8 장

2.3K 148 18
                                    

 8 장

Nagmamadali akong makalabas ng school par maka-uwi ng maaga dahil alam kong maraming tao ngayon sa Ramen Shop. Baka hindi kayanin nila Umma at Oppa kay uuwi na ako para makatulong.

Malapit na akong makarating sa ground floor ng biglang humarang sia Nami at ilang kaibigan nya sa dadaanan ko kaya napatigil ako.

"Oh, nagmamadali ka ba?" tanong nya sa akin habang may ngisi sa mga labi nya. Tumawa yung mga kasama nya at nagsimula silang lumapit sa akin kaya umatras naman ako.

"Napapadalas ata ang paglapit ni Jimin sayo? Bakit kaya?" tanong nya ulit.

"Baka hinihingian nya ng pera para mabuhay sila ng mahirap nyang nanay?" sagot nung kasama ni Nami kaya napatingin si Namin sa kanya, ganun din ako. Pakiramdam ko may humihiwa sa puso ko habang sinasabi nya ang mga salitang iyon.

"Ano ka ba Dayeon, wag kang masyadon hard kay Ara. Sinaktan mo na sya eh" singit naman nung isa pa nyang kasama kaya sa kanya naman ako napatingin.

"Wag nyo ngang inaaway si Ara, baka isumbong tayo sa Appa nya. Ay wala ka nga pa lang Appa di ba? Kasi mahirap ang nanay mo kaya iniwan nya kayo" sabi ni Nami, nananatili akong tahimik at hindi nasagot. Ayoko ng lumala pa ito dahil kahit anong gawain ko ay ako rin ang masasaktan sa huli.

"Oh iiyak ka na?" tanong nya ulit habang nalapit sa akin. Hinawakan nya ang buhok ko at hinila iyon. Pakiramdam ko ay mapupunit ang anit ko dahil sa pagkakahawak nya ngayon.

"Lalaban ka ha?" sabi nung isa. Agad aking umiling, binitawan ni Nami yung buhok ko at itinulak ako kaya napaluhod ako sa sahig.

Umupo sya para magkalevel kami. "Layuan mo si Jimin, sinasabi ko sayo" banta nya saka sila umalis.

Eto na nga ba sinasabi ko eh, once na mapalapit ako sa isa sa mga sikat na lalaki ay mabubully na naman ako, pero hindi ko pwedeng sundin ang sinasabi ni Nami.

Dahil alam kong mahalaga para kay Jimin ang Dance Competition na magaganap sa School Festival namin.

Tumayo ako saka inayos ang sarili ko. Lumabas ako ng building at nagsimula ng maglakad pauwi.

Nakalabas na ako ng eskwelahan ng biglang may tumigil na bike sa harapan ko. Sakay nun si Jimin at mukhang pagod na pagod sya at nakasuot sya ng jersey.

"Hatid na kita Ara" sabi nya. Napansin ko din na may upuan na yung unahang parte ng bike nya, parang pinaghandaan nya na sasakay ulit ako sa bisekleta nya.

Lumingon ako sa paligid at may pailan-ilan pa kaming mga school mate na nakakasabay. Umiling ako.

"Huwag na, may ipinapabili pa si Umma sa akin eh" dahilan ko kahit wala naman talagang pinapabili si Umma sa akin. "Dito na ako, ingat ka na lang pauwin" paalam ko tapos naglakad na ako.

Maya-maya ay nakasabay na sya sa akin. Nasa gilid ako naglalakad, sya naman ay nasa kalsada at mabagal na nag ibisisekleta. Tumigil ako sa paglalakad at ganun din ang ginawa nya.

"Wag mo na akong sabayan Jimin, may pupuntahan pa ako" sabi ko sa kanya pero parang hindi sya nakikinig. Nilampasan na nya yung daan papunta sa kanila kaya kung sasabayan nya pa ako pauwi ay gagabihin sya.

"Sumakay ka na kasi, hindi din naman ako uuwi hanggat hindi ka nakakauwi" sabi nya. Tumingin ako sa kanya at nakita kong seryoso sya sa sinasabi nya.

Inalis ko yung isang strap ng bag ko at inilagay yung bag ko sa harapan ko saka sumakay sa unahang parte ng bike nya. Sasakay na ako para maka-uwi na rin sya at baka pagalitan pa sya ng Umma nya kung gabi na sya maka-uwi.

Ramdam kong nakangiti sya ng sumakay ako, inangat ko ang tingin ko at nakangiti nga sya.

"Bakit ka nakangiti?" tanong ko sa kanya. Hindi nya ako sinagot, nagsimula na syang magpedal.

Ramdan ko ang lamig ng hangin na dumadampi sa mukha ko habang nakatakbo ang bisekleta ni Jimin. Nagsisimula na ring magsibukasan ang mga ilaw ng ibat-ibang gusali na dumadagdag sa ganda ng dinadaanan namin.

Medyo malapit na kami sa bahay ng bigla syang huminto sa isang stall na nagtitinda ng Tokoyaki.

"Kain tayo" sabi nya, bumaba ako ng bike nya at itinabi nya yun sa may gilid. Lumapit sya dun sa stall at kumuha ng dalawang tokoyaki. Inabot nya sa akin yung isa, nung una ay nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko pero sya na mismo ang naglagay nun sa kamay ko.

"Masarap yan" sabi nya sa akin. Nakakain na rin naman ako nito kaya alam ko ang lasa at alam kong masarap. Tumango ako saka sinimulang kainin yung ibinigay nya sa akin.

Hindi ko alam kung nakailan si Jimin dahil ang bilis nya kumain, samantalang ako ay nakadalawa lang. "Kamsahamnida" sabay namin sabi dun sa Ahjumma na nagtitinda nung matapos kumain si Jimin at makapagbayad. Babayaran ko sana yung kinain ko, kaso binayaran na nya. "Balik kayo ng girlfriend mo" sabi sa kanya ni Ahjumma na nagtitinda ng takoyaki. Ngumiti si Jimin at hinila ako papalapit sa kanya. "Bagay ba kami Ahjumma?" tanong nya kaya binawi ko yung kamay kong hawak nya.

"Neh, bagay kayo" sagot ni Ahjumma.

"Hindi po kami Ahjumma" singit ko. Tumigil sa paluluto si Ahjumma at tumingin sa akin.

"Aba bakit hindi? Bagay kaya kayo" tanong ni Ahjumma, umiling ako sa kanya.

"Hayaan nyo po Ahjumma, pagbalik po namin girlfriend ko na sya" sabi naman ni Jimin saka nagpaalam sa nagtitinda.

Madilim na ang langit nung sumakay ulit kami sa bike nya. Pagdating namin sa bahay ay medyo maraming tao sa Ramen shop.

"Salamat sa paghatid at libre" sabi ko sa kanya ng makababa ako ng bike nya. Tumingin sya sa bandang likuran ko kaya tumingin din ako doon at nakita namin si Han na palabas ng bahay nila.

"Kapitbahay nyo sya?" tanong ni Jimin. Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Kakalipat lang nila noong isang linggo" sagot ko.

"Bakit ngayon ka lang Ara, susunduin na sana kita eh" sabi ni Han na nakalapit na pala sa amin. Nakita kong nag-iba yung aura ni Jimin kaya nagbow na ako.

"Salamat ulit, mag-iingat ka sa pag-uwi" sabi ko. Tumingin pa sya kay Han bago tuluyang umalis.

Pagkaharap ko kay Han ay nakalagay yung dalawang kamay nya sa bulsa ng pantalon nya at nakatingin sa akin. Nagbow din ako sa kanya.

"Gomawo" sabi ko kaya Han dahil susunduin na sana nya ako.

Pumasok ako ng Ramen Shop at sumunod din sya sa loob.

----------------



The Main DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon