39 : Operation

1.2K 48 8
                                    

Sana.

"Ipapasok na siya sa operating room mamayang 10am. She'll stay there for almost 8 hours, kasama na daw po yung pag-stay niya sa recovering area." sabi ni Dahyun kina Appa ngayon. Nandito kasi silang tatlo na mga magulang namin, si Dana gising at hawak lang ang kamay ni Dahyun sa ngayon.

"We'll wait for you, Sabrina okay? Just keep on fighting." sabi ni Appa sa kanya.

"I will." she smiled at my Appa.

Pasado 8am palang naman bago sunduin si Dana para dalhin sa OR.

Pilit ko siyang binibilinan na maging matapang, alam ko hindi siguradong magiging successful ang operasyon but still we just chose to take the risk.

"Just pray and believe on Him, gagaling ka apo." Daddy Daniel adviced.

"Malakas ka sa kanya, Sab. Since you were a baby, hindi ka Niya pinabayaan kaya sana manalig ka." Dahyun's mom added.

Pinapalakas ng mga magulang namin ang kalooban ni Dana, habang si Dahyun tahimik na umiiyak dahil nakikita niya ang hirap sa mga mata ng anak namin ngayon.

"Lalabas lang ako sandali." paalam ko tsaka tinignan ng makahulugan si Dahyun.

"Sige, love. Ingat ka." Dahyun just smiled a bit.

Nilapitan ko siya tsaka hinalikan sa noo at sa labi.

Tumango lang naman ang mga magulang namin bilang tugon.

Hinalikan ko naman sa noo si Dana bago magsalita.

"I'll be back before you enter the OR." bulong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at tumango.

Lumabas ako ng kwarto ni Dana tsaka dumiretso sa parking lot.

Didiretso ako sa school na dating pinapasukan niya.

Madali akong nakarating sa pupuntahan ko, kaya naman agad akong bumaba at tinungo ang siyang pakay ko.

"I'm looking for Irly Kang." sabi ko sa tao sa may information desk ng school.

"Nasa may garden po sila sa ngayong vacant nila." sagot naman niya.

"Salamat." sabi ko bago umalis.

Mabilis kong tinungo ang garden at nakita ko nga dun si Irly kasama sila Ego at yung iba pa nilang barkada.

"Aunt Sana!" masayang sabi nila ng makita nila ako.

"Bat andito po kayo? Kasama niyo po si Dana?" Ego asked.

"Babalik na po ba siya dito?" Irly added.

"Sadly, no. Hindi ko siya kasama." sagot ko. "I was just here to ask you if you want to come with to see her." I added.

"Where is she then?" Irly asked.

"At the hospital." sagot ko naman agad.

"Let's go. Sasama kami." sabi ni Ego.

I think they just want to see what's happening at hindi na sila nagtanong pa sa akin.

Sinundo ko sila kasi alam ko isa sila sa mga makakapagpalakas ng loob ni Dana.

Buong biyahe ata namin naging tahimik, nakikita kong di mapalagay si Irly pero iniiwasan niyang magsalita.

As we arrived pasado alas nuebe na pala.

Pumunta na kami sa room ni Dana, unti unti ko yung binuksan kasunod sila Irly.

Nakita kong nakapikit lang si Dana habang hawak hawak ni Dahyun yung kamay niya.

"Oh my God, Dana.." I heard Ego whimpered.

"Ano pong nangyayare?" nakita kong nangilid ang mga luha sa mga mata ni Irly.

"She's diagnosed with AML, 3 months ago. She's suffering trying to save herself, ngayon ang operation niya." sabi ko at napabuntong hininga na lang.

Napayuko ako kasi kita ko ang pag aalala at takot sa mga mata ni Irly ngayon. Ganyan din ako nung malaman ko yung nangyayare kay Dana.

-

Irly.

Ano mang segundo babagsak na ang mga luha ko, pero lumapit ako kay Dana na kasalukuyang nakapikit.

Marahang inangat ni Aunt Dahyun ang hawak niyang kamay ni Dana at inabot sa akin.

Nanginginig kong tinanggap yung kamay niya tsaka tuluyang humagulgol ng unti unti siyang dumilat.

"Sab.." mahinang usal ko sa gitna ng pag iyak.

"You're here.." hikaos na sabi niya kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.

Mabilis na tango ang binigay ko sa kanya, bago magsalita muli.

"I am.." mahinang tugon ko at hinalikan ang mga kamay niya. "Why didn't you tell me about this?" I cried.

"Because I know I'll die soon at ang hindi sabihin sayo 'to ang magiging dahilan para mas mabilis mo kong mapakawalan." she replied.

"No, no. You won't die. You can survive this. I'm here no matter what, Ego and I we won't ever leave by yourside." agad kong paliwanag sa kanya.

Pumikit lang siya bilang sagot sa akin.

Gustung gusto ko siyang yakapin, pero natatakot ako na baka masaktan ko siya sa kalagayan niya.

"You made us worried. Kaya lumaban ka, wag mo kaming iiwan." Ego just tried to smile while saying those words.

"It's time. Nandito na yung mga magdadala sa kanya sa operating room." biglang pinutol ni Aunt Sana ang usapan namin ng bumakas din ang pintuan ng kwarto ni Dana.

"Anak, we will be here waiting for you." sabi ni Aunt Dahyun at hinalikan niya ito sa noo.

"Be brave, kasama kaming mag iintay sayo." dagdag ni Ego.

"Hindi ako nagkulang sa pagpapaalala, Dana. Hihintayin ka namin ng mommy mo, gagaling ka." matatag na sabi ni Aunt Sana sa kanya.

Tumango lang si Dana sa kanila kaya naman napangiti ako ng lingunin niya ko.

"I'm really glad you're here, Irly." she whispered so I held her hand once again.

"I'll be always here for you. I'll see you later, Dana." agad na saad ko.

Tinanaw ko siya habang inalalabas na siya kwarto niya.

Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa pag aalala.

Naiinis ako sa sarili ko bakit hindi ko agad inalam 'to?

Wala ako ng halos tatlong buwan habang siya ayun, nakikipaglaban sa sakit niya.

How I wish inalam namin agad ni Ego ang lahat. Sana hindi namin hinayaang takasan niya na lang kami sa mahabang panahon.

"Alam mo kung hindi lumala ang kalagayan niya hindi na talaga siya nagbalak magpagamot. Sinuko na niya eh, but then hindi ko kayang nakikita ng ganun si Dana that's why I decided na humingi ng tulong sa totoo niyang daddy." Aunt Sana explained.

Nakaupo kami ngayon sa sofa dito sa kwarto ni Dana, ayoko munang umalis.

Gusto ko isa ako sa unang taong makikita niya once na matapos ang operasyon at magising siya. Si Ego naman kanina sinundo na ng daddy Moonbyul niya.

"Nung magcollapse siya I thought she's fine at all, na pagod lang yun pero hindi ko naman inakalang ganito yung sinapit niya." marahang sagot ko.

"Ang mahalaga alam niya na ngayong maraming naghihintay na gumaling siya. Ipagdasal nalang natin na maging maayos siya." sabi ni Aunt Dahyun habang yakap yakap siya ni Aunt Sana.

---

A/N : Malapit na 'tong matapos.

Intoxicated|SaiDaWhere stories live. Discover now