40 : Answered Prayers

1.5K 44 20
                                    

Sana.

"She's fine. And the operation is successful. She's in the recovery room now and any minute dadahilhin na siya dito sa room niya." nakangiting sabi ng doctor. "Ilang test nalang ang dadaanan to see kung wala ng kumplikasyon." he added.

Napayakap nalang si Dahyun sa akin ng marinig namin yung sabi nung doctor.

"Malakas siya sa taas. Hindi siya pinabayaan." bulong ko sa asawa ko habang yakap yakap ko siya.

Yung bigat sa kalooban, tuluyan ng nabawasan.

Yung kahit alam mo na may kapalit ang lahat, hindi mo maiiwasang maging masaya sa kalagayan niyang naayos na.

Alam kong kay Dana na namin pinaikot ni Dahyun ang lahat lahat sa buhay namin.

Marami naring nangyare, mabilis na lumipas ang mga araw.

Kapag nga pala naging magulang ka, nakakalimutan mo ng maging makasarili para sa anak mo.

"Daddy!!" I heard Dana shouted while she was sitting in her wheel chair.

It's been 2 weeks since her operation happened.

Ang bilis diba? Nasa bahay na kami sa ngayon.

Unti unti ng bumabalik yung dating sigla ng pamilya namin.

Ilang test padin naman ang pinagdaanan ni Dana bago siya tuluyang i-discharge sa ospital.

Hindi pa siya nakakalakad dahil masakit padin yung tagiliran niya.

Sabi naman ng doctor mawawala din naman yun sa paglipas ng mga araw.

"Ano nanamang sinisigaw mo aber?" singit ni Dahyun.

"Mythic na dad!! Mythic naaaaaaa!" saad niya with matching taas pa ng phone niya.

"Sige, ML pa." saad naman ni Dahyun ng di siya pansinin ni Dana.

"Naadik kana ah, naiwan mo ko. Grandmaster 1 pa lang ako." natatawang sabi ko at ginulo ang buhok niya.

Yun kasi ang naging libangan niya sa loob ng dalawang linggong asa bahay siya dahil muna siyang gumalaw galaw pa.

"Mas mataas padin yung kay Ego." nakapout na sabi niya.

"Kayong mga bata kayo, pati mga daddy niyo naidadamay niyo sa ML na yan." asar na sabi ni Dahyun.

"Mommy, wag ka namang KJ. Ngayon lang naman eh." nakasimangot na sabi ni Dana.

"Ayan, mana ka sa ama mo." ungot naman ni Dahyun.

"Wala akong ginagawa dyan. Kita niyong nagtatrabaho ako dito." tatawa tawang sabi ko.

Nagla-laptop kasi ako dahil may pinasang works sa akin si Irene unnie galing sa firm.

"Anyways, plans for school?" biglang tanong ni Dahyun kay Dana.

Nagkibit balikat si Dana sa isasagot niya kaya sumenyas si Dahyun na kausapin ko na muna yung anak namin.

Nag aayos kasi si Dahyun ng mga pinamili namin sa grocery.

Pinalapit ko si Dana dito sa may sofa para kausapin siya sakay padin ng wheel chair.

"Narinig mo mommy mo. After holidays, balik na ulit sa school. Ilang buwan ka ding nawala." saad ko.

"Hindi ko pa talaga alam, Dad eh. Ayoko muna sanang bumalik ng institution dahil nahihiya nadin ako na isang buwan palang ako dun nawala agad ako. Sa dati ko namang school di ko pa alam kung pano haharapin sila Irly." mahabang sagot niya.

After ng operation niya hindi na siya naantay ni Irly. Umalis kasi yung bata dahil sinundo ng mga magulang niya, ang alam ko magbabakasyon sila dahil nga magpapasko.

It's December 23 already and we've decided na dito lang kami sa bahay magpapasko.

"Eh how about bumalik ka na lang sa dati mong school. Mas okay na yun anak, magiging normal na ulit yung lahat. Pagaling kana din naman." suhestyon ko sa kanya.

"But dad, how about Vernon Chwe? Before the operation he just said that I'll be in his custody." napahinto naman ako sa sinabi ni Dana.

Matapos ang operasyon hindi na kami nagkausap ng maayos ni Vernon.

Hindi pa naman na-approve yung mga papeles dahil hindi pa yon na process.

"Hindi ko alam anak eh. Let's just be thankful na hindi siya nanggugulo." sabi ko naman.

Alam ko, anytime baka nga dumating siya dito para kunin sa amin si Dana.

Mainit ang dugo sa akin ng taong yun, pero nagipit na ko nung kinailangan siya ni Dana.

"Puntahan ko lang sa kusina yung mommy mo." paalam ko kay Dana.

Tumungo ako sa kitchen ng bahay namin at niyakap mula sa likuran si Dahyun.

"I love you." I whispered at pinatong ang baba ko sa balikat niya.

Binitawan naman niya yung mga inaayos niyang items at hinawakan niya ang mga kamay ko na nakapulupot sa kanya tsaka ako hinarap.

"I love you more." nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa labi.

Marami na kaming hamon na hinarap ng magkasama.

Mula pa nung ipinagbubuntis pa lang niya si Dana hanggang ngayong kasal na kami at malaki na yung anak namin.

"Dana will be back to the university. Sa dati niyang school this January, love." saad ko.

"Mabuti nga at dun nalang. Hindi naman siya mahihirapang makahabol. Matalino naman si Dana, mas marami padin ang insentive grades niya kesa sa mga panahong wala siya." tugon ni Dahyun.

Tinitignan ko lang si Dahyun habang nagsasalita.

Nakakaramdam nanaman ako ng hindi normal na feels eh. Sign na inlove na inlove padin ako sa asawa ko.

"God knows everything I would need. Look at you, you're an answered prayer for me." wala sa wisyong sabi ko.

"Hoy attorney! Matanda kana hindi kana teenager para bumanat ng ganyan 'no." nagpipigil ng kilig 'tong si Dahyun eh, nakakagat sa labi at pinipigilang ngumiti.

"15 years mahigit na tayong kasal nagtatago ka padin ng kilig mo." pang aasar ko.

"Che. Bolera kapa din. Wag mo kong paandaran ng pagiging playgirl mo nung adulting age kapa. Di na uubra, may anak kana." natatawang sabi niya.

"May epekto padin naman kita mo nga! Kinikilig ka." tumatawang sabi ko.

"Oo na, may epekto nga. Lumayas ka dyan 'no. Nagliligpit ako mamaya kana lumandi." natatawang sabi niya at binato ako ng isang balot ng napkin. Aba.

"Aray ah. Napkin talaga? May period ka, di ako makakascore mamaya?" may sa nakakalokong sabi ko sa kanya.

"Manyak! Yung anak mo, nasa sala lang kung anu ano lumalabas sa bibig mo." bulyaw niya sa akin.

"Hey lovebirds! Dinig ko na. Sanay na po ako. Pakainin niyo na lang ako, gutom na kaya ako." rinig kong sabi ni Dana mula sa sala.

"Kita mo yung anak mo. Mana sayo, medyo bossy. Medyo lang." asar ko kaya nahampas ako agad netong asawa ko.

"Umalis ka na dyan. MagML ka dun! Wag mo kong ginugulo." bulyaw niya na tinawanan ko lang.

Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi tsaka tumakbo sa sala.

Mag-eML na lang muna ako. Sabayan ko si Dana naiiwan ako sa rank.

Pero laking pasalamat ko, hindi biro yung hinarap ng pamilya ko buti na lang talaga nakikinig at dininig niya yung mga dasal ko.

Lalo na yung para sa mag ina ko.

----

Intoxicated|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon