4 장

2.6K 163 31
                                    

4 장

Napahinto ako sa paglalakad ng may mapansin akong pamilyar na bagay sa paradahan ng mga bike.

Yung kulay asul na bike na may sticker ng korona. Dahan-dahan akong lumapit sa bagay na iyon at sa bawat hakbang ay mas lalo ko itong naaninang at sa paglinaw nito sa paningin ko ay pakiramdam ko unti-unti pinupunit ang puso ko.

Dali-dali ko itong nilapitan at napakurap na lang ako sa nakita ko. Yung bike ko na ilang araw ding nawala ay bumalik na pero sira na. Flat na flat ang dalawang gulong at putol na yung kadena, sira na rin yung basket sa harapan at hindi na pwede pang gamitin.

Napa-upo ako habang tinitigan yung sira ng bike ko. Saan ba nila ginamit ito at nagkanito? Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Panigurado ay pagaalitan ako ni Umma kapag nakita nya ito at mas magagalit sya kapag nalaman nyang nagsinungaling ako sa kanya.

"Oo nga pala Kang mianhe, marupok kasi yang bike mo kaya di yung ginawa kong stunts noong isang araw. Sorry ha? Bili ka na lang ng bago, yung mas matibay" hindi ko na kailangan pang tumingin para malaman kung sino yung nagsalita. Gusto kong magalit sa kanya dahil sa ginawa nya sa bike ko pero hindi pwede, kaya nila ang awayin kapag sinagot ko pa sya.

Naramdaman kong ginulo nya yung buhok ko bago umalis at rinig ko ang tawa nya. Tumayo ako at kinuha mula sa pagkakaparada yung bike kong sira na ngayon.

Nagsimula akong maglakad kasabay nung bike ko palabas ng school. Rinig ko ang bulong-bulungan at tawanan ng bawat estudyanteng nakakasalubong ko o nakakasabay. Malapit na ako sa may gate nng bilang may sumulpot na pares ng sapatos sa harapan ko kaya napatigil ako. Pag-angat ko ng tingin ay nakatayo s harapan ko si Jimin at nakalagay sa dalawang bulsa nya yung kamay nya habang nakatingin sa bike ko na sira ngayon.

Wala akong lakas makipag-usap sa kanya ngayon dahil sa nangyari sa bike ko. Hindi ko sya pinansin, inilihis ko yung manibela ng bike ko para makadaan kami dahil mukhang wala syang balak umalis doon.

Maya-maya ay bigla na lang nyang sinipa ng malakas yung bike ko dahilan para mabitawan ko at mas lalong masira dahil sa pagkakabagsak nito.

Napatingin ako sa kanya pero parang wala lang sa kanya yung ginawa nya. Lalapitan ko sana yung bike ko ng hilahin nya ako palayo. Doon na tumulo ang luha ko, sa loob ng ilang taong pag-aaral ko, sa lahat ng eskwelahan na pinasukan ko ay wala akong ibang natanggap kung hindi puro panlalait, pananakit at pag-iwas. Hindi ko alam kung anong ginawa kong masama sa kanina para tratuhin nila ako ng ganito. Porket ba wala akong tatay dahil iniwan nya kami para sa ibang babae ay dapat ko ng maranasan ang ganito?

"Ara! Sa tingin mo ba ay magagamit mo pa yon! Maaksidente ka lang kapag ginamit mo pa yan!" sigaw ni Jimin, napaluhod na lang ako at doon umiyak. Sabi ko hinding-hindi na ako mag-aaksaya ng luha sa kahit sino sa kanina pero hindi ko kaya. Tao ako ay may nararamdaman kaya nasasaktan din ako.

"Kayo, kayo ang huling gumamit nyan di ba?" tanong ko sa kanya. Umupo siya para maging magkalevel kami, tumingin ako sa kanya at tumango sya. "Oo, pero si Jaehyung ang gumamit nyan" sagot nya.

"Magagalit si Umma sa akin neto" bulong ko habang naiyak pa rin. May edad na si Umma kaya ayoko na syang bigyan ng sama ng loob dahil baka makasama sa kanya iyon.

Hinawakan nya ang braso ko saka ako hinila patayo. Pinagpag ko yung palda ko at inayos ang sarili ko. Uuwi na ako, sasabihin ko na lang kay Umma na nasira na yung bike ko.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng may tumigil na bike sa harapan ko. Pagtingin ko si Jimin ulit. "Uuwi na ako Jimin" sabi ko sa kanya at naglakad na ulit. Wala na akong lakas makipagsagutan sa kanya ngayon.

Hindi pa ako nakakadalawang hakbang ako may humila muli sa braso ko at nasa harap na ulit ako ni Jimin.

"Sakay" sabi nya sabay senyas doon sa unahang parte ng bike nya.

"Hindi na, maglalakad na lang ako. Salamat na lang" tanggi ko. Kanina pa maraming nakatingin sa amin at ayokong pagpiyesthan bukas dahil dito.

"Sabi ko sakay" ulit nya at hindi nya binitawan yung kamay ko. "Sumakay ka na at ihahatid kita sa inyo. Total sinira ng kaibigan ko yung bike mo kaya ihahatid muna kita" akala ko pa naman kaya niya ako ginaganito ay dahil gusto nya yun pala dahil may atraso yung kaibigan nya sa akin.

Umangkas ako sa unahan ng bike nya at hindi ako komportable sa posisyon namin. Humawak ako sa manibela gilid pero inalis nya iyon at inilagay ang mga kamay ko sa gitna.

Sa buong biyahe ay tahimik lang kami. Dati naiingit ako sa mga batang nakaangkas sa bike ng mga tatay nila. Pangarap kong maka-angkas sa bike at tatay ko yung magpapatakbo pero hanggang pangarap na lang yon.

"San ka ba nakatira?" tanong ni Jimin.

"Dyan liko ka dyan" sabi ko sabay turo doon sa eskinita na malapit na sa bahay.

"May Ramen Shop kayo?" tanong nya ng makarating kami sa bahay. Tumango ako.

"Gusto mong pumasok?" yaya ko. Umiling naman agad sya" May gagawin pa ako eh" sagot nya.

"Sala--"

"Rara! Kanina pa ako nagaalala sayong bata ka, anong oras na oh! Uwi ba ng estudyante-- oh may kasama ka pala" biglang napatigil si Umma sa pagsesermon sa akin ng mapansin nya si Jimin.

"Umma, si Jimin po. Sya po yung tumawag noong Sabado. Jimin, Umma ko" pakilalala ko sa bawat isa. Tinignan ni Umma si Jimin at sinenyasan syang lumapit.

"Pumasok kayong dalawa sa loob" yung tono ni Umma galit kaya sumunod na lang kami.

"Boyfriend ka ba ng anak ko?" biglang tanong ni Umma kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Umma!" saway ko sa kanya pero tinignan lang ako ng masama.

"Ah ani, hinatid ko lang po si Ara dahil nasira po yung bike nya" pagkasabi ni Jimin non ay napatingin sa akin si Umma.

"Ano? Di ba sabi mo nasa kaklase mo yun at paanong nasira?" sunod-sunod na tanong nya agad sa akin. Tumingin ako kay Jimin at nilakihan sya ng mata, sinabi pa kasi eh.

"Kasi Umma --" sasagot na sana ako ng sumingit si Jimin.

"Ako po ang nakasira ng bike ni Ara, mianhe po. Papalitan ko na lang po"

"Huwag na Jimin--" sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko natapos yung sasabihin ko.

"Aba dapat lang, kapag nasira mo ang isang bagay at hindi sayo dapat palitan mo" sabi ni Umma. Hindi na ako sumagot, mababara lang ako eh.

"Opo, papalitan ko po" inilapit ni Umma kay Jimin ang isang bowl ng ramen.

"Oh sige, kumain ka muna at salamat sa paghatid ka Rara"

Pagka-alis ni Jimin ay tumulong ako saglit sa Ramen shop bago ito magsara.

"Saeng ang pogi nun ha!" sabi ni Joohun Unnie habang naupo sa tapat ko.

"Di ah, pandak kaya" singit naman ni Daehyuk Oppa habang nagmomop.

"Wag ka nga, Daehyuk selos ka lang dahil mas pogi yun sayo" sabi ni Unnie kaya napailing ako. Itong dalawang to palaging nag-aaway. Pero ang cute nilang dalawa, ako rin sana may kapatid.

-----------------


The Main DancerWhere stories live. Discover now