26 상

2.2K 109 44
                                    

26 상

Nakayuko lang ako habang naglalakad papasok ng eskwelahan ng biglang.

'Naman Barabwa' *Only look at me*

Napatigil ako sa paglalakad at napailing. Ilang araw na akong hindi pinapatulog ng mga salitang iyan. Bigla-bigla na lang syang pumapasok sa isip ko at nagiging dahilan din ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Mahina kong sinampal ang sarili ko para hindi ko na maisip ang mga salitang iyon lalo na ang mga nangyari pagkatapos nun.

"Gwenchanayo?" Napatingin ako sa unahan ng may marinig akong nagsalita. Nakita ko si Han na nakatingin sa akin at halatang nagtataka. *are you ok?*

"Neh?" Sabi ko naman sa kanya at lumapit sya sa akin sabay lagay ng kamay nya sa noo at leeg ko.

"Wala ka namang lagnat pero bakit namumula ang mga pisngi mo?" Nagulat ako sa sinabi nya, namumula ang mga pisngi ko?

"Gwenchana?" Tanong nya ulit sa akin at tumango naman ako. "Neh, gwenchana" sagot ko tapos nagsimula na kaming maglakad papasok.

Dumaan muna ako sa locker room para kunin yung mga librong gagamitin ko para sa araw na iyon ng biglang may mahulog na ilang maliliit na papel mula doon. Isa-isa ko silang pinulot at tinignan ng mabuti, doon ko lang napansin na maliliit na eroplanong papel ang lahat ng iyon.

Narinig kong tumunog na yung bell kaya ibinalik ko na agad yung mga maliliit na papel sa loob ng locker ko at kinuha yung mga libro ko saka pumasok sa room. Pagdating ng lunch break ay babalikan ko sana yung mga maliit na papel sa locker ko ng makasalubong ko si Jimin na ngayon lang pumasok matapos ireject ni Jinri.

"Gwenchanayo?" Tanong ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin at dinaanan nya lang ako. Nakayuko lang sya habang dire-diretsong naglalakad, hahabulin ko sana sya ng biglang may humila sa akin at inakbayan ako. Pamilyar ang mukha nya sa akin pero hindi ko alam ang pangalan nya.

"Yah Park Jimin!" Tawag nya kay Jimin pero hindi rin sya nito pinansin. Sinubukan kong alisin ang pagkaka-akbay nya sa akin pero hindi nya ako pinakawalan. Tumingin ako sa kanya at nginitian nya lang ako.

Muli nyang tinawag si Jimin pero hindi pa rin sya nito pinansin kaya inalis nya yung pagkaka-akbay nya sa akin at hinila ako papunta kay Jimin. Tumigil kami sa harapan ni Jimin at napatigil sya sa paglalakad. Inangat nya yung tingin nya at kumunot ang noo ng makitang hinawakan nung lalaki ang kamay ko.

Inangat nya ang magkahawak naming mga kamay sabay pakita kay Jimin. "Eto ba yung nangbasted sayo?" Tanong nya kaya nagkaroon ng kumosyon sa mga nakapaligid na mga estudyante sa amin.

Lumapit naman si Jimin sa amin at tinanggal yung pagkakahawak nung lalaki sa kamay ko. "Aniyo" malamig na sagot ni Jimin dun sa lalaki, ngumisi naman ito sa kanya.

"Nugu?" Tanong nya ulit, tinignan sya ni Jimin ng masama "Taehyung pwede ba" sabi nya sabay hila sa akin paalis sa lugar na iyon.*who?*

Habang naglalakad kami ay nilingon ko yung lalaki at kinindatan nya ako. Taehyung? Parang narinig ko na yung pangalan nya dati.

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na naka-upo sa isang bench malapit sa field. Tahimik pa rin si Jimin at ayoko namang magsalita ng kung ano at baka magalit sya sa akin. Pero gustong gusto kong malaman kung anong nararamdaman nya ngayon, matapos ang pangyayaring iyon ay hindi ko na sya nakita ulit, ngayon na lang.

Tumingin ako sa kanya at halatang malungkot pa rin sya. Pakiramdam ko wala akong kwentang kaibigan dahil ni hindi ko matulungan si Jimin sa pinagdadaanan nya.

"Ji- jimin" tawag ko sa kanya at nilingon naman nya ako. "Gwen- gwenchanayo?" Tanong ko habang hindi makatingin ng maayos sa kanya, bigla kong naalala yung ginawa nya sa akin nung gabing yon.

"Huh? Bat namumula ka Ara, may sakit ka ba?" Nagulat ako ng itanong nya sa akin iyon. Bigla akong napatayo sabay talikod sa kanya. Hinawakan ko ang mga pisngi ko at mukhang namumula nga ako. Nakakahiya. "Ara" tawag nya sakin pero agad akong tumakbo palayo sa lugar na iyon.

***

Napalingon ako sa likuran ko ng may maramdaman akong parang nasunod sa akin habang naglalakad ako pauwi. Nung wala akong makita ay binilisan ko yung lakad ko pero napatigil ako ng may makita akong lalaking nagtatali ng sintas sa gitna ng daan.

Napatingin ako sa sapatos nya at nagtaka dahil black shoes yung suot nya pero parang may sinisintas sya. Tumayo yung lalaki at tumingin sa akin.

Naglakad sya papalapit sa akin kaya umatras naman ako pero may humarang sa akin na isang pang lalaki at hinawakan ang kamay ko para hindi ako maka-alis

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naglakad sya papalapit sa akin kaya umatras naman ako pero may humarang sa akin na isang pang lalaki at hinawakan ang kamay ko para hindi ako maka-alis.

"Bw-bwo?" Tanong ko sa lalaking nasa unahan ko pero nginitian nya lang ako.

"Bakit binasted mo si Jimin?"

"Huh?" Kanina nya pa pinagpipilitan na ako ang bumasted kay Jimin ah. Nakita kong kumunot ang noo nya kaya agad akong umiling.

"Aniyo, hindi ako yung bumasted sa kanya" sabi ko sa kanya pero bakas pa rin sa mukha nya na hindi sya naniniwala sa sinabi ko. Mas lumapit sya sa akin at hinawi yung buhok ko na nakakatakip sa name plate ko.

"Kang Ara" basa nya sa pangalan ko tapos tumingin sya sa akin.

"Ikaw yung nakita naming kasama nya nung isang gabi ah, habang nakanta si Jimin nakatulala ka sa kanya" pang-aasar nya sa akin kaya tinignan ko sya ng masama.

"Taehyung, una na ako ha? Annyeong!" Sabi nung kasama nya sabay takbo kaya hinabol nya pero hindi nya naabutan. Sinamantala ko naman yung pagkakataon na yon para umalis na rin dahil ang weird weird nya.

Kanina pa sya tanong ng tanong kung ako daw ba yung bumasted kay Jimin. Kung ako si Jinri, hindi ko gagawin yon. Hindi ko babastedin si Jimin, hindi ko sya sasaktan. Kaso hindi ako si Jinri eh, hindi ako yung taong gusto ni Jimin, yung taong mahal nya, yung taong pinagtutuunan nya ng pansin at pinagpapaguran nya.

"Ara!" Narinig kong may tumawag sa akin mula sa kabila ng kalsada. Nakita ko si Jimin na nakatayo doon.

Pero atleast hindi ako yung taong dahilan kung bakit nasasaktan si Jimin ngayon.

-----
Wag atat Ara *evil laugh*

*le nagtago*

Sooorrryyyy po sa matagal na UD, tapos lame pa T_T

The Main DancerWhere stories live. Discover now