31 : Regrets

1.3K 49 20
                                    

Vernon.

Sa umpisa palang naman alam kong marami ng galit sa akin.

Maraming galit sa ginawa ko kay Dahyun 15 years ago.

Bata pa ko noon, natatakot ako sa posibleng mangyare kaya iniwan ko si Dahyun at hindi ko siya napanindigan.

Sa loob ng 15 years na pananatili ko sa California dala dala ko padin ang konsensya sa ginawa ko.

Pero tapos na at hindi ako ganoong responsableng tao inaaamin ko.

Kaya kahit siguro ngayon wala parin naman akong pamilya.

Natakot lang din akong itakwil ng mga magulang ko sa nagawa ko at hinayaan kong ipadala nila ko sa ibang bansa.

I know you are all not buying my reason, alam ko napaka-unacceptable.

Pero ngayon gusto kong bumawi kahit di nalang kay Dahyun kundi para narin sa anak ko.

Nagkita na kami ni Dahyun nung nakaraan pero ramdam ko yung galit niya at ayaw niyang ipakita sa akin ang bata.

Pero hindi parin naman ako titigil hanggang sa makita ko na siya.

Nandito ako ngayon sa isang eskwelahan. Nag aantay sa labasan ng mga bata.

Dahil sa tulong ng ilang mga kaibigan ko nalaman ko ang pangalan at itsura ng anak ko.

Nakasakay at nakapark lang ang sasakyan ko habang hinihintay siyang lumabas.

Dana Sabrina Kim Minatozaki pala ang ibinigay na pangalan niya. Inako na talaga siya ni Sana na hindi ko naman masisisi na siyang naging ama ng anak ko mula ng ipinagbuntis ni Dahyun si Dana hanggang sa ipanganak niya ito.

Wala ni isang bakas ko ang detalye ng bata at maging si Dahyun ay tila wala ng pakialam.

Nasasaktan din ako dahil ngayong kaya ko na at malakas na ang loob ko dun pa talaga alam kong mahirap ng lumapit.

Oo, kilala ko ang mga Minatozaki. Hindi sila basta bastang pamilya, sila ang nagmamay ari ng pinakamagaling na lawfirm sa Asia at pang pito sila sa pinakamataas na kompanya sa buong mundo.

Hindi naman pala bumagsak sa maling tao si Dahyun pero hindi maitatangging nagtagpo sila dahil sa pagiging duwag at walang kwenta ko.

Maya maya pa lumabas sa bungad ng school ang grupo ng mga kabataan na nagkakatuwaan mga nakauniform at may suot na bag.

Isang babae naman ang pumukol sa atensyon ko. Nakacling ang kamay niya sa isa pang babae habang nakangiti at may mga hawak silang libro.

Pinagmasdan ko lang sila at dun ko na nasabing ang anak ko nga ito. Ang buong features niya ay hindi ko na halos makita sa akin, kamukha niya si Dahyun at sa di ko malamang dahilan na kay Sana talaga siya lumaki ang kilos rin ay nakuha niya kay Minatozaki.

Nakaramdam ako ng inggit kay Sana dahil naramdaman ko at kahit di ko man nasaksihan ang bond nila dahil nakikita kong napalapit sila ng todo sa isa't isa.

Halatang ako ang matatalo kung ipinilit ko pa 'to.

Pero hindi ibig sabihing susuko na ko sa anak ko.

Marami ng naibigay si Dahyun at si Sana sa kanya sa mga nagdaang taon.

Pero alam ko ang bagay na hindi nila maibibigay ang pagiging ama sa isang anak.

Gusto ko paring ipagmalaki at tanggapin ako ni Dana sa buhay niya.

Malaman man lang niyang mahal ko siya at pinagsisisihan ko ang mga nagawa ko ng mga panahong iwanan ko sila ng nanay niya.

Sana.

"How's school? Wala yata kayong project ngayon?" tanong ko ng makasakay siya sa kotse.

Nasa school kasi kami at sinusundo siya ngayong dismissal niya.

Nitong nagdaang araw di na halos namin siya makita sa bahay dahil sa pagiging busy niya.

Buti nga ngayon at nagpasundo na sa akin.

"I'm not feeling well, Daddy. Mabigat pakiramdam ko at ayaw na akong pasamahin nila Irly kaya na daw nila yun." bagsak sa pagsandal dito sa passenger sit si Dana.

Kung titignan siya habang kasama ang mga kaibigan niya kanina alam kong pinipilit niyang maging masigla kilala ko ang anak ko kahit gaano siya ngumiti at tumawa alam ko na may dinadamdam siya.

Tinanggal ko namang suot kong jacket dahil kita kong nilalamig siya ibinigay ko sa kanya at hininaan ko na ang aircon.

"Magpahinga kana lang, bibilisan ko ang pagmamaneho ng makauwi tayo." saad ko sa kanya.

Tumango lang siya tsaka tuluyang pumikit.

Dumaan na kami palabas ng parking dito sa labas ng school ng may nakita akong sasakyan at may lalaking nakatingin pa mismo sa sasakyan namin pero hindi ko nalang pinansin.

Nagmaneho lang ako hanggang makarating kami sa bahay.

Sinalubong naman kami ni Dahyun ng maipasok ko sa garahe ang sasakyan na gamit ko.

Pagbaba ko sa sasakyan agad akong niyakap ni Dahyun at hinalikan sa labi.

"Yung anak mo, masama ang pakiramdam." bulong ko. Bumalikwas na si Dahyun at nilingon ang anak naming nasa loob padin ng sasakyan habang natutulog.

Binuksan ko ang pintuan sa may passenger seat gigisingin ko na sana ng hawakan ni Dahyun ang braso ko.

"Buhatin mo na siya. Wag mo ng gisingin. Kawawa naman." kita ko sa mga mata niya ang pag aalala.

Pagdating talaga kay Dana sobra yung alaga at pag aalala niya.

Nag iisang anak kasi namin 'to eh.

Binuhat ko na nga ng dahan dahan si Dana. Kayo naman siya at di siya kabigatan gayong iilang sento metro nalang ang lamang ko sa kanya.

Pagdating ko sa kwarto niya nilapag ko lang siya sa may kama.

Si Dahyun naman madaling tinanggal ang sapatos niya kasunod ang jacket at cardigan niya.

"Basa ang likod niya. Tsk." Dahyun hissed. "Sab, wake up first anak basa ng pawis yang likod mo." dagdag niya pa.

"Hmm.." daing lang ni Dana. Ganyan yan kapag di maganda ang timpla ng pakiramdam. Hindi mo matino ng maayos.

"Love, magpalit kana muna ng damit. Asikasuhin ko lang muna yung anak mo." lingon ni Dahyun sa akin.

Tumango nalang ako sa kanya.

Bibihirang magkasakit si Dana at ngayon lang naulit.

Epekto yan ng pagpapabaya sa sarili niya.

Nagpunta ako sa kwarto naming mag asawa tsaka nagbihis ng pambahay.

Malinis na ang buong bahay at alam kong kailan lang nakapaglinis ng maayos ang asawa ko ng dahil nagkita sila ng totoong ama ni Dana.

Sa totoo lang natatakot din ako, kung ilaban niya nga at kunin sa amin si Dana.

Yung posibilidad na gumulo ang isipan ng bata sa bagay nangyare noon.

Ayoko na baka hindi maging maganda ang epekto nito sa anak namin.

Lumaking mabuting tao ang anak ko at naging ama man ako sa kanya hindi ko maitatangging higit pa doon ang kailangan niya.

Sa pagiging mabuting magulang at asawa responsibilidad ko silang dalawa.

Kung tutuusin isang malaking threat si Vernon sa pamilya namin, dahil paano kung nanggulo siya?

Hindi naman problema sa akin kung gusto niyang makasama si Dana.

Handa akong masaktan na makitang masaya ang anak ko sa tunay niyang ama.

Ang hindi ko lang naman kaya eh yung baka humingi siya ng sobra to the point na maiwan akong mag isa.

----

Intoxicated|SaiDaWhere stories live. Discover now