15 상

2.1K 150 31
                                    

15 상

Seoul, 2016

"Jimin Oppa! Saranghae!" Sigaw ng isang babae habang kumakaway kay Jimin. Nilingon nya ito at ngumiti kaya mas nagwala ang babae, may inabot ito sa kanya na isang regalo. Lumapit sya rito at kinuha ito saka nagpasalamat.

Nakita nya na tinatawag na sila ng manager nila kaya nagpaalam na sya sa babaeng nagbigay sa kanya ng regalo. Pumasok sya sa loob ng building at sinalubong sya ng isang babae.

"Ppali, magsisimula na yung M! Countdown" sabi nito sa kanya. Agad naman pumunta si Jimin at ang mga kamiyembro nya sa isang waiting room kung saan kasama nila ang iba pang Idols na magpeperform rin sa M!Countdown.

Sinimulan silang ayusan ng mga staff nila at matapos na ang sa kanya ay naglahinga muna sya. Magdamag syang nagpractice kagabi kaya wala syang sapat na tulog pero hindi nya ito iniinda. Ito naman ang matagal na nyang pangarap, ang maging isang Idol. Ang sumayaw at kumanta sa harap ng maraming tao at mapasaya sila.

"Pumunta ka rito, kailangan kita" narinig nya na may nagsalita sa di kalayuan kaya napalingon sya dito. Nakatagilid yung lalaki pero kita nyang nakangiti ito. Maya-maya ay ibinababa na nito ang cellphone na hawak nya at lumapit sa mga kamiyembro nito. Pakiramdam ni Jimin ay kilala nya ang lalaki na may kausap sa telepono kanina.

"Girlfriend mo hyung?" Tanong nung kasama nung lalaki at tumango ito.

"Nice naman!" Bigla tuloy pumasok sa isipan ni Jimin ang babaeng iyon. Ang babaeng naging dahilan kung bakit pinili nyang maging isang Main Dancer kahit alam nyang qualified din sya bilang isang Main Vocalist. Ang babaeng nagsakripisyo para para lang makamit nya ang mga pangarap nya.

Busan, 2009

Nag-aalangan akong tumingin kay Jimin dahil sa sinabi nya, kailangan namin matapos yung cheorography ng sayaw pero ayaw ko sa ending post na sinuggest nya.

"Hindi naman kita ihuhulog eh" sabi nya sa akin pero umiling ako. Ang gusto nyang magyari na ending post namin ay bubuhatin nya ako habang nakayakap yung mga binti ko sa bewang nya. Alam kong sayaw yun, ang dami ko ng nakikita na gumagawa ng pose na iyon pero hindi ko ata kakayanin kung iyon ang gagawin namin ni Jimin.

"Ayoko talaga, iba na lang Jimin" maawa ka sa puso ko please lang. Hinila nya ako patayo dahil naka-upo ako sa sahig. Umiling ako, ayoko talagang gawin yung bagay na yon.

"Ayoko talaga eh" sabi ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at umiwas ako ng tingin.

"Sige na Ara, para maganda yung ending ng sayaw natin" pangungumbinsi nya pa rin sa akin. Napabuntong-hininga ako, lumapit sya sa akin at chineer ako ng fighting!

"Baka hindi ko kayanin, mabigat ako" sabi ko.

"Kaya yan, ppali" pinalayo nya ako ng konti sa kanya, tapos ipinaliwanag nya sa akin kung anong gagawin ko.

Hinawakan nya ang bewang ko kaya nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi ko.

"Pagbilang ko ng tatlo, tatalon ka tapos iyayakap mo sa bewang ko yung mga binti mo, araseo?" Sabi nya, kahit kinakabahan ay tumango ako.

"Hana, dul, set!" Pagkasabi nya ng set ay tumalon ako tapos sinubukan ko yung pinapagawa nya, muntik pa akong malaglag dahil hindi agad ako nakakapit sa mga balikat nya. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din sya sa akin. Namula ako dahil doon, sobrng lapit kasi ng mga mukha nya.

Bumaba ako dahil hindi ako komportable sa posisyon namin. "Mabigat ba ako?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Hindi kasi ako gaya ng mga classmates ko na payat, ayaw ni Umma ng ganon katawan kaya palagi nya akong pinapakain para magkalaman ako.

Umiling sya, yumuko ako dahil alam mapula pa rin ang pisngi ko. "Pahinga muna tayo" sabi nya kaya tumango ako. Lumabas si Jimin at lumapit ako sa bag ko at kinuha yung towel ko saka nagpunas ng pawis.

Napansin kong may nakasilip sa pinto ng studio kaya tinawag ko sya. Agad naman syang lumapit at niyakap ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya, ngumiti muna sya bago sumagot kaya napangiti din ako.

"Ang galing mo pong sumayaw" sagot nya kaya mag lumawak ang mga ngiti ko.

"Jinjja? Magaling sumayaw si Unnie?" tumango naman sya agad. Binalikan ko yung bag ko at kinuha ko yung biskwit na binili ko kanina bago kami pumasok ni Jimin sa studio.

Umupo kami sa sahig at sinimulang kainin iyon. "Masarap?" Tanong ko tapos tumango-tango sya.

"Sarang!" Tawag sa kanya ni Jimin na naglalakad papasok, nung makalapit na sya sa amin ay agad syang tumabi kay Sarang at nanghingi ng kinakain nito pero inilayo lang ni Sarang yung kinakain nya kay Jimin.

Inabutan ko din si Jimim ng biskwit kasi hindi sya binigyan ni Sarang at kinuha naman nya. Habang nakain kami ay patingin-tingin sa aming dalawa ni Sarang si Jimin.

"Magkamukha kayo" biglang sabi nya kaya napatigil ako sa pagpapangiti kay Sarang. Tumingin ako sa kanya at kay Sarang na parang walang alam sa nangyayari.

Ngumiti ako kay Jimin at nilaro na lang si Sarang. Hindi naman maitatago na magkamukha kami, pero alam kong baka nagkataon lang. Madami namang magkakamukha sa mga koreans di ba? Sabi nga ng mga foreinger ay iisa lang ang mukha ng lahat ng Koreans.

"Gusto mong manood?" Tanong ko kay Sarang pagkatapos naming magpahinga, tumango-tango sya kaya pina-upo ko sya aa unahan para mas makita nya ang pagsasayaw namin ni Jimin.

Pumwesto kami at nagsimula yung tugtog kaya nagsimula na rin kaming sumayaw. Yung part na tititig ako sa mga mata ni Jimin at komportable na ako kaya kayang-kaya ko na syang gawin, doon na lang may problema sa pinakahuli naming dinagdag.

Nakita kong pumapalakpak si Sarang habang nanonood sa amin, lumayo ako ng konti kay Jimin at ginawa yung huling step na gagawin namin. Hinawakan nya ako sa bewang at tumalon ako sabay yakap ng mga paa ko sa bewang nya.

Ramdam ko ang pagkapagod dahil sa pagsasayaw namin, bababa na sana ako dahil tapos na yung tugtog ng mabitawan ni Jimin at pagkakasuporta nya sa mga hita ko dahilan para bumagsak kaming dalawa.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa ibabaw sya at nakatingin sa mga mata ko, ramdam ko ang pagpula ng mukha ko dahil aa lapit nya "Hindi ka pa ba sanay na ganito tayo kalapit Ara?" Biglang tanong nya kaya napa-iwas ako ng tingin.

"Kasi ako nasasanay na"

------

The Main DancerWhere stories live. Discover now