9 장

2.3K 148 33
                                    

9 장

"Ms. Kang, padala naman nitong mga assignments nyo sa faculty" sabi sa akin ni Mr. Seo kaya agad akong tumayo at lumapit sa teacher's table na nasa harapan. Kinuha ni Mr. Seo yung mga gamit nya at kinuha ko rin yung mga reaction paper namin at saka sumunod sa kanya sa faculty room.

Pagkadala ko nung nga assignments namin sa faculty room ay nagpasalamat si Mr. Seo at naglakad na ako pabalik ng room namin.

Bago ka makabalik sa room namin ay dadaanan mo yung Gym at nung dumaan ako doon ay nakarinig ako ng ingay kaya nacurious ako at sumilip. Nakita kong naglalaro ng basketball sila Jimin at kalaban nila si Han.

Pumasok ako ng gym at nanood ng laro nila. Hawak ni Jimin ang bola at idinidribol ito habang nasa likod naman sya si Han. Umikot si Jimin at natapik ni Han yung bola kaya nabitawan ito ni Jimin at naagaw nya.

Mabilis na tumakbo si Han at agad nyang naishoot yung bola sa court nila. Nagsi-apir si Han at ang nga kasama nya habang sinisisi naman nila Jaehyung si Jimin dahil nabitawan nya yung bola.

Napa-angat ang tingin ko sa score board sa itaas at 50-52 ang score, lamang sila Han ng dalawang puntos.

Muli silang naglaro, ngayon si Han naman ang may hawak ng bola at si Jimin ay nasa unahan nya na matindi ang depensang ipinapakita. Parang nagsasayaw ni Han at ganun din si Jimin, umabante si Han at nagkunyaring magshohoot kaya agad na iniharang ni Jimin yung kamay nya pero ipinasa ni Han yung bola sa kasama nya at naishoot nya ito.

(Unnie's Note: Fan po ako ng Philippine basketball especially Gilas at Global Port dahil nandoon ang aking Byby (pronounce as Bibi) si Terrence Bill V. Romeo. Yun lang walang may paki XXD)

Lalong lumamang sila Han hanggang sa isushoot na nya yung bola kaso naharangan sya ni Jimin at naagaw niti ang bola. Agad na tumakbo si Jimin sa court nila at nagshoot, 3pts!

Lumapit sa kanya sila Jaehyung at nagapiran sila.

"Ara!" sigaw ni Han at nakita ko ang paglingon ni Jimin sa direksyon ko. Tumakbo papalapit sa akin si Han at ngumiti sya ng nasa tapat ko na sya.

"Kanina ka pa nanonood?" tanong nya, umiling ako saka nagbow sa kanya. "Ah sige, papasok na ako" sabi ko sa kanya pero bago pa ako tuluyang maka-alis ay nahawakan nya ako sa braso para pigilan akong umalis. "Galit pa rin ba?"
Binawi ko yung braso kong hawak nya saka muling umiling. Muli akong nagbow sa kanya at saka tumalikod na.

"Ara!" may tumawag ulit sa pangalan ko kaya lumingon ako at nakita ko si Jimin na tumatakbo papalapit sa akin. Nung makalapit na sya ay agad nyang hinawakan ang braso ko saka ako hinila papalayo kay Han. Ng makarating kami sa isang bench na malapit sa labas ng gym ay binitawan din naman nya yung braso ko.

Tumingin ako sa kanya at bakas sa mukha nya ang pagod, medyo naghahabol pa sya ng hinga at pawis na pawis pa sya. "May practice tayo mamaya ah" sabi nya. Tumango ako at dahan-dahang kinuha yung panyo ko sa bulsa ng palda ko pero hindi ko agad inabot sa kanya, itinago ko iyon sa likuran ko.

"Kita na lang tayo sa studio, baka magextend kami kay Mrs. Lee mamaya eh" nagsabi kasi si Mrs. Lee na kailangan naming maghabol ng lessons kaya mageextend kami mamaya sa Math.

Si Jimim naman ang tumango "Basta pumunta ka ha"

Nahihiya kong inilabas yung panyo mula sa likod ko at inabot sa kanya. Nung una ay hindi nya maintindihan kung bakit ko sya inaabutan ng panyo pero na gets din nya.

"Pwede bang ikaw na lang yung magpunas? Ano kasi eh" paki-usap nya. Nagdalawang isip pa ako kung pupunasan ko sya pero nakakaawa naman yung itsura nya kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinunasan yung mukha nya gamit yung panyo ko.

"Gomawo, Ara" pasasalamat nya ng matapos kong punasan yung pawis nya. Tumango ako at nagbow din sa kanya.

"Sige papasok na ako" paalam ko at nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya. Narinig kong tinawag na sya nila Jaehyung dahil hindi pa daw tapos ang laro nila.

***
Hinihingal ako pagdating ko sa labas ng Dance studio na pagpaparaktisan namin ni Jimin. Tinakbo ko kasi mula school hanggang dito dahil sobrang late na ako sa usapan namin.

Pagpasok ko ay agad na ngumiti sa akin yung nagbabantay sa counter at nagbow. Ngumiti din ako ssa kanya at nagbow din. Medyo close na kami ng mga tao dito dahil kahit wala kaming practice ni Jimin ay nabalik ako para magsayaw mag-isa. Dati ayoko ng nagsasayaw pero ngayon parang naadik na ako. Ewan ko ba, basta parang may something sa pagsasayaw na nakakapagpasaya sa akin.

"Alam mo kamukha mo talaga yung bunsong anak ni Mr. Shin, sigurado ka bang hindi ka taga dito?" ulit na tanong nya sa akin. Palagi nyang sinasabi na kamukha ko daw yung bubsong anak nung may-ari ng studio na to, pareho daw kami ng mata at labi pati ilong. Lalong lalo na yung mga ngiti namin parehong-pareho, palagi ko rin namang sinasabi sa kanya na malayo ang bahay namin dito at baka nagkataon lang na magkagawig kami.

"Ayan ka na naman, hindi nga ang kulit mo" sagot ko sa kanya. Tinignan nya akong mabuti at napakamot na lang sya sa batok nya.

"Pero hawig mo talaga eh, parang pinabatang ikaw" dagdag nya pa. Ngumiti na lang ako sa kanya at nanlaki yung mga mata nya. "Oh ayan oh, Sarang na Sarang" komento nya. Nagpaalam na ako sa kanya dahil hindi nya ako titigilan sa kakatanong.

Pumasok ako ng studio pero agad dinh napahinto ng makita ko si Jimin na nanonood sa isang babaeng nagsasayaw sa gitna.

Ballad yung sinasayaw nya at kahit kakapanood ko palang ay ramdam ko na yung emosyon na gusto nyang ipadama.

Napadako yung tingin ko sa malaking salamin sa harapan at kita ko kung paano mamangha si Jimin doon sa babaeng nagsasayaw.

Habang nakatingin ako sa salamain ay nakita ko ang sarili ko. Walang-wala pala ako kung pagtatabihin kami nung babaeng nagsasayaw. Kahit pawis na pawis na sya ay lutang pa rin yung ganda nya at ang ganda rin ng katawan nya.

Napukaw yung pag-iisip ko ng pulakpak si Jimin kaya napatingin sa kanya yung babaeng nagsasayaw, agad naman akong usog sa gilid para hindi nila ako makita.

"Nandyan ka pala? Kanina ka pa ba?' agad na tanong nung babae kay Jimin, nilapitan naman sya nito at agad na inabutan ng towel.

"Hindi naman, sakto lang para mapanood ko yung pagsasayaw mo" sagot ni Jimin. Bakas sa boses ni Jimin na masaya sya. Umupo sila sa sof na nasa gilid at pinagpatuloy nila yung kwentuhan nila.

Pakiramdam ko hindi na ako kailangan dito kaya tumalikod na ako. Bahala na kung anong idadahilan ko kay Jimin bukas kung bakit hindi ako nakapunta. Basta gusto ko ng umalis. May mabigat na kung ano sa dibdib ko.

Bagsak ang balikat ko habang naglalakad palabas ng makita kong papasok si Han ng Studio habang nakalagay pa yung dalawang kamay nya sa mga bulsa ng pantalon nya.

Agad syang ngumiti ng makita ako" Ara! Nandito ka din pala? Tara samahan mo akong sumayaw!" sabi nya sabay hila sa akin papasok ulit ng studio pero natigil din sya ng makita si Jimin at yung babaeng kasama nya na naka-upo sa sofa.

Napatayo yung babae at halatang nagulat sya sa pagdating namin. "Han?" tanong nya.

"Jinri" sabi naman ni Han kaya napatingin ako sa kanya pero agad ding ibinalik dun sa tinawag nyang Jinri.

Bakit nung nalaman kong si Jinri yung babae parang mas bumigat yung nasa dibdib ko?

----------------

Sorry sa Typos -_-



The Main DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon