7 Noise and The Girl

2K 96 29
                                    

[ROMAN]

Bigla siyang nagising at napabangon sa higaan. Hindi niya alam kung may narinig ba siya sa labas o nananaghinip siya. Heavy sleeper at hindi siya basta-bastang magigising pero rare sa kanya na magising na lang bigla.

Pagod siya galing sa trabaho. Marami siyang ginagawa buong araw lalo ng inaayos pa rin niya ang kalat na ginawa ng isa sa mga empleyado niya. Pinipilit siya ng kanyang mga magulang na tanggalin na ito sa kompanya pero hindi siya makakapayag. Ang taong 'yon ay malaki ang utang sa kanya. Hindi niya ito papakawalan ng basta-basta hangga't hindi nito mababayaran ng buo ang utang nito. Sobrang apektado ang kanyang mga negosyo dahil sa ginawa nito. Binigyan na niya ito ng palugit at kung hindi pa nito magbabayad, baka kung anong gawin niya.

Nakadagdag pa sa stress ang pagpaparinig ng kanyang mga magulang na mag-asawa. He can't do that right away! Marami pa siyang trabahong gagawin at hindi kasama ang paghahanap ng mapapangasawa. For him, that's stu*pid and crazy. His business is the most important in his life and nothing else!

May narinig na naman siyang ingay sa labas. Kaya napabangon na siya sa kama at nagsuot ng t-shirt at joggers. There is something going on sa labas ng kanyang bahay. Baka may magnanakaw o hayop na nakapasok.

Lumabas siya sa kanyang kwarto at pinuntahan ang study room. Nandoon nakalagay ang monitor sa mga CCTV cameras sa bawat sulok ng bahay. Tinignan niya isa-isa ang mga camera at hinanap saan nanggaling ang ingay. May hayop ba o taong nakapasok. Imposible naman na guni-guni lang ang kanyang narinig.

Ilang minutong pagmamasid, nagulat siya ng may nahagilap ng isa sa mga camera sa likod ng bahay. Kompermadong may tao ngang nakapasok sa bahay niya!

Kaya hindi na siyan nagdalawang isip na kumontak ng pulis pero natigil siya ng makita niya ang mukha ng tao.

Isang babae? Batang babae? At mukhang may mga dalai tong gamit.

Hindi niya tinuloy ang pagtawag ng pulis. Lumabas siya sa study room at tinungo kung nasaan ang babae. Pagbukas niya ng pinto, nandoon ang babae, nakaupo habang nakasandal ang ulo nito sa isang maleta.

Napamulat ito ng mata at napatingin sa kanya. What the heck is going here?

[ROMAN]

Dahil hindi naman siya ganoon kasamang tao, kahit hindi bukal sa kanyang loob ay pinapasok niya ang babae sa loob ng bahay. Dahil basa ito dahil sa ulan, pinahiram muna niya ito ng tuwalya. Kargo de konsensya pa niya kapag magkasakit ito. Hindi niya ito kilala, siya pa ang mamomoblema sa medical nito.

Pinatuloy niya ito sa kanyang sala. Habang ito ay nagpapatuyo siya naman ay palakad-lakad na hindi alam at nagiisip kung bakit nandito ito sa kanyang bahay. Patingin-tingin siya rito. Hindi sigurado kung anong edad nito. Maliit lang ito, mahaba ang buhok at katamtaman ang kulay ng kutis nito. Pansin din niya na ang pananamit nito ay branded pati na din ang mga dala nitong gamit. Naglayas ba ito? If it's true, kailangan niya malaman agad ang information tungkol sa mga magulang nito at isauli. He don't want to get involve sa anumang problema ngayon. Ang dami niyang inaasikaso at ang dami pa niyang aayusin na problema.

He should ask her, right now.

Umupo siya katapat nito. "Um, first of all hindi ko alam anong ginagawa mo dito sa bahay ko at hindi ko alam papaano ka nakapasok dito."

"Inakyat ko lang naman ang malaking puno ng niyog sa likod." Agad itong sumagot.

What? Oh right, pangalawang beses niya niyang sinabihan sa nagaayos ng kanyang hardin na putulin na ang puno na iyon pero hanggang ngayon hindi pa ginagawa. Ayan tuloy, may nakapasok na.

"O-okay? So, bakit ka umakyat at pumasok dito? Hindi mo ba alam na bawal ang pumasok sa isang lugar na hindi ka naman pinapapasok?" dinahan-dahan niya itong kinakausap. He guess hindi naman ito threat at walang planong masama.

"Hm, alam ko. Pero, hindi k na kasi kaya pa na maghintay sa labas ng gate dahil sa lamig kaya pumasok na lang ako dito. Wala naman akong nakikitang doorbell kaya... ayun."

"Kung ganoon may kailangan ka sa akin? Kilala mo ba ako?"

Umiling ito bilang sagot.

"What's your name?"

Napatitig ito sa kanya ng ilang segundo. "Huh?"

"Anong pangalan mo?" Hindi ba siya naiintindihan nito?

"Alana."

Alana. He don't remember na may nakilala siyang Alana so nagsasabi ito ng totoo. "So, anong rason bakit naghihintay ka sa labas ng bahay ko?"

"Ang sabi kasi ni Papa na dito muna ako habang may gagawin siyang importante."

Mas lalo siyang nalilito sa mga nangyayari. "Kilala ko ang papa mo?"

"Sabi niya, eh. Kaya iniwan niya ako dito."

"Anong pangalan ng Papa mo?"

Tila nagiisip ulit ito. "Hi-hindi ko alam. Hindi ko naitanong. Noong burol ni Mama, bigla na lang siyang nagpakita at sabi Papa ko daw siya. Ah! May nakalimutan ako." May kinuha ito sa bulsa ng palda nito. Inilahad nito ang isang putting sobre.

"Sabi niya, kapag nakita kita ibigay ko daw 'yan sa 'yo."

Kinuha niya ang sobre at binuksan. Nang binasa niya ang unang pangungusap sa sulat, napabilog ang kanyang mga mata sa gulat. Galing ang sulat kay Francisco Ramos! Ang empleyadong gumawa ng eskandalo at may malaking utang sa kanya!

Nakasaad sa sulat na hindi nito kayang bayaran ang utang nito kaya bilang kolateral sa ibabayad sa kanya, ang mismong anak nito ang gagawing kabayaran.

This girl here is that man's daughter?! Ginawang kabayaran ng taong iyon ang sariling anak?!

Oh god! This can't be happening! What will he do? What will he do next?!

To be continued . . .

A/N: Hi. I'm so sorry na maikli lang ang update ko. Marami kasi akong inaUpdate na mga stories kaya inunti-unti ko na lang para may updates ako everyday. I hope maiintindihan ninyo. Yes, this is free to read pero ayaw ko naman iSacrifice ang mga exclusive stories ko. Medyo tumataas na ang bills sa bahay ko todo kayod muna ako. Thank you!!

If you like and wanted to read more of the story, kindly leave a VOTE and COMMENT what your thoughts on this chapter. Until next time! ChuAmnidah!

The Billionaire's AdoptedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora