12 상

2.2K 142 27
                                    

12 상

Napatigil ako sa paglalakad ng salubungin ako ni Jimin sa Hallway. Pabalik na sana ako ng room namin dahil lunch break namin at kumain ako.

"Tara Ara!" Sabi nya sa akin sabay hila sa kamay ko. Hindi na ako naka-angal dahil mabilis syang tumakbo habang hila-hila ako palabas ng building na iyon.

Dinala nya ako sa may bandang likuran ng school at pina-upo nya ako habang naglalakad papalapit sa isang bakod na hindi gaanong mataas. "Ppali Ara, makikita tayo ng guard" utos nya sa akin, kahit nagtataka ay sumunod ako sa kanya at hindi na nagtanong.

Ng makalapit na kami na bakod na iyon ay agad nya akong binuhat pataas, muntikan pa nga kaming matumba dahil sa pagkagulat ko sa pagbuhat nya sa akin.

Nakarinig kami ng pito kaya dali-dali nya akong inutusan na tumalon sa bakod na iyon, umiling ako. Hindi ako tatalon sa bakod na iyon dahil bawal at may klase pa kami, baka malaman ni Umma at pagalitan pa ako.

Nakarinig kong mas papalapit na ang mga yabag ng guard na nagpito sa amin kanina, ewan ko pero bigla na rin akonh umakyat sa bakod at bumaba sa kabilang parte nito.

Pagkababa ko ay muntik pa akong masubsob dahil sa pagkakabagsak ko buti na lang at naakabalanse pa ako. Maya-maya ay sumunod na din si Jimin at hinila nya ako ulit papalayo sa bakod na iyon.

Ng makalayo na kami ay tumigil na kami sa pagtakbo. Ngayon ko lang ginawa ang bagay na iyon. Ang tumalon sa bakod at takasan ang mga susunod kong klase para sa isang lalaking gusto ko pero iba naman ang gusto. Hawak-hawak nya pa rin ang kamay ko habang nauuna syang maglakad sa akin, napatitig ako sa mga kamay naming dalawa.

Minsan naiisil ko kung tama ba na hinahayaan ko syang gawin ang mga bagay na gusto nya. Kagaya ngayon, tumalon lang naman kami sa bakod at hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Pero palagi ko kasing tinitignan lahat sa positibong paraan. Kapag may ipinapagawa sya sa akin at gingawa ko yon nakikita ko syang masaya, in that way parang worth it na rin yung paggawa ko ng mga bagay na hindi dapat. Isa pa, sya lang ang pumapansin sa akin sa school kaya minsan hindi ko din masisi ang sarili ko kung gusto kong makuha ang atensyon nya.

Tumigil kami sa isang bus stop kaya nakaramdam ako ng takot. Never pa akong lumabas ng Busan kaya kinakabahan ako.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Lumingon sya sa akin at ngumiti, pi-nat nya ang ulo ko habang sinasabi ang kasagutan sa tanong ko. "Basta, wag kang mag-alala akong bahala sayo" paniniguro nya sa akin pero meron pa ring parte sa akin na iniisip kung anong mangyayari kapag nalaman nilang nagcutting ako kasama sya.

Nakarinig ako ng busina kaya itinaas ko ang tingin ko, nakakita ako ng isang bus napapalapit sa kung saan kami nakatayo at may nakalagay na Seoul sa taas. Pupunta kaming Seoul?

Pagkahinto ng bus sa tapat namin ay agad syang sumakay pero napahinto din sya ng makitang hindi ako gumagalawa sa kinatatayuan ko. "Kaja!" Tawag nya sa akin pero nakatingin lang ako sa kanya, natatakot talaga ako na umalis ng Busan na sya lang ang kasama, isa pa kung pupunta kami ng Seoul ng ganitong oras panigurado gagabihin ako ng uwi sa bahay.

"Jimin, wag na lang kaya akong sumama? Ayoko, baka malaman ni Umma magagalit yun" sabi ko sa kanya, ayokong magalit si Umma sa akin dahil gumawa ako ng bagay na hindi dapat. Bumaba sya mula sa pagkakatungtong sa unang baitang ng bus at lumapit sa akin.

"Saglit lang tayo, promise" pangungumbinsi nya pa rin sa akin. Tumingin ako sa mga mata nya at muling umiling.

Hinawakan nya ulit ang kamay ko "Ara, jebal" kita sa mata nya ma gusto nya na samahan ko sya sa Seoul, bumusina yung driver ng bus kaya tumango ako. Ngayon lang talaga to Park Jimin, hindi na to mauulit.

Ngumiti naman sya ng makita nya akong tumango at hawak kamay kaming pumasok sa loob ng bus.

Doon kami umupo sa may dulong parte kahit na madami pang bakanta sa unahan, ako sa may bandang bintana at sya sa sunod na upuan. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago tuluyang umandar yung bus.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang natakbo yung bus, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako ng Seoul pero kapag nadadaanan namin ang mga iba't-ibang tanawin hindi ko maiwasang hindi mamangha. Hindi ako yung tipo ng tao na natutulog sa biyahe, hangga't kaya ko titignan ko lahat ng madadaanan ng bus kung saan ako nakasakay.

Naramdaman kong may kung anong bagay ang pumatong sa balikat ko habang tinatanaw ko pa rin yung labas ng bintana, sumand pala si Jimin sa balikat ko dahil nakatulog na sya. Hindi maayos yung pagkakasandal nya sa balikat ko kaya inayos ko iyon para maging mas kompotable sya sa pagtulog at hindu masakit ang leeg nya mamayang paggising nya.

Matapos ang ilang oras na biyahe ay nakarating din kami ng Seoul, pagkababa namin ng bus ay sumakay naman kami ng Taxi. "Sa SOPA po" sabi ni Jimin doon sa Ahjusshi na nagmamaneho ng taxi. SOPA? Ibig bang sabihin pupuntahan namin si Jinri? Parang pumait yung pakiramdam ko ng malaman kong pupunta kami sa SOPA. Isa sa mga pangarap ko ang makapasok sa pristehiyosong eskwelahan na iyon pero ngayon nawalan na ako ng interes.

Makaraan ang ilang minuto ay tumigil na yung taxi-ng sinasakyan namin sa isang magandang eskwelahan. Nagbayad si Jimin samantalang ako, parang bumalik yung interes ko sa SOPA. Ang kulay dilaw nilang uniporme na kinaiingitan ng halos lahat ng kabataan sa Korea, panigurado karamihan sa kanila ay nagtatraining na para maging isang Idol sa hinaharap.

Nagsimula ng magsilabasan ang mga estudyante ng paaralan na iyon, dinala ako ni Jimin sa gilid at inilabas nya ang cellphone nya saka may tinawagan. Para akong isang batang ngayon lang nakalabas habang nakatingin sa mga naggagandanhang babae at lalaki na nalabas sa malaking gate na iyon. Ano kayang pakiramdam ng nag-aaral sa SOPA?

"Jinri!" Napukaw ang pag-iisip ko ng may tawagin si Jimin at dali-dali nyang nilapitan ito. Kita ko ang saya sa mukha nya habang kinukuha ang mga dalang libro ni Jinri at dahil don minsan di ko maiwasang isipin na sana ako na lang si Jinri.

-----------------

Mianhe *le bows 90°*

Sorry po talaga sa mga naghintay ng matagal tapos Lame pa yung UD ngayon, babawi na po ako talaga ako lalo na sa bakasyon!!

Mianhe talaga T_T.

The Main DancerWhere stories live. Discover now