bilis nya maglakad at maraming tao dahil uwian na ng mga eskwelahan at opisina.

"Mianhe" sabi ko dahil may nasangi akong matanda. Pagharap ko ay wala na sa unahan si Jimin kaya agad akong tumakbo at ng makarating ako sa studio ay agad akong pumasok. Kilala na rin naman ako nung nagbabantay dahil maghapon kaming nagpractice noong isang araw.

Pagdating ko sa loob ay may kinaka-usap na lalaki si Jimin. Medyo may katandaan na at hinawakan nya sa balikat si Jimin saka nagpaalam na.

Nung dumaan sya sa gilid ko ay parang may naramdaman akong kung ano. Basta hindi ko maexplain.

"Magbihis ka na" utos nya sa akin habang isa-isang tinatanggal yung butones ng polo nya.

"Sino yun?" tanong ko. Para talagang may kung ano sa lalaking yon eh.

"Sya yung may-ari netong studio, sya din ang nagtuturo sa akin magsayaw. Bilisan mo na para maaga tayong maka-uwi" ah sya pala yung nagtuturong magsayaw kay Jimin.

Kinuha ko yung extrang damit sa bag ko saka nagpunta sa C.R para magbihis.

Pagkalabas ko ay nagsisimula ng magsayaw si Jimin at napatigil sya ng makita ako sa salamin. Kunot ang noo nya at galit na humarap sa akin.

"Di ba sabi ko sayo wag kang magshoshorts!" asik nya. Napatingin naman ako sa suot ko, hindi naman sobrang maiksi tong short na suot ko, wala na kasing akong extrang damit dahil kakalaba lang ni Umma kanina.

"Hindi naman masyadong maiksi eh" depensa ko. Magsasayaw kami kaya mas komportable na nakashorts para madaling gumalaw.

"Kahit na, lalaki pa rin ako at babae ka. Naintindihan mo ba yon?" may kinuha nya sa bag nya at iniabot iyon sa akin.

"Hiramin mo muna yan" inabot nya sa akin yung extra nyang sweat pants at bumalik ako sa C.R pata magpalit.

"Lagyan mo ng arte" instruct nya sa akin habang sinasayaw ko yung mga naunang steps na itinuro nya.

Pinatay nya yung music at pumunta sa likuran ko. Hinakawan nya ang bewang ko at pakiramdam ko mauubuan ako ng hininga. Ayan na naman ang bilis ng tibok ng puso ko dahil magkalapit na naman kami at nakahawak na naman ako sa kanya. Sa tuwing magpapractice kami ay ganito ang nararamdaman ko.

"Ikot" utos nya kaya umikot ako. Pagikot ko ay muntik na akong matumba, buti na lang at hawak nya ako sa bewang.

"Di ba sabi ko sayo lagyan mo ng pwersa yung paa mo kapag umiikot ka para hindi ka agad matumba" paliwanag nya sa akin. Tumango naman ako at itinatak iyon sa isip ko.

"Tapos pagharap mo sa akin ay ilalagay mo yung dalawang kamay mo sa balikat ko para sa suporta" hinawakan nya ang mga kamay ko at inilagay iyon sa balikat nya

"Ganyan tapos ilalagay ko yung kamay ko sa bewang mo at kapag naramdaman mo na kung kamay ko ay titingin ka sa mata ko tapos sabay tayong titingin sa audience" muli akong tumango kaya inalis na nya yung kamay nya sa bewang ko at lumapit sa stereo para patutugin yung music tapos pumunta sya sa likuran ko.

"Ok 1, 2, 3 go" sabi nya bago ako umikot ay magbilang daw muna ako ng tatlo. Umikot ako at agad na nilagay yung kamay ko sa balikat nya maya-maya ay inilagay na nya yung kamay nya sa bewang ko kaya naghahanda na akong tumingin sa kanya pero hindi ko kaya.

Humiwalay sya at pinatay yung tugtog. "Nakuha mo na, yung part na titingin ka na lang sa akin" sabi nya. Gusto kong sabihin na hindi ko kayang tumingin sa mga mata na kaso nahihiya ako.

"Bakit di ka makatingin sa akin? Panget ba ako?" tanong nya kaya agad akong umiling. Hindi panget si Jimin,bukod sa mga Idol na gusto ko ay isa siya sa mga gwapong nakita ko.

"Eh bakit hindi ka makatingin, nahihiya ka?" tanong nya, dahan-dahan akong tumango. Sino ba naman hindi mahihiyang tumingin sa kanya di ba?

Lumapit sya sa akin at pinaupo ako saka sya umupo sa tapat ko. "Edi practisin din natin yan"

"Ha?" yun na lang ang nasabi ko.

"Papractisin din natin yung part na titingin ka sa akin. Sa ngayon dapat masanay kang tumingin sa mga mata ko" hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at inangat iyon konti, sakto lang para makita ko sya ng maayos at makatingin ako sa mga mata nya.

"Bawal kang tumingin sa iba, dapat sa mga mata ko lang" seryosong sabi nya. Sinubukan kong tumingin sa mga mata nya pero wala pang tatlong segundo ay yumuko na agad ako.

Inangat nya ulit yung ulo ko sa at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Hindi ko aalisin ang mga kamay ko sa pisngi mo hanggat hindi mo kayang tumingin sa mga mata ko ng matagal" sabi nya.

Muli kong sinubukan at kahit naiilang ay pinilit kong tumingin sa mga mata nya ng matagal. Pakiramdam ko mapula na rin ang pisngi ko dahil sa ginagawa nya ngayon.

Hindi ko alam kung ilang segundo na ang nakakalipas, basta ang alam ko ay sinasanay ko ang sarili kong tumingin sa mga mata nya ng matagal.

Bigla na lang ngumiti si Jimin ng malaki to the point na parang nawala na yung mga mata nya. "Ang cute mong magblush Ara" sabi nya kaya inalis ko yung kamay nya na nasa pisngi ko at ibinaon yung mukha ko sa mga palad ko. Nakakahiya naman!

"Haha ok na, kaya mo ng tumingin sa mga mata ko ng matagal. Uwi na tayo, bukas na lang ulit" tumayo na si Jimin samantalang ako ay iniisip pa rin kung anong itsura ko kanina.

"Halika na Ara!" tawag nya sa akin. Dal-dali akong tumayo at saka kinuha yung bag bago sumunod sa kanya.

Bubuksan na sana nya yung pinto ng hindi iyon bumukas. Ilang beses nyang sinubukan pero ayaw talaga.

"Shitt anong oras na ba?" tanong nya. May nahagip akong orasan at " 11 na" sagot ko.

Nasapo naman nya ang noo nya at napailing. "Nakalimutan ko, hanggang 9 lang pala tong studio. Bukas na tayo makakalabas nito panigurado"

----------------

Since regular class na kami sa Monday at alam kong magiging busy na naman ako, I decided na EVERY SATURDAY na mauupdate lahat ng stories ko. So next saturday na ang next UD. Pero kahit ganon hindi naman isang chapter lang ang mauupdate. Mga 2-3 or even more depende sa mood ko or sa drafts na naipon ko. In that way kasi makakaroon ako ng time para sa school at sa magkapag-isip ng susunod na scenes. Kung may sasabihin kayo eh wag na kayong mahiya, just comment and mababasa ko rin naman yun.

Yun lang and salamat sa pagbabasa !!!


The Main DancerWhere stories live. Discover now