17 상

1.9K 153 128
                                    

17 상

Ika-ika akong naglakad papuntang eskwelahan, galit na galit si Umma kagabi pagdating namin ni Han sa bahay, gusto pa nga nyang ihatid ako ngayon para malaman kung sino yung gumawa nito sa akin kasi hindi sya naniniwala sa sinabi kong natapilok lang ako.

Halos lahat ng makakasalubong ko ay nakatingin sa akin tapos magbubulungan. Hindi ko na lang sila pinansin at nagdireretso ako sa paglalakad hanggang sa bigla na lang lumitaw si Jimin sa harapan ko.

"Ano bang nagyari sayo?" tanong  nya habang nakatingin sa paa kong nilagyan ng benda ni Umma. Hindi ko sya sinagot, maya-maya ay nakita ko si Nami at Dayeon na nasa likuran na ni Jimin at nakatingin sa akin.

Nagsimula akong maglakad paalis sa harapan nya ng humarang na naman sya sa akin at hinawaka pa ang braso ko. Nagsimula ng magsitingin sa amin ang mga estudyante na napasok. Pilit kong inaalis yung pagkakahawak nya sa kamay ko pero mas hinigpitan nya lang.

"Paano yung contest Ara! Bukas na yon!" Tumaas na ang boses nya dahil hindi parin ako nakibo sa kanya. Kita kong nakatingin pa rin sa direksyon namin sila Nami.

Inalis ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko, "Konting maga na lang to Jimin, bukas mawawala na rin to kaya makakapagsayaw ako, wag kang mag-alala" sagot ko sa kanya tapos nagsimula na ulit akong maglakad paalis.

Maghapon kong pinapakiramdaman yung paa ko. Kahit na nagamot na sya ni Umma kagabi ay nasakit pa rin sya kapag napupwersa. Hindi nga sana ako nakakapaglunch kanina dahil hindi ko sya mailakad buti na lang at nakita ako ni Han at dinalhan nya ako ng pagkain.

Pagdating nung uwian namin ay bumuti na yung paa ko, medyo nailalakad ko ka kaya dahan-dahan akong naglakad papuntang sakayan ng bus kung saan susunduin ako ni Daehyuk Oppa.

Mga isang oras na akong naghihintay ay wala pa rin si Oppa, gusto ko sana syang tawagan pero naalala ko wala nga pala akong mobile phone at sira naman yung telepono sa gilid ng bus stop. Maya-maya ay may humintong isang pares ng paa sa harapan ko, pagangat ko ng tingin ay nawala yung ngiti sa labi ko ng makitang hindi si Daehyuk Oppa iyon, kundi si Jimin.

"Iniiwasan mo ba ako Ara?" Biglang tanong nya kaya napayuko ako.

"Ara!" Tawag nya sa akin pero hindi pa din ako sumagot. Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha ko. Iniisip ko pa lang na hindi pa gagaling yung paa ko, naiiyak na ako. Baka hindi ako makapagsayaw bukas, masasayang lahat ng pinaghirapan ni Jimin at baka matalo sila.

"Sumagot ka naman! Nag-aalala na ako sayo oh!" Sabi nya sa akin, umupo sya sa tapat ko at pilit akong tinitignan.

"Mianhe, jeongmal mianhe Jimin" ngayon pa lang gusto ko ng magsorry sa kanya, pinagsumikapan nya lahat ng steps para sa magaganap na contest bukas pero dahil sa kapabayaan ko baka masayang lahat ng iyon.

"Ara, naleul bwa" utos nya sa akin, pero hindi ako tumingin sa kanya.
*look at me*

"Ara naman, kung iniisip mo yung contest bukas, wag na. Hayaan mo na yon!"

"Pero mahalaga sayo yon! Alam kong mahalaga yong contest na yon sayo kasi---" hindi ko natapos yung sasabihin ko ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit.

"Wag mo ng isipin yon, mas mahalaga ka ngayon" Hinaplos nya yung buhok ko habang sinasabi ang mga salitang iyon.

Ilang minuto din nya akong niyakap tapos tinignan nya yung paa ko. Dahan-dahan sya habang inaangat yung paa ko at ipinatong sa binti nya tapos inalis nya yung bendang inilagay ni Umma.

"Kyeopta" biglang sabi nya ng makita nya yung namamaga kong paa. Kumunot naman ang noo ko dahil doon.

"Bwo?"

"Sabi ko ang cute ng paa mo, ang taba" nakangiti sabi nya sa akin tapos pinindot nya pa.

"Aissh! Jinjjayo? Alam mo na na ngang--" napatigil ako ng bigla syang humarap sa akin at ngumiti, yung ngiting halos mawala na yung mga mata nya.

"Hindi ko alam pero gustong-gusto kong nakikitang nagagalit ka" biglang sabi nya.

"Nagiging kamukha mo kasi yung mga nanay na galit na galit sa mga anak nila" dagdag nya.

"Joke lang, ang cute mo kasi kapag nagagalit, lumalabas yung dimple mo sa noo" napahawak naman ako sa noo ko dahil sa sinabi nya. Napansin nya yon?

"Michyeosseo" asik ko sa kanya. Ngumiti naman sya at lumapit sa akin. Maya-maya ay pinisil nya yung dalawang pisngi ko kaya inalis ko iyon, masakit kaya.

"Mianhe, nasigawan kita kanina" tumingin ako sa kanya at tumango. "Gwenchanayo"

"Wag ka ng iiyak Ara, masakit dito oh" biglang sabi nya sabay turo sa dibdib nya.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Ibinalik nya yung benda ng paa ko at tumabi sa akin sa upuan sa may bus stop.

Katahimikan ang naghari sa amin, ilang bus na din ang dumaan at magdidilim na pero wala pa rin si Daehyuk Oppa.

"Kung hindi pa gagaling yung paa mo hanggang bukas, gwenchana. Mas mahalaga yung paa mo kesa sa contest na iyon" out of the blue na sabi nya tapos tumayo sya pero umupo din sya sa tapat ko.

"Kaja, ihahatid na kita sa inyo"  sabi nya habang naka-upo. Nalilito ako sa mga nangyayari kaya hindi ako gumalaw. Lumapit sya sa akin at ipinasan nya ako.

"Last trip na yung bus na dumaan kanina, its either maglalakad ka o sasakay ka ng taxi na mahal ang bayad"

"Hanggang bahay ipapasan mo ko?" Tanong ko sa kanya habang nagsisimula na syang maglakad papaunta sa direksyon ng bahay namin. Tumango sya.

"Ok lang, komportable naman akong kasama ka" sagot nya.

Ano bang ginagawa mo Jimin, binibigyan mo lang ako ng dahilan para mas lalo akong mahulog sayo.

Akala ko seryoso syang ihahatid nya ako hanggang sa bahay ng nakapasan, mabigat daw pala ako kaya sumakay kami ng taxi.

Pinakain sya ni Umma at napag-alan kong tumawag sya sa bahay at sinabing sya na lang ang naghahatid sa akin pauwi kaya pala hindi na pumunta si Daehyuk Oppa.

"Nanliligaw ba yun sayo, Ara?" Biglang tanong ni Daehyuk Oppa sa akin habang tinitignan maglakad palayo si Jimin. Umiling ako, bakit ako liligawan ni Jimin, may Jinri sya.

"Aniyo? Kung makapag-alala sya kanina sa paa mo akala mo boyfriend eh"  sabi ni Oppa, muli kong tinignan si Jimin na medyo malayo na ang nalalakad.

-----
Hello!
Haha lame!

BTW ako talaga yung may dimple sa noo  haha XD. Ang weird di ba??



The Main DancerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora