12 Guilty as Hell!

18.5K 555 48
                                    

The Billionaire's Daughter Chapter 12

[ALANA]

Palakadlakad siya saan siya dalhin ng kanyang mga paa. Hindi niya alam saan siya pupunta. Nagugutom na siya at nangangalay na ang mga paa. Kailangan na niyang maghanap ng matutulugan at makakainan ngayong gabi. Halos lahat ng establishimyento sirado na at wala na masyadong dumadaan na mga sasakyan. Sana naman meron pa bukas para makapagpahinga naman siy at makakain. Gustong-gusto man niyang umuwi ng isla pero saan naman siya pupunta? Kung kailangan sumakay siya ng bus o barko, ginawa na niya pero hindi naman niya alam anong pangalan at kinaroroonan ng isla!

Pero, meron pa rin siyang natitirang pag-asa at kapag nakauwi man siya, hinding-hindi na siya babalik pa rito at hindi na siya tatanggap ng kahit anong alok. Habang buhay siyang mananatili sa isla.

Pagod na pagod na siya kaya umupo muna siya sa 'di kalayuang waiting shed. Uminom siya ng tubig at napasandal. Minamasahe din niya ang kanyang mga paa. Napaangat din siya ng tingin sa mga nakaklulang mga gusali. Ito ang pinakaunang kita niya sa mga gusali ganyan kataas. Ibang iba sa kanyang tirahan na puro mga bundok lang ang matataas.

Naglakad ulit siya at ilang minuto na ang lumipas, napunta siya sa isang kalye na marami-rami ang mga tao. Maraming nakahilerang mga magagarang sasakyan at hindi magkamayaw ang mga musika sa bawat loob ng mga establisyemento. Puro mga lalaki ang nakikita niya sa daan pero may iilang mga babae din na iba ang kasuotan. Ang iikli ng mga suot nila at halos kitang na ang dibdib at tuhod habang inilalapit ng mga ito ang katawan sa mga lalaki.

Tamang-tama baka may makita na rin siyang kainan at matutulugan dito. Nilampasan niya ang mga taong abala sa pakikipagusap sa iba. Puno ng buhay kahit saan man siya tumingin. Meron din mga banyaga na nandito. Parang ibang klaseng pasyalan itong nadaan niya, ah.

Natigil siya sa paglalakad ng may humarang sa kanyang lalaki.

"Magkano ka hanggang bukas?" tanong ng lalaki sa kanya.

"P-po?" hindi niya maintindihan ang tanong nito. Palagay niya nasa singkuwenta anyos na ito at parang lulong sa alak.

"Magkano nga?" Ulit nito. "All in hanggang bukas ng umaga. Ako na ang bahala sa hotel. Don't worry, hindi ako madamot na kliyente."

"Hindi ko po alam anong sinasabi ninyo." Sagot naman niya.

Nagulat siya ng biglang hinawakan ang kanyang braso. "Para ka naman bagohan dito. Sige na, pumayag ka na. Huwag kang mag-alala, magaling ako at siguradong gaganahan ka sa mga gagawin natin."

Nagsimula na siyang nakaramdam ng takot. Sa pagkakahawak pa lang nito sa kanya, may balak na itong masama.

Pilit niyang pinapakawalan ang pagkakahawak nito sa kanya. "Hindi po talaga, Sir. Hindi po ako sasama."

"Sige na! huwag ka ng masyadong kuripot d'yan!"

"Hi, Sir! Mukhang iba yata ang pinagkakaabalahan ninyo d'yan, ah!"

Natigil siya ng biglang may humarang na babae sa kanilang dalawa. Hinarap nito ang lalaki upang pakawalan siya.

"Sir, wala pa dito ang transactions para maka-book kayo ng magaganda at sexy mga chicks!" sabi nito na parang nagse-sales talk. Patuloy nito. "Ang mabuti pa, may sekreto akong sasabihin sa inyo." May kinuha ito sa bulsa at binigay sa lalaki. Hindi na niya dinig ang paguusap ng dalawa hanggang sa makaalis na ang lalaki.

"Phew! Ilang beses bang sasabihin na bawal kumuha ng mga babae sa labas? Well, kapag lulong na masyado sa laak, 'di na alam anong ginagawa." Nilingon siya nito. "Ayos ka lang ba, Miss?"

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now