37 : The Last Option

1.1K 55 19
                                    

Sana.

"Sana, may sakit siya at halos mamatay na siya pero bat ngayon ko lang nalaman?" nagpapanic na sabi ni Vernon.

Yes, magkasama kami. Nagkita kami sa park malapit sa ospital. Tinawagan siya Eunwoo oppa para sa akin.

"Nagpapanic narin kami. Ayaw din ni Dahyun at Dana na lumapit sayo anong gusto mong gawin ko?! We've been finding any other way para di na lumapit sayo and wala na kong choice kaya ako nandito." I blurted out.

"Kasalanan ko pa yon, Sana? Anak ko rin si Dana, wala ka ngang karapatan sa anak ko eh. Ako padin yung tatay niya, magkadugo padin kami pero ano na? Napabayaan niyo yung anak ko oh." panunumbat niya.

"You don't have the right to say that. Sa mata ng batas at Diyos alam natin na napakawala mong kwentang tatay. You left Dahyun hanging before and what do you expect when you came back, that you'll have a family together? Hindi namin siya pinabayaan, we gave all the love and care for Dana. Everything that she needs, that's why she's now contented without having you." madiin na sabi ko.

"Except of having a father. Nakakahiya yon, na yung pamilya na binigay niyo sa kanya ay immoral? Isang malaking kasalanan, nakakadiri." pang aalipusta niya.

Those words just gave me a cue to punch him.

"Shut the fuck up. I'm here to ask for help. Not to be insulted by the man with no affirmation. You're pointing out that we gave OUR daughter with not so normal family and bullshit, may I remind you, you are the reason why Dana have this family? Don't say any kind of insult knowing that behind of this called immoral by you is your own medicine. Jerk." naiinis na sabi ko.

"You need me Sana. Y'all need me for the sake of Dana." sumbat niya.

"Yes, we need you. Be a father just for this time." matalim na sabi ko.

"Then I will do the transplant for Dana." mayabang na sabi niya.

But then, as expected may kasunod.

"I will do it for her in one condition." saad niya.

"Ano yon?" saad ko.

"Hayaan mo kong makalapit sa kanya and legalize the papers saying that I am really his father." he smirked. "Minatozaki, take it or leave it." he added.

I clenched my fist hearing that condition.

Kapag pumayag ako, mawawalan ako ng karapatan kay Dana.

Mas masakit eh baka magalit si Dahyun sa gagawin ko.

Baka mawala sa akin yung pamilya ko.

Maaring tuluyan ng mawasak yung binuo kong pamilya.

But I remember who I am right now, I'm a wife and a parent. I have to decide way better.

All I want is to make Dana's life longer.

I really wanted to make my wife and daughter happy.

"Take it." I spoke. "But let me tell Dahyun everything before making a move." I added.

"No. Call your connections, Sana. Dun din ang punta non. Naniniguro lang ako." segunda niya.

"Fine. I'll go ahead. Tatawagan nalang kita kapag kailangan ka na sa ospital. Di pwedeng lumitaw ka ng basta basta dun, baka kuyugin ka ng mga kaibigan namin." banta ko sa kanya.

"Madali akong kausap, sumunod ka lang sa pinag usapan." he stated.

Hindi na ko nagsalita, umalis na ko at tumuloy na ospital.

Pagdating ko sa ospital, naabutan ko nanamang nagbabantay sa payapang pagtulog ng anak namin si Dahyun.

"Love, kamusta siya?" tanong ko.

"Umiiyak kanina, tinurukan nanaman ng gamot. Nagiging ganun nalang ang panghihina niya, Sana." nakita ko nanaman ang pagbabadya na pagtulo ng mga luha ni Dahyun.

"Let's go outside. I wanna tell you something." yaya ko sa kanya.

Matamlay siyang sumama sa akin sa labas ng kwarto ni Dana.

"Ano yon, love?" alalang sabi niya.

"I can't stand seeing you both suffering in this situation. So, I asked Vernon's help." panimula ko

"What?! Sana, you know how Dana and I don't want that. We're against with it." nadidismayang sabi niya.

"Mahalaga pa ba ang gusto niyo sa sitwasyon na 'to ngayon? May magagawa ba yung kagustuhan sa kailangan? Wag ako yung protektahan niyo, wag yung feelings ko ang alalahanin niyo. Ako yung haligi ng pamilyang 'to kaya dapat handa akong masaktan para sa inyo." katwiran ko sa kanya. "I don't want anything that you don't want but I'm still a parent, it's my responsibility to decide way better for my child. It's the last option Dahyun, I'm giving Vernon's right to be recognize as Dana's biological father so that he will help us for the transplant." dagdag ko.

Umiiyak na ko, pero pinatatatag ko ang sarili ko.

"You did too much, Sana. For 15 years you've been my strength, my life and I can still see you as my hero. From accepting me and Dana to your life and now, for sacrificing your rights and feelings just for us." umiiyak na sabi ni Dahyun. "Sana malaman mo na kahit magbago ang nakasulat sa papel, alam kong ikaw at ikaw padin ang kikilalanin niyang ama niya." she added.

"Mas mahalagang intindihin ko ang buhay niya kesa sarili ko, Dahyun. Kung kailangan kong lumayo na muna para tanggapin ni Dana si Vernon sa buhay niya. Hindi sa ipinamimigay ko sa kanya yung anak natin pero kahit ano namang gawin ko siya padin ang tunay na tatay ng bata." I explained.

"Thank you for always choosing the best thing for us. Don't worry, we will fight together. Hindi ako mawawala sa tabi mo, para kay Dana naman 'to sabi mo nga at mahal na mahal kita Sana sapat yon para matalo yung pagsubok na meron tayo ngayon." umiiyak paring sabi niya. Niyakap ko lang siya bago tuluyang bumalik sa kwarto ni Dana.

"Dad, Mom..." nanghihinang bungad sa amin ni Dana.

Agad akong lumapit sa tabi niya at hinalikan ang noo niya.

"Gagaling kana." I whispered.

"Really, Dad? How?" matamlay na sabi niya.

"Don't be mad at me okay? I asked your real dad's help. I asked him to do the transplant for you." panimula ko.

"Dad, diba I said na wag ka pong hihingi ng tulong sa kanya?" dun ko nakitang lumamlam nanaman ang mga mata niya.

"Anak, it's the right time to let him enter to your life. He's your real father, you have the same blood." paliwanag ko.

"But he left me and mom. He left my mom hanging before, I'm not dumb. I can't even last in a minute talking about him." she just tried to defend herself.

"Dana, hindi kita tinuruang maging matigas. Pagbigyan mo si Vernon, kahit para sa amin nalang ng mommy mo. Kailangan mo 'to, para madugtungan ang buhay mo at makasama ka pa namin ng matagal." I cried. "I miss your real smiles, laughs and real joy. I wanna go back in the days where I could hug you tight kase ngayon may mga pasa ka at masasaktan ka kapag niyakap kita ng mahigpit. Marami akong namimiss sayo at ang bagay na makakapagfullfil nalang non ay ang huling option na meron tayo." paliwanag ko pa.

Mahirap magdesisyon ng gaya nito pero magulang din ako eh. Kailangan ko padin pumasan ng mga pasakit kahit mahirap.

----

Intoxicated|SaiDaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz