24 상

1.8K 93 21
                                    

24 상

"Anong mas maganda Ara, Pink o Violet?" Tumigil ako sa paghahanap ng pandikit at nilingon si Jimin na nasa kabilang section ng tindahan na pinuntahan namin. May hawak-hawak syang pink at violet na crepe paper sa magkabilang kamay nya.

"Ano bang kulay ang gusto ni Jinri?" Tanong ko sa kanya at naglakad sya papalapit sa akin habang dala-dala ang mga papel na iyon.

"Pareho" sagot nya sa akin at nagtama ang mga paningin namin.

"Pareho? Edi kunin natin yang dalawa" sabi ko sa kanya at ngumiti naman sya at tumango, bumalik ako sa paghahanap ng pandikit na pwede naming gamitin sa pag-aayos ng isang lugar mamaya.

Mahigit isang linggo na rin naming inaayos ni Jimin ang lugar na iyon para kay Jinri. Gusto daw nyang maging memorable ang lugar na iyon sa kanilang dalawa lalo pa't tatanungin na ni Jimin si Jinri kung pwede nya itong maging girlfriend.

At mula nung simulan namin ang plano nya hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang hindi mainggit kay Jinri. Syempre, si Park Jimin ang usapan dito, hindi dahil sa sikat si Jimin o ano pero dahil si Jimin na kahit ano gagawin para sa isang babae ang may gusto sa kanya.

"Akin na Ara" sabi ni Jimin sabay kuha mula sa kamay ko yung plastic kung saan ng mga pinamili namin. Aangal pa sana ako kaso nakuha na nya at inilagay na nya sa basket sa harapan ng bisekleta nya ang mga ito. Naunang umalis si Jimin keysa sa akin at napatitig ako sa likuran nya. Ang dami ng pagod, oras at pera ang nagamit ni Jimin para kay Jinri sana naman magging maayos ang lahat. Kinuha ko yung bisekleta ko mula sa pagkakapark nito at sumunod sa kanya.

Pagdating ko sa lugar na iyon ay nagsisimula na si Jimin na maggupit ng mga idadagdag namin para mas gumanda yung lugar na ito. Meron kasing isang maliit na park malapit sa studio nila Ara at palagi raw napunta si Jinri doon kapag wala itong practice ng sayaw kaya naisip ni Jimin na doon na lang din nya surpresahin si Jinri.

Lumapit ako sa kanya at nagsimula ring tumulong sa kanya. Konti na lang naman ang idadagdag namin, to kasing si Jimin gusto nya maging bongga yung lugar kaya kung anong maisip nyang ilagay ay inilalagay namin.

Mahigit ilang oras din kaming nagdikit ng mga kung ano-ano at dumating na rin yung mesa at upuan na hiniram namin para dito sa surpresa nya kay Jinri kaya napagpasyahan namin na ayusin na rin ito.

"Maaga tayo bukas Ara ah" paalala nya sa akin ng makarating kami sa bahay. Inihatid nya ako dahil gabi na at baka mapagalitan ako ni Umma kahit na ipinagpaalam naman nya ako kanina.

Tumango ako bilang sagot saka ngumiti, kita sa kanya na excited na sya sa mangyayari bukas. Nagpaalam na ako na papasok na ako kaya umalis na rin sya.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-ayos. Tumulong lang ako saglit sa Ramen shop bago nagpaalam na may pupuntahan kami ni Jimin ngayon at baka gabihin ako. Pumayag naman si Umma, kilala naman nya si Jimin at may tiwala si Umma sa kanya.

Dumiresto ako sa isang flower shop para kunin yung isang boquet ng roses na inorder namin ni Jimin kahapon, nagpunta rin ako sa isang restaurant para kunin din yung order namin ng pagkain nilang dalawa. Matapos nun ay dumiresto ako sa lugar na iyon.

Inayos ko yung mga pagkain at bulaklak dahil malapit na rin dumating si Jimin at Jinri. Umupo muna ako sa isa sa mga upuan at pinagmasdan yung ginawa namin. Meron din kayang gagawa ng bagay na ganito sa akin?

"Neh, meron yan" nagulat ako ng may sumagot sa tanong ko. Nakita ko si Jimin na nakaupo sa tapat ko at inaayos ang buhok nya.

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko kay Jimin pero nginitian nya lang ako at pinagpatuloy yung pag-aayos ng buhok nya. Tumayo ako at lumapit sa kanya,  inayos ko yung buhok nya dahil nanginginig ang mga kamay nya.

"Akala ko ba hindi ka kakabahan?" Tanong ko sa kanya na may halong pang-aasar. Paano nung nakaraan nya pa sinasabi na hindi sya kakabahan kapag dumating ang araw na ito pero ngayon pa lang ay nanginginig na sya.

"A-aniyo! Hindi kaya ako kinakabahan" pagtanggi nya sa akin kaya napatawa ako. Lumayo ako sa kanya para tignan kung maayos na yung buhok nya ng mapansin kong hindi maayos ang kwelyo ng polo na suot nya. Lumapit ako sa kanya at natigilan naman sya.

"Jinjja? Kaya pala pati kwelyo ng damit mo hindi maayos" bulong ko sa kanya habang inaayos yung damit nya. Nakita kong namula sya sa ginawa ko kaya napatawa ako.

"Yah! Kelan ka pa natutong mang-asar! Aissh Ara naman! Kinakabahan na nga ako dito eh!" Napailing naman ako sa sinabi nya, umamin din. Narealize din nya yung sinabi nya at pareho kaming natawa.

Napansin kong medyo nadilim na kaya kinuha ko na yung mga ibang kalat.

"Jimin" tawag ko sa kanya at napalingon naman sya sa akin.

"Neh?" Ngumiti ako sa kanya at "Fighting!" Pagchecheer ko sa kanya, ngumiti din sya pabalik at tumayo na dahil naaaninag na namin si Jinri.

Umalis na ako sa lugar na iyon at iniwan na si Jimin. Alam kong kaya na nya iyon kaya hindi na nya ako kailangan doon pero hindi pa ako nakakalayo ng may maramdaman akong hindi maganda. Parang may nagsasabi sa akin na wag akong umalis sa lugar na iyon kaya umupo na lang ako sa isang bench at sa bench na iyon ay tanaw ko si Jimin na nakatayo at hawak yung boquet ng Roses habang si Jinri ay naglalakad na papalapit sa kanya.

Ewan ko pero sa bawat paghakbang ni Jinri papalapit kay Jimin at nasakit ang puso. "Ah jinjja Ara, hindi kayo pwede Jimin ano ka ba!" Sabi ko sa sarili ko at napalingon sa nangyayari sa dalawa. Nakita kong umiling si Jinri kaya napatayo ako sa kina-uupuan ko at hindi ko napigilang maglakad papalapit sa kinaroroonan nila.

"Seryoso ka Jimin?" Narinig kong tanong ni Jinri at tumango naman si Jimin. Alam kong mali tong ginagawa ko pero parang may sariling isip yung mga paa ko at kusa silang naglalakad papalapit.

"Jinri saranghae" pakiramdam ko para akong sinaksak ng sabihin iyon ni Jimin kay Jinri. Tumingin ako kay Jinri at mukhang hindi nya nagustuhan yung sinabi ni Jimin.

"Mianhe Jimin pero si Han pa rin ang mahal ko" pagkasabi ni Jinri nun ay naglakad na sya paalis. Pagkaalis ni Jinri ay nagsimula namang pumatak ang ulan. Nilapitan ko si Jimin para sumilong pero nanatili lang syang nakatayo doon.

----
Kill Jinri for Ara please!

Hello!

The Main DancerWhere stories live. Discover now