Epilogue

1.3K 43 13
                                    

Dahyun.

Kasabay ng malakas ang putok ng baril ang pagbagsak sa semento ni Sana.

Halos mapugto ang hininga ko sa nakita ko at halos gumuho ang mundo ko sa pagpatak ng kanyang luha bago tuluyang pumikit.

"Sana!" halos walang boses na nasambit ko.

"Walangya ka anong ginawa mo!" sigaw ni Dana bago lapitan si Sana.

"H-hindi ko sinasadya." tila nanghihina at nabalik sa kaloobang saad ni Vernon na akmang lalapit sa amin.

"Wag kang lalapit! Hayop ka." galit na galit na saad ko.

Kasabay ng pagdating ng mga pulis na tinawagan namin ni Dana bago kami tuluyang lumabas kanina. Pinosasan at dinala nila si Vernon sa presinto.

"Call a damn ambulance!" sigaw ni Dana.

"Sana, please. Keep fighting, love." umiiyak na saad ko.

Namantyahan na ang suot ko ng dugo na nagmula sa sugat ni Sana pero yakap ko parin siya habang patulog na umiiyak.

Hanggang dumating ang ambulansya para dalhin siya sa ospital.

Pagdating namin sa ospital gustuhin ko man pumasok sa ER ay hindi na kami pinapasok.

Nanghihinang niyakap ako ni Dana habang patuloy parin ang iyak ko.

"She will be alright, mom. Appa was a strong woman." pagpapakalma sa akin ni Dana.

Tanging iyak na lamang ang naisagot ko dito.

Buong pagkatao ko ay nilamon ng pag aalala at takot na mawala siya.

Hindi ko kakayanin kung may mawala siya, hindi kailan man madaling bitawan ang taong minahal mo buong buhay mo.

Andami kong kasalanan at kinuha kay Sana mula pa 'noon. Mula sa kalayaan niya, pagpili ng mamahalin, mga pangarap at mga kaligayahang naialis sa kanya sa kanya para lang manatili sa tabi ko.

Doon ko siya natutunang mahalin ng buo, na kaya ko lahat harapin dahil alam kong nandyan lang siya sa tabi ko.

Maging ang pagmamahal niya sa anak ko na parang anak narin niya, pag aalaga at sakripisyon ng magkasakit si Dana.

Now, how can I survive this life if I will just gonna lose her this early?

My life is so toxic before I've met her, I am a hopeless case but she came, she solved it and make feel intoxicated.

Dana.

Atty. Dana Sabrina Kim Minatozaki

Tulala akong nakatingin sa pangalang nakalagay sa lamesa ko at napailing.

Malayo narin pala ang narating ko, madami na akong pinagdaanan at mga nilampasang problema.

Nakita ko na naman ang sarili ko na nag iisip kung gaano ako pinagpala ng Diyos mula ng mabuhay ako sa mundo.

Mula sa pagkakaroon ng mababait at mapagmahal na magulang hanggang sa extended part ng family wala na kong masasabi.

Intoxicated|SaiDaWhere stories live. Discover now