12 : Birth

2.2K 71 43
                                    

Sana.

4 months later...

1 week na akong nakaleave kasi ano mang araw or oras pwede ng manganak si Dahyun.

I was just typing my hands on works on my laptop habang siya nasa sala.

Nanonood naman ngayon ng K-Drama. Tapos na ang paglilihi ni Mayora at ang panganganak na lang niya ang iniisip ko.

Iniisip ko padin yung usapan namin ni Appa nung Gender Reveal Party.

Kaso yung utak ko nakastick sa unang plano na aalis ako pagkaisang taon ng kasal namin para mag aral. Magdidivorce narin kami.

Pero yung puso ko taliwas sa kagustuhan ng utak ko. Mahalaga si Dahyun at siya lang ang pumipigil sa plano kong umalis.

Haven't decided yet because I still don't know what I feel towards her or if she feels the same.

Madami pang kailangang alalahanin after Dahyun's birth.

And I know hindi magiging madali ang lahat.

Dahil aminado ako na mahihirapan akong iwanan siya.

Parang hindi ko yata lubos maisip na maiwan siyang mag isang nagpapalaki ng anak niya.

Pinanagutan ko na siya kaya alam ko ang responsibilidad ko kahit na alam kong kasunduan lang 'to.

It's my ego that's why I just can't still decide.

"Sana!" nabalik ako realidad ng marinig ko si Dahyun.

Agaran akong pumunta sa sala para makita siya.

"Bakit?" agad na tanong ko.

"Manganganak na ko!" hiyaw niya.

Nakita ko ngang may tubig na dumadaloy sa binti niya. Pumutok na yung panubigan niya

Madali kong kinuha ang wallet at susi ng kotse ko bago ko siya buhatin.

"Kalma ka na lang muna okay. Bibilisan ko na." saad ko ng makasakay kami ng sasakyan.

Agad inistart ang kotse tsaka dinukot ang phone ko para tawagan si Mina.

Calling Myou Mina...

"Unnie?"

"Mina, listen. Manganganak na si Dahyun papunta na kami sa ospital niyo paki-abisuhan ang mga staffs niyo please."

"Alright. Bye."

Call Ended.

Tinawagan ko din si Appa para abisuhan narin silang manganganak na si Dahyun.

Hinawakan ko ang kamay ni Dahyun habang nagmamaneho ako.

"Dahyun, kaya pa? Malapit na tayo." pagpapakalma ko sa kanya.

Sa totoo lang maging ako kinakabahan na ako.

Pagdating sa ospital agad na isinakay ng stretcher si Dahyun.

"Wag mo kong iiwan." sabi niya habang tinutulak ng mga nurse yung hinigaan niya ngayon.

"I'm here. Kalma ka lang. Makikita natin si Baby." pagpapakalma ko sa kanya.

Dahil aware na lahat ng staffs sa panganganak niya itinuloy na siya sa operating room.

"Ma'am dito na lang po muna kayo sa labas. Kami na pong bahala sa kanya." sabi ng doctor.

Namamawis ang mga kamay ko. Kinakabahan ako sa kanilang dalawa. Sana maging safe sila.

"Sana!" napalingon ako ng may tumawag sa akin. Ang mga kaibigan pala namin.

Intoxicated|SaiDaOnde histórias criam vida. Descubra agora