41 : Last Conflict

1.1K 43 18
                                    

Sana.

"Ready?" tanong ko kay Dana na ngayon ay nakabihis na at handa ng pumasok ulit sa school.

Ihahatid na namin siya ni Dahyun since di pa namin siya pinapayagang magmaneho matapos ng operasyon.

Masaya naman yung nagdaang pasko kasama ng buong pamilya at mga kaibigan namin.

Hindi lang ako makapaniwala na kahit na napakadami na ng nangyare pwede parin palang maging normal ang lahat.

"Kinakabahan ako for sure madami nanaman akong paperworks sa school." Dana spoke.

"Hindi kana namin hahayaan ng daddy mo na pabayaan yung sarili mo. Hindi madali yung pinagdaanan natin nung magkasakit, priority padin namin yung health mo." paalala ni Dahyun sa kanya.

I started driving at puro pangaral si Dahyun kay Dana.

Iba pala talaga kapag nanay na, lahat nasasabi sa anak.

Seeing them having a cute arguements makes me smile.

Matagal din nung huling maging ganyan ang pamilya ko.

Sa murang edad ni Dana nadala na din sa alanganin yung buhay niya at ako mismo ang makakapagsabi na hindi madali yung nangyare sa amin.

Pagdating namin sa school kaagad na bumaba si Dana at nagpaalam sa akin.

Kami naman ni Dahyun napagkasunduan namin na maggrocery ngayon since Monday naman at wala akong gagawing work ngayong araw dahil wala. namang kaso na nakasubmit para sa akin.

"Matagal tagal din tayong hindi nakapaggrocery ng magkasama, love." sabi ko kay Dahyun.

"Oo nga eh, buti nalang bumalik na sa dati yung lahat." she replied as she gave me a sweet smile. "Thank you for not giving up to this family since day one." she added.

"We're family, hon. And there's reason on giving up when you love the people around you. Mahal ko kayo ni Dana, kayo yung buhay ko." I answered.

The whole day, nag-general cleaning kaming mag asawa sa bahay.

Mga normal na gawain naming mag asawa.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayare sa mga susunod na araw pero kapag nakikita ko lang ang mag ina ko, nawawalan ng pangamba yung kalooban ko.

Ito na siguro yung pinaka tamang desisyon ko sa buhay ko ang pakasalan at panagutan si Dahyun una palang.

Hindi na ko bumabata, marami na kong nadaanang hirap sa buhay at yung iba kasama sila Dahyun at Dana.

Hindi ko rin inasahan na posible pala na maging masaya ng ganito. Kase nung umpisa akala ko mawawala yung kalayaan ko.

"Dad, alam mo ba everyone seems happy na nakabalik na ko sa school." kwento ni Dana habang nakaupo sa couch dito sa may living room.

It already evening and we're watching TV together, si Dahyun naman nasa kwarto para maligo.

"Namiss ka nila syempre. Tsaka nilihim mo sa kanila yung nangyare sayo eh." sagot ko kay Dana.

"Dad, how would you know if you like someone?" wala sa loob na tanong ni Dana.

"Bakit mo natanong? May nagugustuhan kana, anak?" nakakalokong tanong ko.

"Uy! Hindi, Dad. Nagtatanong lang!" natatarantang saad niya na ikinatawa ko.

"Defensive ka 'nak. Kilala ko ata 'yan, sabi ko na nga ba." tamang hinalang sabi ko.

"Issue." pikon din 'tong anak ko kahit kailan.

"Fine. Malalaman mo kapag may nagugustuhan kana, kapag may epekto sayo yung ginagawa niya and even the little things naappreciate mo mula sa kanya." paliwanag ko. "Ganon kasi ako nung pinagbubuntis ka palang ng mommy mo, kahit ano pa gawin niya nakikita ko." dagdag ko pa.

"At bakit parang naaamoy kong may manliligaw na dito." bigla namang dumating si Dahyun na nakabihis na pangbahay at basa pa ang buhok. Nakaligo na pala.

"Wow. Parents, advance kayo masyado mag isip." naaasar na usal ni Dana.

Tinabihan naman ako ng asawa ko na parang natatawa sa akto ng anak namin.

"You're not a baby anymore." nakangiting saad ni Dahyun sa kanya.

"And soon, you'll have a girlfriend or boyfriend. Wala na kaming laruan sa bahay." gatong ko pa.

"Mom, Da stop. It's not funny anymore." sinamaan niya naman kami ng tingin.

Pareho kaming nagkatinginan ni Dahyun at sabay na tumawa ng nakakaloko.

Ang sarap niya rin kasing ibully, isa ring pikon mana sa nanay.

Nagkulitan lang kaming buong pamilya habang nanonood sa TV until we heard someone shouting outside the house.

"Sana!"

"Lumabas ka dyan!"

Napatayo naman ako dahil sa sigaw mula sa labas.

"Si Vernon, hon." alangang saad ni Dahyun.

Lalabas dapat ako pero hinawakan ako ni Dahyun.

"Hon, baka saktan ka niya." alalang sabi ni Dahyun sa akin.

"Diyan ka lang, wag kang kayong lalabas." bilin ko at hinalikan siya sa noo. "Dana, bantayan mo ang mommy mo."

Tumango si Dana at niyakap niya ang mommy niya.

Lumabas ako ng maingat sa bahay at naabutan ko din si Vernon.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Nasaan ang anak ko, isasama ko na siya." matapang na saad niya.

"Give her time. Wag kang gumawa ng eskandalo." kalmadong saad ko.

"Ano ako tanga? Malamang bibilugin mo ang ulo ng anak ko. At ikaw na hayop ka ang papaburan niya!" madiin niyang sabi.

Hindi ko pa inasahan na may binunot siyang baril sa likod niya at itinutok niya sa akin.

"Vernon, wag na lang natin paabutin sa ganyan." pakiusap ko.

"Hindi naman aabot sa ganito Sana kung di mo nalang ibinalik sa akin yung mag ina ko." nanginginig ang kamay niyang nakatutok sa akin.

"Vernon!" rinig ko si Dahyun na lumabas kasunod nito si Dahyun.

"Dahyun, pumasok kayo sa loob!" sigaw ko dahil ayoko na baka madamay pa sila dito lalo na't may baril si Vernon.

"Dahyun, sumama na kayo sa akin ni Dana. Mamuhay tayo ng masaya ng wala si Sana." he's insane.

"Gago ka ba?!" narinig kong sabi ni Dana. "Pagkatapos ng halos labing limang taon mula ng iwanan mo kami ng mommy ko at si Daddy ang nag alaga sa amin tapos magsasalita ka ng ganyan?" galit na saad niya.

"Kaya nga babawi ako, kaya Dana sumama kana sa akin." pakiusap ni Vernon.

"Walang sasama sayo. At hinding hindi kami sasama sayo." madiin na sabi ni Dana.

Nag iba ang itsura ni Vernon na parang nagdilim ang itsura niya bago magsalita tsaka mas itinutok sa akin yung baril.

"Kung hindi ko na lang mabubuo ang pamilya ko, hindi ko rin kayo hahayaang mabuhay ng masaya. Sa akin din ang balik niyo kapag nawala na 'tong epal na 'to sa buhay natin." sa sinabi ni Vernon biglang pumutok ang baril at tinamaan ako.

Tila nabingi ako pangyayaring iyon, dama ko ang pagtulo ng dugo sa bandang puso ko at tuluyang nanlambot ang mga paa ko dahilan para bumagsak ako sa malamig na semento.

"Sana!"

"Daddy!"

Yun ang huling mga pagtangis na narinig ko, kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Bago ko ipikit ang mga mata ko, naaninag ko pa si Dana at si Dahyun.

Oras na ba?

Kasi segundo lang ang pagitan ng lamunin ako ng kadiliman.

----

Intoxicated|SaiDaWhere stories live. Discover now