11 Guilt

28.1K 653 19
                                    

The Billionaire's Adopted

Chapter 11

[ROMAN]

Pagkatapos niyang tapusin ang iilang mga Gawain sa opisina, umuwi muna siya sa bahay para makapagpalit ng damit. Buong araw siyang walang tigil sa kakatrabaho. Marami pa siyang kailangang tapusin lalong lalo na ang construction sa bagong ipatatayong megamall. Kailangan matapos na iyon ilang buwan bago ang Christmas holiday. Sumabay pa ang on-going construction sa bagong private hospital na patutuunan din niya ng pansin. Buti na lang tinutulungan siya ng kanyang business partner para bantayan ang bawat updates ng ospital. Doctor ito at importante rito ang project para makapagsimula na mag-operate ang ospital.

Sa dami ng kanyang ginagawa, palagi na naman siyang kinukulit ng kanyang mga magulang. Gaya ngayon na iniimbitahan na naman siya sumabay mag-dinner. Kasama din daw ang ilan sa mga kaibigan ng mga ito. It's his parents so he can't refuse. Tiyaka, hindi rin naman mananatili ng matagal ang dalawa dahil pupunta na naman sa ibang bansa. He guess sa Egypt na naman ang next destination ng parents niya.

"Heto na, hijo. Plinantsa ko ng mabuti para hindi agad gumusot."

"Salamat, Aling Nora." Kinuha niya ang kanyang necktie at isinuot ito. Formal dinner sa isa sa mga paboritong restaurant ng kanyang mga magulang kaya kailangan maging pormal din ang susuotin niya.

Narinig niya si Aling Nora na napabuntong hininga. "What's wrong, Aling Nor?" Tanong niya. "May problema ho ba?"

"Hindi ko maiwasan na mag-alala sa batang 'yun. Gabi na. Saan na kaya siya ngayon?"

Ang tinutukoy nito ay ang anak ni Francisco na biglang dumating at inakyat ang bakuran sa likod ng kanyang bahay. "I guess nakauwi na 'yun sa kanilang bahay. Binigyan ko naman siya ng sapat nap era para hindi siya mahirapan."

"Kahit naman bigyan mo siya ng pera hijo, hindi ibig sabihin magiging maayos lang iyon gumala kahit saan. Hindi siya taga-rito at alam mo naman dito sa siyudad, madali ka maligaw, bakit mo ba kasi pinaalis agad si Alana?"

"Aling Nora, nasa hustong gulang na po 'yun at kaya na nito ang sarili. Besides, tinulungan ko naman siyang hanapin ang address sa bahay ng Papa nito so hindi siya maliligaw dito." He decided as soon as possible, paaalisin ang babaeng 'yun dito sa bahay. Sa mga sinabi ni Howard, sa tingin nito plano ang pagpunta ni Francisco at iwan sa kanya ang anak nito. Alam din ng babaeng 'yun ang tungkol sa utang ni Francisco kaya willing itong tulungan ang ama at pumayag na maging collateral. Kung totoo nga ang duda niya rito, kesa ibunton pa niya ang galit sa babae, mas mabuti na umalis na ito sa kanyang pamamahay.

"Sana man lang dumito muna siya kahit isang araw pa. Kahit naman nasa hustong gulang na si Alana, iba ang kinalakihan niya. Hindi naman siya nakatira sa kanyang ama. 'Yung araw na kinuha siya ng kanyang ama sa isla, iyon din ang araw na nagkakilala ang dalawa. Pinangakuan na aalagaan at pagaaralin pero pagdating dito sa siyudad, iiwan na lang nito ang anak sa iba. Ano bang klaseng ama ang nangiiwan sa anak?

Kung hindi sa magandang pangako ng ama nito, wala si Alana dito ngayon. Hindi ba nakakaawa ang sitwasyon niya? Pinagbigyan mo naman sana siya, hijo."

Napatulala siya saglit. Meaning, estranged ang relasyon ng mag-ama? He didn't know that. Ang alam lang niya ay ang sinabi ng babae na pinangakuang pagaaraling ito ng ama at iiwan ito sa kanya dahil may pupuntahan itong trabaho sa malayong lugar. 'Yun lang.

"Hay nako. Sana naman magiging maayos ang kinalalagyan ng batang 'yun. Mabait pa naman pero ang mas inaalala ko, wala itong kaalam-alam sa mundong tinatahak niya ngayon. Tanging ang ina lang ang kasama nito sa isang isla. Sana nga nakauwi na ito para naman hindi na ito gumala pa kahit saan. Napaka-inosente pa naman ng batang 'yun."

Now he's starting to feel guilty! Sa mga nalalaman niya tungkol sa babaeng 'yun, pakiramdam niya may mali siyang ginawa. Yes, he thinks she's old enough to be herself outside pero, may point din naman si Aling Nora. Laki sa isla ang babaeng 'yun. Pero, 'di naman maikakaila na anak ito ng taong tinakbuhan ang pagkakautang sa kanya! It's not his responsibility na magalala sa kalagayan nito. He don't know that girl---woman o sino pa ito.

But he's feeling the guilt running through his whole body.


[ALANA]

"Ito na ba ang itsura ng bahay mo, hija?" tanong ng driver ng sinakyan niyang taxi. Ilang pagiikot din sila sa paghahanap sa bahay ng kanyang ama. Ang naaalala niyang palatandaan ay ang kulay ng gate at ang numerong nakadikit sa poste. Buti na lang mabait at pasensyoso ang driver sa kanya.

"Opo, dito na ho." Tinulungan siya nitong ilabas ang kanyang mga gamit.

"Mukhang wala yatang tao sa loob, hija." Sabi nito. "Ayos lang ba sa 'yo na ikaw lang magisa dito?"

"Ayos lang po. Susubukan ko pong kumatok baka may tao sa loob. Salamat po pala sa tulong ninyo." Binigay niya ang bayad at umalis na ito.

Pinagmasdan niya ang malaking bahay. Tama nga ang sabi ng driver. Walang ka-ilawilaw ang buong bahay. Iilang poste lang ang umiilaw. Bakit kaya? Eh, noong nakaraang araw lang, maraming tao sa bahay. May mga katulong, hardinero at driver ng ama niya pero bakit pagdating niya ngayon, naging abandonado na ang buong bahay?

Pinindot niya ang doorbell baka sakaling may tao pa sa loob pero ilang minutong paghihintay, walang sumasagot o lumabas man lang. Pansin niya na hindi naka-kandado ang gate kaya kusang pumasok siya sa loob. Sumilip siya sa mga bintana para tignan ang loob. Walang tao, walang ilaw---madilim ang buong bahay. Hindi rin siya makapasok sa loob.

Napaupo na lamang siya semento sa tapat ng pinto. Gutom na siya na pagod na pagod. Napantanto niya na wala pala siyang napala sa pagsama sa kanyang ama. Hindi niya naiintindihan ano ba ang nangyayari. Akala ba niya magiging maayos ang buhay niya kapag sumama siya. Pero, bakit ang pangakong na aalagaan siya, babawi sa ilang taong hindi ito nagpakita sa kanya at pagaaralin siya ay hindi man lang natupad? Umasa siya dahil isa din sa gusto ng kanyang namayapang ina na makapagpatuloy siya sa pagaaral.

Pagkatapos, bigla na lang siyang iiwan ng kanyang ama at patitirahin sa ibang tirahan. Pero, malalaman lang niya sa huli na walang alam ang may-ari ng bahay tungkol sa kanya kaya wala itong magagawa kundi paalisin siya. Hindi niya alam anong lugar na ito at gustong gusto na niyang umuwi. Pero gusto man niya, hindi naman niya alam papaano at saan ang isla na 'yun. Iyon ang malaking pagkakamali na hindi niya alam saan siya nakatira. Mas mabti pa doon. Tahimik na pamumuhay, magandang tanawin at mga taong totoo at hindi siya iiwanan. Nami-miss niya tuloy sila Aling Martha at Ate Julia. SObrang lungkot pa naman nila ng umalis siya.

PInagmasdan niya ang dala niyang mga gamit. Halos lahat ng mga ito ay binili para sa kanya. Magagandang mga damit at mamahaling mga laruan. Pero ang lahat ng ito, hindi importante sa kanya. Tinuruan siya ng kanyang ina na matutumbasan ang mga magagarang gamit at maraming pera kung walang nagmamahal sa kanya.

Binuksan niya ang mga ito at pinili lamang niya ang kakailanganin niyang dalhin. Tanging isang bag pack, konting maisusuot at ang pinakaimportante sa lahat, ang pinakatago-tago niyang maliit na litrato ng kanyang ina. Buti din meron pa siyang konting perang natitira para makabili ng pagkain. Nagugutom na rin siya at plano niyang maghanap ng matutulugan para bukas, may lakas siyang maghanap ng impormasyon papaano makakauwi sa isla. Mahirap man ang gagawin niya pero kailangan. Wala siyang mahihingnan ng tulong kundi ang sarili lang niya. Hindi dapat siya matakot dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng kanyang ina.


To be continued...

A/N: I will update this fast para makapagsimula na ako mag-hire ng editor at gumawa ng physical copy nito. I will try my best!

If you like the story so far, kindly leave a LIKE and also COMMENT what are your thoughts on the story. I'll be happy to read your thoughts. Thanks!!

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now