47 Conscience

1.9K 114 19
                                    

[ALANA]

Isang linggo na ang dumaan pero hindi pa rin sila nagkikibuan ni Roman. Pagkatapos sa nangyaring party na 'yun, medyo hindi pa rin maganda ang bawat araw para sa kanya. Iniiwasan siya ni Roman at pati na din ang kaibigan niyang si Levi ay hindi din siya pinapansin.

Sinubukan niyang kausapin si Roman pero hindi niya magawa. Paggising niya sa umaga, hindi na niya ito naabutan dahil maaga itong umalis papunta sa trabaho nito at kapag sa gabi naman late na itong umuwi. Hays... kahit pilitin niyang hintayin itong umuwi, hindi na niya namamalayan na nakatulog na siya.

Pero, pagkakataon na niya siguro makausap ito ngayong araw dahil...

"Oh my! I'm so glad because at last magkakasama na naman tayo ulit. Isn't it super fun tonight, Hon?"

...ngayong gabi inimbitahan siya kasama si Howard na makasamang mag-dinner sa isang restaurant ang mga magulang ni Roman. Huli na niya itong nalaman dahil pagkatapos ng kanyang klase, agad siyang inihatid dito at pagdating niya nandito na ang mga magulang ni Roman tiyaka si Howard.

"Rosa Honey, of course it is. We are so excited. Hindi lang tayo ang nandito ngayon. Even Howard is here para samahan tayo."

"Oh, you're so sweet Tita Rose. Tito Bern, ang swerte mo talaga sa asawa mo. Ang blooming mo parang walang nangyaring nagkasakit ka." Masayang sabi ni Roman sa mag-asawa. Inatake kasi sa puso ang ama ni Roman kamakailan lang at nanatili ito sa ospital ng ilang linggo.

"Siyempre, my wife knows best. She also insisted na magbakasyon muna kami sa Santorini para makapag-relax ako."

"Dahil kakauwi lang namin and nami-miss na namin kayo especially itong future apo namin, mas mabuti na mag-settle ng dinner date ngayon. Hindi ba, Alana? Masaya ka bang makita kami ulit? Roman said that your busy sa school."

Future Apo? Siya ang tinutukoy nito. "Um, o-opo. Maraming salamat po at opo nami-miss ko na din po kayo. Mabuti na din po na magaling na po si Lolo." Ngiting sabi niya. Hindi niya inaasahan na magkikita sila ngayong gabi dahil imbes na sa bahay siya hinatid ng driver, sinabi nito na dadalhin siya sa isang restaurant para makipagkita sa mga magulang ni Roman para mag-dinner. Nandito din si Howard kaya hindi siya nakapaghanda at ang suot lamang niya ngayon ay ang kanyang school uniform.

"Tita, Tito,You holy begotten son is here." Ngiting sambit ni Howard. Nandito na si Roman. Napaupo siya ng maayos ng bigla niyang makita ito. Nakasuot lamang ito ng itim na shirt at pantaloon at naka-lugay din ang buhok nito na nakikita niya kapag nasa bahay lang ito.

Umupo ito sa tabi ng ama at magkaharap silang dalawa. Halatang hindi man lang ito tumingin sa kanya.

"Sorry, I'm late. Still busy from work." Sabi ni Roman.

"It's okay as long as dumating ka. Kadarating lang ng inorder namin so kung may gusto ka, tawagin mo na lang ang waiter."

"It's alright, Pa. Okay na ako sa inorder niyo."

"Well then, let's eat."

Tahimik lamang siyang kumakain habang naguusap ang iba. Hindi pa siya maka-tiyempo para kausapin si Roman. Kita din niya itong busy sa cellphone.

Habang masaya ang mga magulang ni Roman, kabaliktaran naman sa sitwasyon nilang dalawa.

"Say, how's your life recently Howard? Hindi ka ba masyadong busy ngayon?"

"Oh no Tita, I'm still busy as always pero marunong naman akong mag-balance ng schedules ko. Secret recipe 'yan para hindi masyadong stress sa buhay."

The Billionaire's AdoptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon