26 : Her Love

1.9K 59 6
                                    

Sana.

Masaya ako at nakaayos kami ni Dahyun.

Buti nalang hinayaan niya akong mag explain. Hindi siya naging padalos dalos sa mga bagay bagay.

Dahyun really loves me, no doubt.

How could I ask for more if my wife and my daughter are enough?

Nag uumpisa pa lang kaming harapin ang mga pagsubok at sisiguraduhin kong kakayanin namin.

"Sige na. Lapitan mo na yung anak mo, hindi ka naman matitiis niyan." sabi ni Dahyun sa akin.

Si Dana nagtatampo pa alam ko. Busy siya sa cellphone niya ngayon.

"Sa kusina lang ako. Magluluto ng meryenda niyo." paalam ni Dahyun.

Di ko kasi nakausap si Dana kagabi kase agad siyang natulog.

Pagkatapos kauuwi ko lang ngayon galing sa cafe ni Nayeon unnie dahil pinagbantay ako dun. Kagaleng ni Nayeon unnie may crew naman siya pati ako dinamay.

May trabaho kasi siya sa office so sa akin nakiusap. Hindi naman pwede si Jihyo, buntis siya.

Agad kong tinabihan si Dana at hinatak ang phone niya tsaka ko binulsa.

"Are you still mad at daddy?" tanong ko kay Dana.

"Yes." seryosong tugon niya.

"Baby okay ni Mommy mo, wala naring masyadong work si Daddy. Bati na tayo, miss ko na yung little tofu ko." ewan ko kung bakit ako naiiyak.

Hindi naman kasi kami nagkakatampuhan ni Dana ng ganito katagal noon eh.

"Dad, are you about to cry?" tanong niya at biglang yumakap sa akin. "Hindi na po galit si Dana, sorry dad." I feel melted kapag ganyan yung anak ko.

Mahal na mahal ko 'tong si Dana na para bang anak ko na talaga siya, isa na siya sa kahinaan ko.

"You know I love you right? Kayo ng mommy mo." bulong ko sa kanya habang nakayakap sa akin.

"We love you too daddy." she answered.

"Ano yan, nagyayakapan hindi ako sinasali." rinig kong sabi ni Dahyun at may dala dalang meryenda.

"Come here mommy, join us!" ayan nanaman si Dana, napaka-energetic.

Agad tumabi si Dahyun kay Dana kaya in the end nakapagitna yung batang makulit.

"Malapit na birthday mo, did you prepare everything?" tanong ko sa kanya.

"Yes, daddy." nakangiting sabi niya.

"Ilang days na lang yun. By next week bibili na tayo ng damit na susuotin mo." bilin ni Dahyun sa kanya.

"Ih, meron na po eh. Nagpabili po ako kay Grandpa Steve ng tatlong Spongebob shirts. Tig iisa po tayo." sagot naman netong batang madaldal.

"Wow ah, prepared ka masyado." sabi ko tsaka ginulo yung buhok niya.

"Yaah! Daddy, my hair!" she pouts.

Ayaw niya talaga ng ginugulo yung buhok niya. Daig pa lalaki eh.

"Come let's eat." yaya ni Dahyun.

Nakalagay na pala sa center table yung mga pagkain.

Kinagabihan maagang pinatulog si Dana kase maaga siya susunduin nila Mina at Chaeyoung mag e-early treat daw sila kay Dana for her birthday.

Paano ba naman kasi may isang linggo na lang kami before yung party niya.

Intoxicated|SaiDaOnde histórias criam vida. Descubra agora