50 Twinkle Night

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh, o-okay."


[ALANA]

Carousel pala ang tawag sa una niyang sinakyan. Ngayon pa lang kasi niya ito nakita sa personal at ng pagsakay niya, nakakahilo man pero nage-enjoy siya. Halos mga bata ang nakasabay niya at minsan tinitignan siya pero balewala 'yun dahil naranasan din niyang sumakay sa ganitong kasayang rides.

Sunod-sunod na ang mga gusto niyang sakyan. Bumper cars, double shot, octopus, at pirate ship. Talagang sinuyod at sinakyan niya lahat kung anong makikita niyang rides. Masaya at exciting ang nararamdaman niya na parang tumilapon ang kanyang katawan.

Pagkatapos ay nagpasya muna silang kumain. Cotton candy ang sa kanya at mineral water naman kay Roman. Nag-enjoy siya sa mga rides na sinakyan niya pero huli na niyang nalaman at nagaalala siya para kay Roman. Para kasing naging matamlay ito at parang nahihilo. Mukhang hindi ito sanay na sumakay sa mga ganoong rides.

"Um, ayos ka lang ba?" tanong niya rito.

"I'm fine. Nag-enjoy ka ba?"

"Sobra. Ang galing pala ni Howard pumili ng mapapasyalan. Sa amin kasi hanggang pasugalan at isang peris weel lang ang nandoon kapag piyesta. Ang dami kong nakita at napuntahan na nakakatuwa. Kita mo oh," pinkita niya rito ang biniling gold bracelet ni Howard para sa kanya. "Binilhan niya ako ng ganito. Todo tanggi pa ako kay Howard nito dahil masyadong mahal pero ang sabi niya regalo niya ito sa akin kasi magkaibigan kami at tiyaka—" natigil siya sa pagsasalita ng makita ang mukha nito na nakakunot at parang tulala.

"Ayos ka lang ba talaga? Sorry sinama pa kita sumakay. Hindi ko alam na hindi ka pala sanay."

"I'm fine. Nag-enjoy naman ako. Well, not so dahil tama ka hindi ako sanay and it's been so long since sumakay ako sa mga nakakalulang mga rides."

"Ganoon ba?"

"As long as you're happy, you don't have to worry about me. You're talking about Howard, right? Close na pala kayo ngayon?"

"Siguro. Kaibigan mo siya eh kaya naging kaibigan ko na din."

"But be warned baka ma-hooked ka sa mga bulaklakin niyang mga salita."

"Hindi no. Alam ko naman na may pagkabolero si Howard pero siya na mismo ang nagsabi sa akin na hindi niya ako igagaya sa ibang babae kaya panatag akong makasama siya."

"Really? That's good... at least."

Natulala na naman ito. Medyo hindi sila makakapagusap ng masinsinan dito dahil sa ingay ng mga tao kaya may naisip siyang idea.

Tumayo ito. "It's six now so... let's go home."

"Sandali."

"Yes?"

"Bago tayo umuwi, pwede bang samahan mo muna ako."

"Hm? Where? May papasyalan ka pa ba?"

"Oo. Gusto ko sanang sumakay doon." Sabay turo sa ferris wheel.

"Oh, sure. Akala ko kung anong extreme rides na naman ang sasakyan mo. I can handle that one."

Pagkatapos niyang kumain, agad silang sumakay sa ferris wheel. Nakamasid lang siya sa ganda ng tanawin sa ibaba pero silang dalawa naman ay hindi nagkikibuan.

Eto na siguro ang hinihintay niyang pagkakataon para makausap ito ng masinsinan at masabi ang gusto niyang sabihin.

"Roman, humihingi ako ng patawad sa nagawa ko at sa mga sinabi ko sa'yo."

The Billionaire's AdoptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon