23 : Mistake

1.7K 53 20
                                    

A/N : Kalma lang gays.

Sana.

"So this are your favorites?" tanong ng organizer kay Dana.

"Yep, I want a concept of having Spongebob plus the theme of photography." sagot ni Dana.

Nandito kami sa sala nakaupo kami ni Dahyun sa isang sofa habang si Dana katabi niya yung organizer.

Hinayaan kasi namin siyang pumili sa kagustuhan niyang magiging itsura ng party niya.

"Malaki na talaga siya. Look she's organizing her own party." sabi ko kay Dahyun.

"Nakakatakot isipin na hindi na siya ang baby natin. Lumalaki na si Dana." napapailing na sabi ni Dahyun.

"Kahit na tumatanda na siya. Siya parin naman ang nag iisang anak natin. Darating lang talaga ang araw na kailangan niyang tumayo mag isa ng hindi tayo kasama." sabi ko at hinalikan siya sa noo.

Si Dahyun mula ng nagkaroon kami ng anak lalong naging fragile ang pagkatao niya.

She seems soft pagdating sa amin ni Dana.

"Anong oras ka palang pupunta ng lawfirm?" tanong niya sa akin.

"Mamayang 1pm, kailangan ako dun about my current case." sabi ko sa kanya.

Naisip ko nanamang makikita ko ang pagmumukha ni Eunha.

It's 3 weeks since hinawakan ko yung case ni Ms. Jessica. So far maganda ang takbo ng kaso pero wala yatang meeting ng hindi sumasama si Eunha.

Hindi ko pa nasasabi kay Dahyun kase pareho kaming busy sa birthday ni Dana. 5 weeks nalang ang meron kami to fix it.

Ayoko munang pag isipin ng kung anu ano ang asawa ko.

"Kamusta ba ang progress ng case?" tanong niya.

"Okay naman. Makukuha sa iisang hiring na lang yun matatapos na." sagot ko.

Madalas akong wala sa bahay mula ng tumanggap ako ulit ng kaso.

Naiintindihan naman ni Dahyun yun, si Dana lang talaga ang laging humahanap sa akin.

"You're so busy this pass few days, alam mo bang may tampo yan sayo?" ungot ni Dahyun kay Dana na busy kausap yung organizer.

"I will make it up to her once na matapos ang case." I smiled at her. "I'll just upstairs to change my clothes." paalam ko sa kanya na tinanguan niya lang.

Umakyat ako ng kwarto namin para magbihis ng semi formal attire. Makikipagmeet ang Jung sa office ko sa firm kaya kailangan kong magsuot ng pormal na damit.

Pagkatapos kong magpalit agad akong bumaba sa may sala.

"Love, I have to go." paalam ko kay Dahyun at dinampian siya ng halik sa labi.

"Ingat ka. I'll see you later, I love you." she smiled at me.

"I love you more." sagot ko. "Dana, aalis na si Daddy okay? Take care of mommy." paalam ko at nilapitan siya tsaka hinalikan sa noo.

"Lagi ka namang umaalis, daddy eh." bulong niya na ikinalungkot ko.

Tinignan ko si Dahyun pero nagsabi lang siyang siya na ang bahala kay Dana.

Tipid akong ngumiti tsaka tumango sa kanya.

Umalis na ko ng bahay at dumiretso sa firm. Gaya ng dati busy ang lahat sa pag asikaso sa mga works nila.

Hindi ako dumiretso sa office kase may pinrint akong files at inabot ako ng isang oras.

Maya maya nagdecide akong tumuloy na ng office ko.

Intoxicated|SaiDaWhere stories live. Discover now