28 장

241 11 10
                                    

28 장

Napatingin ako kay Jimin habang may hinahanap sya sa loob ng bag nya. Hinawi ko ang buhok kong kanina pa nililipad ng malakas na hangin at inipit ang mga ito sa likuran ng tenga ko.

Kasalukuyan kaming nandito sa rooftop dahil lunch break na namin. Maya-maya ay sinamaan ko ng tingin si Taehyung na pasimpleng nakuha ng ulam ni Jimin habang busy pa rin sya sa paghahanap ng kung ano sa loob ng bag nya.

"Ano bang hinahanap mo--? Yah Kim Taehyung!" Hindi ko natapos yung tanong ko kay Jimin ng ubusin na ng tuluyan ni Taehyung yung ulam ni Jimin. Hindi ko man sinasadya ay napalo ko siya sa ulo ng hawak kong kutsara.

"Omo! Mianhe!" Napangiwi sya sa sakit, nakonsensya naman ako kaya nilapitan ko sya at hinaplos yung parte ng ulo nya kung saan ko sya napalo pero wrong move dahil inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Agad kong inilayo ang mukha ko at nakita ko ang pagsimangot nya dahil sa ginawa ko.

Yumuko ako dahil ramdam ko ang pag-angat ng dugo sa mukha ko dahil sa ginawa nyang iyon. "Aray naman!" Muli akong napatingin kay Jimin dahil sa narinig ko. Hila-hila nya si Taehyung sa may kwelyo ng uniform nya at kinakaladkad nya ito papunta sa pinto ng rooftop. Nang makarating sila sa may pinto ay itinulak nya ng malakas si Taehyung palabas sabay sarado ng pinto. "Wag ka ng bababalik dito!" Sigaw ni Jimin bago maglakad pabalik sa pwesto kung saan kami kumakain.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad sya, minsan naiisip ko tao pa ba sya? Halos lahat sa kanya ay perpekto, walang mali. Walang gusot, lahat nasa tamang pwesto.

"Kang Ara" nakakita ako ng puting sobre sa harapan ko matapos kong marinig ang boses ni Jimin na tinatawag ako. Kumunot ang noo ko pero kinuha ko rin naman yung sobre. Ibinaba ko ang hawak kong baunan at binuksan iyon.

"Birthday ni Sarang sa sabado at kinukulit nya si Jinri na inbitahan ka" sabi ni Jimin. Hindi ko sya nilingon, isang invitation ang nasa loob ng sobre, 7th birthday ni Sarang.
Mayroon sa akin na gustong pumunta dahil gusto ko ulit makita sa Sarang pero mas malaki yung takot na nararamdaman ko. Kay Jinri at sa nanay sya.

Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang mga nangyari kay Jimin at Jinri doon sa park. Kung paano sya ipinaghanda ni Jimin pero sakit lang ang ibinalik nya dito. Kung ilang araw halos mabaliw si Jimin dahil sa ginawa nya. Hanggang ngayon kita ko pa rin kay Jimin na nasasaktan sya. Minsan nakikita ko rin syang sinusundan ng tingin o hinahanap si Jinri sa daan, pero madalas syang magpunta sa dance studio nila Jinri hindi para magsayaw kundi para makita ito.

"Kahit daw walang regalo sabi ni Sarang basta pumunta ka" ibinalik ko sa loob ng sobre ang invitation at ibabalik sana kay Jimin pero bigla kong naaalala si Sarang kaya nagdalawang-isip ako.

"Saan ba gaganapin?" Hindi ko alam kung saan ang bahay nila Sarang dahil sa dance studio lang naman nila ako nagpupunta at doon ko din sya madalas makita.

"Sa bahay nila" sagot ni Jimin." Malulungkot si Sarang kapag hindi ka napunta, pinaghanda pa naman sya ng tatay nya" dagdag nya pa kaya  nagkatinginan kami. Tatay? Hindi ko alam kung bakit pero may kung ano akong naramdaman ng maisip ko ang tatay nila Jinri.

May sasabihin pa sana ako kay Jimin pero tumunog na yung bell kaya agad na akong nagligpit ng baunan para makababa na.

---
Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa rin ako kung pupunta ba ako sa birthday party ni Sarang o hindi.

"Eottoke?" Itinaas ko ang paper bag na dala ko. "Bakit nga ba ako bumili ng regalo?" Sa sobrang lutang ko kanina ay hindi ko namalayan na nakabili na pala ako ng regalo para kay Sarang. May nadaanan akong isang shop kanina habang naglalakad pauwi at may nakita  akong isang magandang bag at si Sarang agad ang naisip ko kaya binili ko iyon. Walang buhay akong naglakad ulit at hindi pa ako nakakalayo ay may nabunggo ako. Agad naman akong nagsorry pero hinawakan nya ang braso ko. Nakita ko si Jaehyung na nakatingin sa akin, binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya at dali-daling umalis pero nahawakan nya ang bag ko at hinila ako pabalik sa tabi nya.

"Mianheyo"ilang beses akong humingi ng tawad at nagbow sa harap nya pero hinihila nya pa rin ako sa tabi nya. "Yah, Kang Ara" ngayon ko lang napansin na malalim na ang boses ni Jaehyung samantalang mas boses babae sya kesa sa akin dati.

Dati. Nung kaibigan pa ang turing nya sa akin, o baka hindi naman talaga nangyari yun. Hindi naman nya ako tinuring na kaibigan. Inagaw nya ang hawak ko na paper bag at sinira ito dahilan para mahulog ang laman sa loob. "Bag? Kelan ka pa natutong bumili ng mga ganito bag, Kang?" Tanong nya sa akin pero hindi ko sya sinagot, pilit ko iyong kinukuha pabalik pero itinataas nya para hindi ko maabot.

"Ibalik mo na Jaehyung" pakiusap ko sa kanya pero nginitian nya lang ako at mas lalong itinaas ang bag na hawak nya. Maya-maya ay inihagis nya ito at sinalo naman ng mga kasama nyang paparating pa lang ngayon.

"Wala si Jimin? Wala ata ang Superhero mo Kang" pinagpasa-pasahan nila ang bag na parang bola habang ako ay pilit na kinuha sa kanila. Nang makabalik kay Jaehyung ang bag ay bigla nya akong tinulak ng malakas kaya napaupo ako sa kalsada. Nagtawanan naman ang mga kasama nya. "Jimin eodiseo?" Tanong nya ulit sa akin pero hindi ko sya pinansin. Tumayo ako at kinuha sa kanya ang bag na binili ko para kay Sarang dahilan para mas lalong magalit si Jaehyung sa akin. Muli nya akong ipinaharap sa kanya at sinampal kaya napaupo ulit ako sa sahig.

"Kapag tinatanong kita sumagot ka!"sigaw nya sa akin. Ramdam ko ang pamamanhid ng pisngi ko dahil sa ginawa nya, nakatingin na lahat ng dumadaan sa amin pero wala syang pakielam. Nakatingin si Jaehyung sa akin na para bang ako na ang pinakamasamang tao sa buong mundo. Nang makita nila na padami na ng padami ang tao ay niyaya na sya ng mga kasama nya at tumakbo na sila.

Pinilit kong tumayo pero nawalan ako ng lakas dahil sa ginawa ni Jaehyung sa akin.

---
🙈



The Main DancerWhere stories live. Discover now